Paolo, ayaw sumakay sa kasikatan ni Gary V.
December 15, 2005 | 12:00am
Masayang-masaya ang panganay ni Gary Valenciano na si Paolo dahil nagtatagumpay ang kanyang bandang Salamin sa sarili nilang pagsisikap. Nagkaroon sila ng gig sa isang international school at walang ideya ang mga estudyanteng tumitili sa kanila na siya ay anak ni Gary Valenciano. Ito ang gustong mangyari ni Paolo hanggat maaari ay ayaw niyang ma-identify ang kanyang banda sa kanyang ama.
Mahiyain si Paolo at kahit mga magulang niya ay di alam na kumakanta siya dahil sa loob ng banyo lang siya kumakanta. Kaya naman ipinasok nila siya sa theater kung saan siya napasali sa matagumpay na The Lion, The Witch And The Wardrobe.
Mahilig si Paolo sa rock music kaya niya binuo ang bandang Salamin. Hindi niya minana ang kagalingan ng ama sa pagsayaw at hindi pop music ang kanyang hilig kaya mas pinili niya ang magbanda. Bagaman at ayaw ng ina niya sa napili niyang career dahil alam nitong kayang-kayang mag-solo ni Paolo, payag si Gary at pinayuhan pa ang anak na sundin ang hilig ng puso.
Sa ngayon ay may crowd na ang Salamin at sinusundan na ito ng mga tagahanga sa kanilang mga gigs. ALEX DATU

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended