^

PSN Showbiz

Di magandang coverage ng SEAG!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nagulat ako sa biglang pagdating ni director/scriptwriter Lando Jacob sa opisina, noong isang araw. Bale pa, meron siyang kasamang isang matangkad at poging teener. Pinakilala niya sa ‘kin na Ram Martin ang pangalan.

Kung tamang mata sa mga star material, hindi na pagduduhan si Lando na nagdirek ng mga pelikulang Wild Animals, Sandakot Na Kaligayahan at Kung Liligaya Ka Sa Piling ng Iba. Co-director din siya sa mga hits na Beach House, Risa Jones-Show Girl at Love Affair.

Nagwagi pa ng Urian Best Screenplay award si Lando para sa film epic na bida si Vilma Santos, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak. Nanalo rin siya ng Famas award para sa same movie.

Marami pang mga pelikulang associate director si Lando at nagdirek na rin siya ng mga stage plays.

Kaya naman eksperto na ang kanyang mga mata sa pagkilatis ng mga star materials, tulad ng kasama niya sa aking tanggapan na si Ram Martin. Taga-Biñan, Laguna si Rowel (Ram) Martin at isang ramp model.

Naispatan pala ni Lando si Ram sa isang fashion show at lumakas agad ang pintig ng kanyang puso.

"After so many years, ngayon lang ako kinutuban na may potential ang napanood kong rumarampang si Ram," salaysay ni Lando. "Buti na lang kaibigan ko ang producer ng show, kaya’t nakilala ko agad si Ram."

May taas na 5’10" inches ang binata at maganda ang kanyang pangangatawan. Ang sabi ni Ram, gusto niyang magkaroon ng break sa pelikula. Interesado siya sa mga digital films na magaganda at kakaiba ang tema.

Kung makakakuha ng isang producer si Lando, tiyak na gagawa siya ng isang movie na maglulunsad sa career ni Ram Martin.

Kung meron mga interesdong kunin sa mga fashion shows, stage plays, TV shows, o digital films si Ram Martin, maaring tawagan ang mga teleponong 09283600339, 09216997362 at 242-2515.
* * *
Masaya tayong lahat na mga Pinoy dahil nangunguna ang ating bansa sa Southeast Asian Games na dinaraos sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Mahigit 70 na ang nakopong gold medals ng ating mga atleta.

Ang tanging reklamo ko lang, hindi mahusay ang ginagawang TV coverage ng SEAG. Parang mga amateurs ang mga broadcasters na na-assigned para sa mahalagang sport events.

Ang Channel 5 na siyang pinakapunong naghahatid ng mga laro sa TV, hindi rin maasahan.

Isang gabi nga, may isang TV anchor na sa tuwing ipapasa sa kanya ng mga kasamahan sa field reporting ang camera ay sumisimangot at kung anu-anong mannerism sa mukha ang nakikita sa TV.

Naghinala tuloy akong maliit lang ang kanyang talent fee, o baka naman antok na antok na.

Sa coverage naman ng dancesport sa Cebu, o ang mga ballroom dancing, alam agad na isang camera lang ang ginamit. Wala kasing kagalaw-galaw ang anggulong nakikita sa TV, at kung sino lang ang dumaan sa camera, yon lang ang nakikita!

Kung ganitong klase ng coverage ang ibibigay sa publiko, paano naman tayong mag-i-enjoy sa panonood?

ANG CHANNEL

BEACH HOUSE

ISANG

KUNG

KUNG LILIGAYA KA SA PILING

LANDO

RAM

RAM MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with