^

PSN Showbiz

P70M, mabawi kaya ng Exodus?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Pitumpung milyong piso ang naging kabuuang puhunan para matapos ang pelikulang Exodus, Tales of the Enchanted Kingdom. Ginastusan nila ang costumes at ang kanilang production design. Ginastusan nila nang malaki ang kanilang opticals. Puro mga malalaking artista ang nasa cast ng kanilang pelikula, at bukod doon ang kanilang ginamit na laboratoryo ay iyong gumagawa ng mga international films sa Thailand.

Kung mapapanood mo ang trailer ng pelikulang ‘yan, hindi mo sasabihing local. Hindi mo sasabihing ginawa lamang para sa Metro Manila Film Festival. Kung aalisin mo lamang ang sound at hindi mo maririnig ang mga dialogues na nasa wikang Pilipino, maaaring sabihin mo na ang pelikula ay ginawa nga sa Hollywood.

Sa nakita namin, ang pelikulang ito ay mas superior technically kaysa sa alin mang pelikulang Pilipino na napanood namin.

Bakit, alin ba naman sa mga ibang pelikula ang ginastusan nang ganyan kalaking puhunan? Iyong iba ngang mga pelikulang kasali riyan, alam namin low budget movies lang naman talaga. Kaya lang naman sila isinali sa film festival ay dahil naniniwala ang screening committee sa kanilang box office potentials, kahit na nga mala-pitu-pito naman ang kanilang mga pelikula.

Papaano mo namang aasahang makakalaban sa isang pelikulang kagaya nga niyang Exodus na ang puhunan ay P70M?

Iyang mga ganyang budget ay ginagawa na para sa mga pelikulang pang-international release talaga. Kunsabagay ganoon naman ang nangyari riyan sa Exodus. Hindi pa man naipapalabas sa Pilipinas, binili na ang rights noon sa Hongkong, Taiwan at sa isa pang Asian country. Naniniwala kaming ‘yang ganyang pelikula, hindi man makapasok sa commercial theater circuits sa US, kayang-kaya namang makapasok sa kanilang cable television.

Walang kaduda-duda na kung quality lamang ang pag-uusapan, lamang ang Exodus: Tales of the Enchanted Kingdom. Tiyak din na kikita ang pelikulang iyan. Ang problema lang, makakabawi kaya sila sa napakalaking puhunan?

Naroroon ang posibilidad. Kung natatandaan ninyo, noong gawin ang Jose Rizal, ang puhunan noon ay P80M. Marami ang nagsasabing malulugi ‘yon, pero bukod nga sa humakot ng mga awards ang pelikulang nabanggit, sila pa ang lumabas na top grosser sa festival, at sinasabi ngang sa mga sinehan pa lamang sa Maynila ay nabawi na nila ang kanilang napakalaking puhunan. Ganyan din naman ang inaasahang mangyayari sa Exodus.

Pero inamin na rin nga ni Senador Bong Revilla, na dati ring chairman ng VRB na ang kanilang problema talaga ay ang video piracy. Kung mananatiling tutulug-tulog ang mga taga-OMB, mapipirata ang mga pelikula at hindi na makakabawi ang mga iyan.

‘Yan ay isang hamon sa gobyerno. Nariyan ang isang kumpanya na namuhunan sa isang matinong pelikula. Dapat naman mabigyan ng proteksiyon.

vuukle comment

GINASTUSAN

JOSE RIZAL

KANILANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

PELIKULA

PELIKULANG

PILIPINO

TALES OF THE ENCHANTED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with