^

PSN Showbiz

Pelikulang di kasali sa MMFF

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Walong pelikula ang na-screen ng MMFF selection committee (2nd batch) sa pamumuno ni Asst. GM na si Mrs. Cora Cruz na siyang chairperson at namili ng apat na entries. Isa ang na-elevate sa ikapitong pwesto dahil nag-back-out ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Sa walong pelikulang ito ay kabilang ang Rumble Boys ng Apache Films, Mourning Girls ng Teamwork Productions, Lagot Ka Sa Kuya Ko ng RonRick Films, Caleido, Mga Batang Bangketa ng Rosas Productions, Blue Moon ng Good Harvest at Terrorist Hunter ng Double Impact.

Na-elevate ang Terrorist Hunter na kumumpleto sa Magic Seven at ang nanalong tatlong pelikulang ipalalabas sa January 1 ay ang Blue Moon, Mourning Girls at Lagot Ka Sa Kuya Ko.

Bago ang announcement ng entries ay halatang kabado si Ronnie at nasa tabi nito ang kanyang magandang misis na si Mariz at dalawang anak nila.

Isa sa nagmamahal at may malasakit sa pelikulang Tagalog si Ronnie at kahit di nakalusot ang entries nito sa nakaraang MMFF ay di pa rin siya pinaghinaan ng lobo bagkus tuluy-tuloy pa rin ang pagpoprodyus para sa film festival.

Ang mga bumuo ng Selection Committee, ay sina Dominic Du, dir. Marietta Tamondong, SGV Chairman Mr. Cortez, Mr. Rolando Josef na asst. ni Chairman Bayani Fernando, Asst. GM na si Cora Cruz, Manny Nuqui ng PMPPA, Director Joey Romero (kumatawan sa MTRCB), Victor Co Villegas, Ric Camaligan (Senior Vice Pres. ng SM Cinemas) Mr. Wilson Tieng ng MDAP Marcus Ng ng MMTA, Johnny Delgado, Ms. Digna Santiago at Pres. Usec Robert Rivera.

Ang mga kriteria sa pamimili ng mga entries ay ang pagkamaka-masining, pagkamalikhain, kagalingang teknikal, kabaguhan, kahalagahang tematiko at kahalagahang pandaigdig (50%); Lakas pangkomersyal (30%) at positibong kahalagahang historical at kultural na Pilipino (20%).
Di Bagay Maging Mahirap
Inamin ni ZsaZsa Padilla na hindi bagay sa kanyang maging mahirap kaya atubili ang mga direktor na bigyan siya ng ganitong klaseng karakter. Pero nakalabas na siyang mahirap kaya lang may nagsasabing hindi ito bagay sa kanya. Glamorosa kasi ang aktres gaya ng role niya sa Ako Legal Wife na gumanap bilang mayamang asawa ni Jay Manalo.

Naka-relate si Zsazsa sa kanyang role dahil inaming talagang maarte siya sa katawan since bata pa siya. Pero kahit maarte ay marunong naman siyang gumawa sa bahay at marunong ding maglaba.

Inulit nito na nagpa-breast augmentation at pagpapaganda ng mukha pero mas gustong non-surgical ito. Magpapa-lipo-suction ito para sa thigh repair.

Nang may magtanong na reporter kung nagpaayos ba siya ng ilong ay nag-iba ang reaksyon nito "Tunay na tunay ang ilong ko. Hindi ko na kailangan pang iparetoke. Mana naman ako sa magulang ko na mestiso at mestisa."

AKO LEGAL WIFE

APACHE FILMS

BLUE MOON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CORA CRUZ

DI BAGAY MAGING MAHIRAP

LAGOT KA SA KUYA KO

MOURNING GIRLS

TERRORIST HUNTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with