Danica, di tuloy ng Switzerland
December 17, 2005 | 12:00am
Hindi na pala matutuloy si Danica Sotto sa kanyang planong pag-aaral ng Culinary Arts sa Switzerland sa halip ay sa San Franciso, California, USA na umano niya planong mag-aral. Itoy personal na ibinalita sa amin ng ama ni Danica at bida ng pelikulang Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko - The Legend Continues na si Vic Sotto. Ayon kay Vic, nag-down payment na umano sila ng $3,000 para sa tuition ni Danica sa Switzerland at mukhang mababalewala ito dahil nag-iba ng isip ang kanyang dalaga.
Kinumpirma sa amin ni Vic na break na umano ang kanyang panganay na anak sa boyfriend nitong si Mark Escueta, ang drummer ng Rivermaya at isa umanong basketball player ang madalas na kasa-kasama ngayon ni Danica.
Parang version ni Ruffa Gutierrez sa kabaitan ang nakababata nitong kapatid na si Richard Gutierrez. Sa kabila ng tinatamasang kasikatan ngayon ni Richard ay hindi pa rin ito nagbabago at napakaganda ng PR.
Sa isang ispesyal na presscon na ipinatawag ng kanyang beauteous mom na si Annabelle Rama para sa pelikula nitong Mulawin: The Movie ng GMA Film at Regal Films na isa sa mga official entries ng Metro Manila Films Festival na magbubukas ngayong Disyembre 25, inamin ni Richard na pitong araw sa loob ng isang linggo ang kanyang trabaho pero hindi umano siya umaangal dahil alam niyang mga blessings ito sa kanya.
Bago nagsimulang mag-shooting si Richard ng Mulawin: The Movie ay ni-review umano niya ang mga old tapes ng kanilang hit TV series ni Angel Locsin, para muling ma-refresh ang kanyang role.
Inamin din ni Richard na kamuntik umanong maging sila ni Angel nung ginagawa pa nila ang Mulawin TV series pero hindi man naging sila, masaya pa rin sila para sa isat isa at sobra umano ang kanilang tuwa sa muli nilang pagsasama sa pelikula dahil bukod sa kanilang special friendship, kumportable na umano silang magkatrabaho. Open din umano ang kanilang communication line kahit may Oyo Boy na si Angel ay may Georgina Wilson naman si Richard.
Ayaw aminin ni Richard na siya ang highest paid young actor sa kasalukuyan.
"Sabihin na lang natin that I am the hardest working person," natatawa niyang pahayag.
Nung nakaraang December 14 ay nag-11 ang batang aktor na si Joshua Dionisio, ang tinanghal na best child performer sa Manila Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Kulimlim na pinagbidahan ni Robin Padilla.
Isa si Joshua sa pinakaabalang childstar sa bakuran ng Star Magic dahil kasama siya sa dalawang TV series, ang Panday at ang Vietnam Rose. Dati ring member si Joshua ng SCQ Reload kung saan siya gumanap bilang nakababatang kapatid ni Joseph Bitangcol. Nakapag-guest na rin si Joshua sa ibat ibang TV programs ng ABS-CBN tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at iba pa.
Nang huli naming makausap ang Canada-based actress na si Alice Dixson, sinabi nitong uuwi umano siya ng Pilipinas para makatulong sa promosyon ng Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko...The Legend Continues.
Kung si Alice lamang ang masusunod, gusto niyang dito sila ng husband niyang si Ronnie Miranda mag-spend ng Christmas at Bagong Taon pero hindi na umano matagalan ng kanyang mister ang usok at traffic sa Metro Manila.
E-mail: [email protected]
Kinumpirma sa amin ni Vic na break na umano ang kanyang panganay na anak sa boyfriend nitong si Mark Escueta, ang drummer ng Rivermaya at isa umanong basketball player ang madalas na kasa-kasama ngayon ni Danica.
Sa isang ispesyal na presscon na ipinatawag ng kanyang beauteous mom na si Annabelle Rama para sa pelikula nitong Mulawin: The Movie ng GMA Film at Regal Films na isa sa mga official entries ng Metro Manila Films Festival na magbubukas ngayong Disyembre 25, inamin ni Richard na pitong araw sa loob ng isang linggo ang kanyang trabaho pero hindi umano siya umaangal dahil alam niyang mga blessings ito sa kanya.
Bago nagsimulang mag-shooting si Richard ng Mulawin: The Movie ay ni-review umano niya ang mga old tapes ng kanilang hit TV series ni Angel Locsin, para muling ma-refresh ang kanyang role.
Inamin din ni Richard na kamuntik umanong maging sila ni Angel nung ginagawa pa nila ang Mulawin TV series pero hindi man naging sila, masaya pa rin sila para sa isat isa at sobra umano ang kanilang tuwa sa muli nilang pagsasama sa pelikula dahil bukod sa kanilang special friendship, kumportable na umano silang magkatrabaho. Open din umano ang kanilang communication line kahit may Oyo Boy na si Angel ay may Georgina Wilson naman si Richard.
Ayaw aminin ni Richard na siya ang highest paid young actor sa kasalukuyan.
"Sabihin na lang natin that I am the hardest working person," natatawa niyang pahayag.
Isa si Joshua sa pinakaabalang childstar sa bakuran ng Star Magic dahil kasama siya sa dalawang TV series, ang Panday at ang Vietnam Rose. Dati ring member si Joshua ng SCQ Reload kung saan siya gumanap bilang nakababatang kapatid ni Joseph Bitangcol. Nakapag-guest na rin si Joshua sa ibat ibang TV programs ng ABS-CBN tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at iba pa.
Kung si Alice lamang ang masusunod, gusto niyang dito sila ng husband niyang si Ronnie Miranda mag-spend ng Christmas at Bagong Taon pero hindi na umano matagalan ng kanyang mister ang usok at traffic sa Metro Manila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended