Richard Gutierrez, ayaw maging Captain Barbell
December 5, 2005 | 12:00am
Wala naman palang dapat ikabahala kung ayaw ni Richard Gutierrez na gumanap na Captain Barbell sakaling gawin ito ng GMA-7. Hindi rin nito feel gawin ang project dahil hindi siya ang unang nag-portray. Iniiwasan nito ang gumawa ng project na hindi original dahil maikukumpara nga naman siya. Pero, may pasubali itong baka magbago ang isip pag nilagyan ng ibang twist ang project.
Samantala, hate rin daw ni Richard na tawaging RMI o Richest Matinee Idol at baka habulin siya ng BIR. Saka, totoo namang pinaghihirapan at pinagpupuyatan nito ang perang kinikita. Halos hindi na ito natutulog sa paglalagare sa shooting ng Mulawin the Movie at taping ng Sugo at Nuts Entertainment at pagho-host ng SOP Gigsters.
Nanlalamig ang mga kamay ni Sunshine Dizon nang i-congratulate namin for winning the Outstanding Lead Actress in a Drama Series sa 2nd Golden Screen Awards para sa Encantadia. Kahit nananalo nay nawi-weirduhan pa rin ito tuwing tumatanggap ng bagong award.
Hindi nagtagal si Sunshine sa award ceremony dahil magda-dubbing pa siya ng Mulawin the Movie at 6 a.m. ang call time kinabukasan para sa taping ng Now & Forever (Agos).
Pinaaabangan pala ni Camille Gomba, executive producer ng show ang eksena nina Sunshine at Dennis Trillo nang magkita. Magaling daw ang dalawat naloka siyat sabay tumutulo ang mga luha.
Kapag natuloy palang umalis si Sunshine sa December 21 para personal na tanggapin ang award niya sa Gawad America Awards Night, sa States siya magpa-Pasko. Pero, uuwi agad dahil sa Boracay nito gustong mag-spend ng New Year.
Pare-parehong articulate sina Inah Estrada, Winwyn Marquez at Alynna Asistio, mga host ng Candies ng QTV 11. Ang maganda sa mga bagets, walang nakawan ng eksena at nagtutulungan para mapaganda pa ang kanilang show at tumaas ang rating para hindi raw agad matsugi.
Si Winwyn, ultimate dream ang maging beauty queen like her aunt Melanie Marquez. Ngayon palang, sumasali na siya sa mga beauty contest bilang paghahanda.
Ang maging magaling na host ang isa sa mga pangarap ni Inah. Humihingi raw siya ng tips sa inang si Janice de Belen at nanonood sa ibang magagaling na host.
Ang sumikat na singer naman ang isa pang ambisyon ni Alynna and she has a beautiful voice para itoy matupad. Idol nito si Regine Velasquez kaya sa kanya natoka ang pag-i-interview dito at nakipag-sabayan siya sa pagkanta.
Maganda ang ginawa ng QTV 11 na sa halip na ibigay sa mga bagets ang kanilang talent fee, idini-diretso nila sa bangko at makukuha lang pag nag-18 years old na sila. Bagong utos daw ito ng DOLE sa mga bata at minors na nagtatrabaho.
Sa Walang Tulugan ni German Moreno isi-celebrate ni Hero Angeles ang kanyang birthday. Sa December 8 ang kaarawan ng binata pero, sa Dec. 10 ang kanyang birthday celebration. Invited ang kanyang fans sa taping ng alas-singko ng hapon sa Broadway Centrum at chance nyong mabati ng personal si Hero.
Samantala, hate rin daw ni Richard na tawaging RMI o Richest Matinee Idol at baka habulin siya ng BIR. Saka, totoo namang pinaghihirapan at pinagpupuyatan nito ang perang kinikita. Halos hindi na ito natutulog sa paglalagare sa shooting ng Mulawin the Movie at taping ng Sugo at Nuts Entertainment at pagho-host ng SOP Gigsters.
Hindi nagtagal si Sunshine sa award ceremony dahil magda-dubbing pa siya ng Mulawin the Movie at 6 a.m. ang call time kinabukasan para sa taping ng Now & Forever (Agos).
Pinaaabangan pala ni Camille Gomba, executive producer ng show ang eksena nina Sunshine at Dennis Trillo nang magkita. Magaling daw ang dalawat naloka siyat sabay tumutulo ang mga luha.
Kapag natuloy palang umalis si Sunshine sa December 21 para personal na tanggapin ang award niya sa Gawad America Awards Night, sa States siya magpa-Pasko. Pero, uuwi agad dahil sa Boracay nito gustong mag-spend ng New Year.
Si Winwyn, ultimate dream ang maging beauty queen like her aunt Melanie Marquez. Ngayon palang, sumasali na siya sa mga beauty contest bilang paghahanda.
Ang maging magaling na host ang isa sa mga pangarap ni Inah. Humihingi raw siya ng tips sa inang si Janice de Belen at nanonood sa ibang magagaling na host.
Ang sumikat na singer naman ang isa pang ambisyon ni Alynna and she has a beautiful voice para itoy matupad. Idol nito si Regine Velasquez kaya sa kanya natoka ang pag-i-interview dito at nakipag-sabayan siya sa pagkanta.
Maganda ang ginawa ng QTV 11 na sa halip na ibigay sa mga bagets ang kanilang talent fee, idini-diretso nila sa bangko at makukuha lang pag nag-18 years old na sila. Bagong utos daw ito ng DOLE sa mga bata at minors na nagtatrabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended