^

PSN Showbiz

Frenchie, pag-aagawan ng 2 manager?

-
Sino kaya kina Geleen Eugenio at Boy Abunda, Jr. ang bagong manager ng 2nd Grand Champion ng ABS-CBN’s Search for A Star In A Million na si Frenchie Dy?

Kaya namin ito naitanong ay dahil sa mensahe na nagpapatulong daw ang malusog na singer kay Geleen dahil binitiwan o iniwan na niya ang istasyong naka-diskubre sa kanya.

At dahil bilib naman daw ang dating manager ni JayR sa talent ni Frenchie ay pumayag daw itong maging manager ng huli at tutulungan pang makapasok sa SOP na katapat mismo ng ASAP 05.

Dagdag pa na nagpapatulong din daw si Geleen na isulat si Frenchie sa ilan niyang kakilalang entertainment writers para magkaroon naman ng publicity ang nabanggit na singer.

Medyo naguluhan/nalito kami dahil nung dalawin naman namin si Boy sa taping ng Home Boy last Thursday night ay nabanggit nga niya na imi-meet na niya si Frenchie at balak niyang baguhin ang image nito.

"I will meet her one of these days, kung baga, kakausapin ko na siya kung anong plano ko sa kanya kasi gusto ko siyang gawing Queen Latifah ng Pilipinas, ‘yung matabang singer sa States na sexy-sexy ang dating, gusto ko siyang maging ganun at nakausap ko na ang taga-ASAP at payag siya sa naisip ko, so Frenchie will be seen in ASAP soon," paliwanag ng mahusay na tv host at talent manager.

Ang partner in life ni Boy na si Bong Quintana muna pala ang humarap kay Frenchie para kilatisin at saka ihaharap kay Boy for final interview.

At ang say ni Boy, "Wala akong idea tungkol kay Geleen, I’ll ask Frenchie when we meet." — Reggee Bonoan

vuukle comment

A STAR IN A MILLION

BONG QUINTANA

BOY ABUNDA

FRENCHIE

FRENCHIE DY

GELEEN

GELEEN EUGENIO

GRAND CHAMPION

HOME BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with