Candy, babalikan ang pagko-comedy!
December 2, 2005 | 12:00am
Ang payat na ni Candy Pangilinan nang makita ito ng ilang mga kaibigan sa press nung Huwebes ng tanghali sa opisina ng Star Factor, Inc.
Agad naman ay nakapag-schedule ang Star Factor, ang ahensyang kinabibilangan niya na pinamumunuan nina Dondon Monteverde at Paula Punla ((02) 6378360/ (0917) 5364107) ng isang Valentine comedy concert sa Music Museum sa Peb. 15 na pinamagatang Candys Be Love. Magkakaron din siya ng series of shows sa SM Supermalls.
Sa kabila ng di magandang kinahantungan ng kanyang marriage, pinalalakas si Candy ng kanyang pagmamahal sa dalawang taong gulang na si Quentin at ang pagiging aktibong muli ng kanyang career ay isang magandang hudyat na na-miss siya ng mga taong naniniwala sa kanyang talento. Welcome back, Candy!
Nakakatatlong palabas pa lamang ang Ganda ng Lola Ko sa QTV11 pero, mataas agad ang ratings nito. Salamat sa magandang chemistry ng tatlong gumaganap ng lola, (Bella Flores, Gloria Sevilla at Baby OB rien) mga local Golden Girls at ang nakakatawang mga sitwasyon na kinasasangkutan nila na bungang isip ng magaling na writer na si Bibeth Orteza at sa matinong direksyon ni Al Quinn.
Kasama sa sitcom sina Camille Prats at Kirby de Jesus pero, di sila mag-partner kundi magkapatid, ang pinagbubuhusan ng pagmamahal ng tatlong lola.
Napapanood ang Ganda ng Lola Ko tuwing Biyernes, 8NG sa QTV.
Agad naman ay nakapag-schedule ang Star Factor, ang ahensyang kinabibilangan niya na pinamumunuan nina Dondon Monteverde at Paula Punla ((02) 6378360/ (0917) 5364107) ng isang Valentine comedy concert sa Music Museum sa Peb. 15 na pinamagatang Candys Be Love. Magkakaron din siya ng series of shows sa SM Supermalls.
Sa kabila ng di magandang kinahantungan ng kanyang marriage, pinalalakas si Candy ng kanyang pagmamahal sa dalawang taong gulang na si Quentin at ang pagiging aktibong muli ng kanyang career ay isang magandang hudyat na na-miss siya ng mga taong naniniwala sa kanyang talento. Welcome back, Candy!
Kasama sa sitcom sina Camille Prats at Kirby de Jesus pero, di sila mag-partner kundi magkapatid, ang pinagbubuhusan ng pagmamahal ng tatlong lola.
Napapanood ang Ganda ng Lola Ko tuwing Biyernes, 8NG sa QTV.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended