^

PSN Showbiz

Pilipinas, mawawala na sa listahan ng violators of intellectual property rights

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Sure ako na nakakahinga na nang maluwag si MTRCB Chairman Consoliza Laguardia. Nasa kamay na kasi niya ang re-appointment paper niya as chairman ng MTRCB from Malacañang.

Last September pa nag-expire ang appointment paper ni Chair Laguardia pero ngayon lang na-release ang reappointment paper niya ayon sa isang source.

Samantala, si Ms. Christine Dayrit na ang bagong chairman ng Cinema Evaluation Board. Pinalitan niya sa nasabing position si Mr. Jacki Atienza na siyang chairman ngayon ng Film Development Council of the Philippines.
* * *
"Paano ko naman siya sasapakin samantalang isang grupo sila? Kung sinapak ko siya, di sana bugbog sarado ako sa kanila. Eh mga basketball player sila, ang tatangkad," react ni Edu Manzano sa issue na nanakit siya ng isang binatilyo.

"Saka paano mangyayari ‘yun samantalang may security guard na nakabantay sa amin? Marami ring nakakita sa nangyari dahil punong-puno ng Christmas shoppers ang Powerplant last Sunday," sabi ni Edu over the phone.

Nagsimula raw ‘yun nang sigaw-sigawan siya nu’ng binatilyo habang naglalakad siya kasama ang mga anak sa Powerplant. Kaya napilitan siyang kausapin ito para pakiusapan na huwag naman siyang bastusin dahil kasama niya ang mga anak niya na magsa-shopping.

"Kahit nga ‘yung coach nila, nagsabing ‘kasi naman pinagsabihan ko na kayo," Edu recalled in a telephone interview.

"Nakakapikon di ba? Ikaw na nga ang nabastos, ikaw pa ang lumalabas na masama," emote ng OMB Chairman.

Remember minsan na rin siyang idinawit ng isang truck driver na nagpa-interview din sa media. Pero ang ending din naman, wala lang. Hindi naman nag-file ng formal complaint.

Minsan actually, ganito ang dilemna ng katulad ni Edu. Pag may issue nga naman, ang daling palakihin dahil artista na may posisyon pa sa gobyerno ang kabangga nila na hindi na rin minsan binibigyan ng iba ng benefit of the doubt.

Imbes na seryosohin, hindi na lang daw niya pinapansin. Nagko-concentrate na lang siya sa kanyang trabaho as OMB Chairman.

Lalo na nga raw at balitang malamang na mawala na ang Pilipinas sa listahan ng bansang kasama sa US Special 301 list of violators of intellectual property rights. Ayon daw ito sa balitang lumabas sa isang pahayagan.

Mismong si Trade Secretary Peter Favila ang nagsabi nito sa kanyang American counterpart na si US Trade representative Rob Portman sa isang report ayon sa nasabing pahayagan ayon pa kay Edu.

Base pa sa report, isa sa binigyang diin ni Favila sa nasabing meeting ay ang pagkakumpiska ng mahigit na P1 billion ng mga pirated audio and video goods mula January hanggang September ng Optical Media Board na pinamumunuan ni Chairman Edu Manzano.

"Magandang balita ito para sa ating lahat," pahayag ng actor.

"Walang publicity ang ginagawa naming pagri-raid kaya siguro ito na ang resulta."

Well, kung ganito nga ang sistema, malamang na sa susunod na taon ay mas maging maganda na ang kalagayan ng ating movie industry.

Pakiramdam ko rin, nagsawa na ang tao sa panonood ng mga pirated DVD at CD kaya malamang na bumalik na lang uli sa panonood ng sine ang karamihan sa atin.

Sana nga...
* * *
Simula nang ma-appoint si Mr. Vic del Rosario as Presidential Consultant on the Entertainment Industry, hindi na siya tinantanan ng intriga. Ito ang observation ng isang taong malapit kay Mr. Del Rosario.

Samantalang noon naman daw, wala lang, hangga’t maaari, naka-distansiya siya sa mga intriga.

Pero siguro nga, part ‘yun ng kanyang trabaho.

Ang pinaka-latest na intriga sa big boss ng Viva Films ay ang tungkol sa kanila ni Ms. Laurice Guillen na dating chairman ng Film Development Council of the Philippines na ngayon ay si Mr. Jacki Atienza ang chairman.

Nagsimula ang issue nang umano’y mag-walkout sa awards night ng Cinemanila International Film Festival kamakailan si Ms. Guillen dahil nabastos siya. Dahil wala raw siyang idea na hindi pala na-renew ang appointment niya as chairman ng FDCP at may iba na palang chairman. Kasi hindi naman aware si Mayor Lito Atienza or si Mr. Del Rosario na mao-offend si Direk Laurice nang i-congratulate ni Mayor Atienza ang kanyang pinsan (Mr. Jacki Atienza) as the new chairman of FDCP.

Kaya naman nag-express ng sama ng loob si Direk Laurice sa kanyang mga interview na naka-particular kay Mr. Del Rosario.

Narito ang buong statement ni Mr. Del Rosario tungkol sa nasabing issue.

Ms. Laurice Guillen is a highly respected leader in the entertainment industry. I worked together with Ms. Guillen in more than 10 movies both as an actress and director. Furthermore, I acknowledge her contributions as Chairperson of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and supported her in whatever way I could during her tenure.

I would be one of the last persons to offend her. What happened during the opening night of the CineManila International Film Festival at the Manila Hotel last October 12 was unfortunate and unintentional. I had no hand in the production nor protocol arrangements of the affair. After the affair, I learned that it was all a result of miscommunication.

Thus as the Presidential Consultant on the Entertainment Industry, I informed Ms. Guillen formally of Mr. Atienza’s appointment.

I was sad to know that Ms. Guillen was offended. And I am also disappointed that she thought I had a hand in hurting her or anybody for that matter.
* * *
Araw ni Mama Mary ngayon. Kaya naman isang malaking celebration ang nakatakdang maganap para sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating role model ng buong Kristiyanismo, ang Immaculate Concepcion of The Blessed Virgin Mary.

Entitled, Pambansang Papuri sa 150 Taong Proklamasyon ni Immaculate Concepcion, magsisimula ito ng alas-3:00 ng hapon sa Luneta sa pamamagitan ng fluvial parade mula Luneta hanggang Cultural Center of the Philippines.

Aabot sa 20 boats ang kasama sa fluvial parade.

Pagdating ng 4:00 p.m., magkakaroon ng motorcade bilang parangal kay Mama Mary na napakarami nang himala ang ginawa sa ating lahat.

Sasamahan ang motorcade ng mas marami pang images.

Mag-iikot ito mula CCP hanggang Raja Sulayman sa may Roxas Boulevard ang nasabing motorcade.

Pagdating ng Raja Sulayman saka naman magkakaroon ng prayers - rosary kung saan malalaking personalidad ang nakatakdang mag-participate.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

CENTER

CHAIRMAN

DIREK LAURICE

EDU

MR. DEL ROSARIO

MR. JACKI ATIENZA

MS. GUILLEN

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with