TV show ni Al Tantay, nakatulong sa anak niya!
December 4, 2005 | 12:00am
Dumarami ang magagandang programa ng QTV 11. Latest na narinig kong sinusubaybayan ng marami (hindi ako nakakapanood ng QTV 11 dahil di ko to mahanap sa TV ko!) ay ang istorya ng isang rag-doll-turned robot at pinamagatang Ay Robot na mula sa direksyon ni Al Tantay. Napapanood ito Sabado, 7NG starring Sam Bumatay, Ogie Alcasid, Ryza Cenon, Tanya Garcia, Gabe Mercado, CJ Muere, Caloy Alde, Joy Viado at marami pang iba.
Si Sam ang manika na nang tinamaan ng kidlat ay naging isang robot na sa kalaunan ay nagkaron ng damdamin ng isang tao.
Ayon kay Direk Al, bawat episode ay nag-iiwan sila ng isang mahalagang value sa mga manonood. "First wholesome sitcom ko to. Kung dati ay pinipigilan ko ang mga anak ko na manood ng dinidirek kong mga palabas sa TV, ngayon ako pa ang humihikayat sa kanila na panoorin ang Ay Robot. May isa akong anak na nagloloko sa kanyang pag-aaral. Minsan sabay-sabay kaming nanonood ng show at ang aral na iniwan sa manonood ay tungkol sa di pagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Nagulat na lang ako dahil napansin ko, unti-unting nagbago ang aking anak sa kanyang pag-aaral," ani Direk.
Sa Martes, Dis. 6, anim na taon na ang Unang Hirit. Syempre, may grande silang selebrasyon at isang linggo itong tatagal. Mula Dis. 5-9, uulan ng P300,000 worth of papremyo para sa maagang magising at manonood ng Unang Hirit. Dadagsa rin ang celebrities sa show, para samahan ang barkada nina Arnold, Arn-Arn, Susie, Lyn, Eagle, Lhar, Love, Drew, Regine at Jolina. Kasama rin sina Drs. Manny & Pie, Fanny, Kat at Atty. Gaby. Manood simula 5:15 hanggang 8:30 NU, sa GMA.
Si Sam ang manika na nang tinamaan ng kidlat ay naging isang robot na sa kalaunan ay nagkaron ng damdamin ng isang tao.
Ayon kay Direk Al, bawat episode ay nag-iiwan sila ng isang mahalagang value sa mga manonood. "First wholesome sitcom ko to. Kung dati ay pinipigilan ko ang mga anak ko na manood ng dinidirek kong mga palabas sa TV, ngayon ako pa ang humihikayat sa kanila na panoorin ang Ay Robot. May isa akong anak na nagloloko sa kanyang pag-aaral. Minsan sabay-sabay kaming nanonood ng show at ang aral na iniwan sa manonood ay tungkol sa di pagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Nagulat na lang ako dahil napansin ko, unti-unting nagbago ang aking anak sa kanyang pag-aaral," ani Direk.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
12 hours ago
12 hours ago
Recommended