^

PSN Showbiz

Mine-menos na pelikula sa MMFF

- Veronica R. Samio -
Mariin ang pagtatanggol ni Eddie Garcia sa isa sa dalawa niyang entry sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines ’05, ang Terrorist Hunter ng Double Impact Prods.

Sinasabi ng marami na luma na raw ang pelikula. Katwiran naman ni Edde, hindi pa ito naipapalabas sa alin mang commercial theater kaya, maituturing pa ring bago ito. "It is a well-crafted movie, ginastusan, pinaganda para maging karapat-dapat sa MMFF. Hindi ito isang re-issue, its’ a big production, ginastusan ng mahigit kumulang sa P20M," dagdag pa niya. Mayro’n itong blasting scene, gumamit ng helicopter, eroplano, motor boats, jey skis, atbp.

Bagong prodyuser ng Terrorist Hunter si Col. Jerry Valeroso. Nabili niya ito sa korte na kung saan ay napunta ito nang makulong ang orihinal na nagprodyus nito. Kinunan ito ng buo sa Romblon at nagtatampok din kina Alma Soriano, Maricar de Mesa, Camille Roxas, Dennis Roldan, Jess Sanchez, Ramon Christopher, Bob Soler, Alan Ansson at Lito Legaspi. Nasa direksyon ito ni Val Iglesia.
* * *
Maswerte kay Melanie Marquez ang pagkakatanggap niya ng endorsement ng Renew Placenta. Simula nang mag-endorso niya ng whitening soap na ito ay lalo siyang sumikat, marahil dahil nakakalibot siya ng bansa. Tumaas din ang antas ng kanyang pagiging artista, dahilan sa nakikita na siya ng maraming tao at what they see, they like.

"First time ko talaga na mag-promote ng ganitong klase ng sabon, kasi sensitive ang kutis ko. Maingat ako pagdating sa skin care. As endorser kasi, I have to try the product first bago ang iba. So far, effective ang tandem, namin ng Renew Placenta," ani Melanie.

Kasali si Melanie sa movie ni Vic Sotto, ang Enteng Kabisote, The Legend Continues, isang mahalagang role ang ipinagkatiwala sa kanya. Reason kung bakit ni hindi na niya alintana ang pagkakawala niya sa Showbiz Stripped ni Ricky Lo. "Enjoy ako sa Gng Fashionista (QTV 11). Ito talaga ang bagay na show sa akin. Mas gamay ko ang pinag-uusapan namin dito. Maswerte si Melanie dahil suportive ang kanyang American husband. Kulang na siya ng time dito dahil bukod sa kanyang career ay nag-aaral pa rin siya ng BS Business Administration sa I-AME pero never na nagreklamo ito sa kanyang mga pagkukulang. "That’s why I love him very much," ani Melanie.
* * *
Di pa man naipapalabas ang Exodus: Tales of the Enchanted ay mayro’n na agad plano na gawan ito ng sequel ba o prequel? Whatever, may kasunod na ang P70M movie ng Imus Productions na pinagtutulung-tulungan ng magkakapatid na Bautista.

Let us just hope na di ito mapirata para makabawi naman sila Bong at makapag-prodyus uli ng mga magagandang movies. Isa si Bong sa mga artista na may concern sa industriya. Ayaw niyang siya lamang ang kumita, gusto niya, ang buong industriya.

Malaki ang maitutulong ni Bong sa industriya bilang isang senador. For one, makakagawa siya ng paraan na mababaan ang amusement tax. Malaki rin ang magagawa niya para ma-eradicate ang piracy.

Tingnan natin kung totoo yung sinabi niya na hindi mapipirata ang mga MMFFP ‘05 movies. Kung sakali man, malalaman kung ano ang makakaya niya para tuluyan nang ma-protektahan ang mga pelikulang lokal sa mga pirata.
* * *
E-mail: [email protected]

ALAN ANSSON

ALMA SORIANO

BOB SOLER

BUSINESS ADMINISTRATION

MELANIE

NIYA

RENEW PLACENTA

TERRORIST HUNTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with