^

PSN Showbiz

Album ng Parokya ang gustong b-day gift!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa November 28 ay 21 years old na si Joross Gamboa. Tinanong namin kung ano sa palagay niya ang magiging regalo ng kanyang mahal na si Roxanne Guinoo.

"Mababaw lang ang kaligayahan ko. Kahit isang album lang ng Parokya ni Edgar ay kuntento na ako. Paborito ko kasi sila," aniya.

Ten months na ang kanilang relasyon kung saan mag-MU sila ayon sa aktor. Kuntento na siya sa magandang aktres kaya wala nang balak na manligaw pa ng iba.

Totoo bang madalas silang makitang dalawa ni Hazel Cabrera ng (Viva Hot Babes) sa isang beach?

"Hindi po ako yun dahil araw-araw ay nagteteyping kami ng soap opera. Baka naman kamukha ko lang ang lalaki," sey pa nito.

Hanga si Joross sa kanyang nobya at sinabing 70% ang pagiging Maria Clara ni Roxanne na ang ibig sabihin ay makaluma pa rin ito. Hindi rin daw ito mahilig sa gimikan.

Inamin ng aktor na tahimik na ang kanyang buhay ngayon di gaya noong bago pa lang siya sa showbiz kung saan naintriga siyang isang bading, may anak, nakabuntis pa at pumapatol sa matrona.

Isang produkto ng Star Circle Quest si Joross. Bukod sa TV shows at pelikula ay malapit nang mapanood ang remake ng Gulong ng Palad kung saan magkasama sila ni Roxanne.
Saludo Kay Angel
Sa thanksgiving at farewell party ng Darna ay isa-isang nagsalita ang cast sa pangunguna ni Celia Rodriguez.

Ayon dito, natutuwa siya at nagpasalamat dahil hindi namatay ang kanyang karakter bilang reyna ng kasamaan. Nagpasalamat din ito sa Siete sa magandang pag-aalaga sa kanila at sinabing ito ang number one para sa kanya.

Kilala sa pagiging mataray lalo na pagdating sa propesyonalismo ang beteranang aktres pero saludo ito kay Angel Locsin bilang Darna at sinabing walang makakatulad sa kanya. "She epitomizes her role very well and she’s professional. I like to work with her again," sey ng magaling na aktres.

Sa kabilang banda, sinabi naman ng isa sa dirketor na si Eric Quizon na nagsilbing learning experience sa kanya ang telefantasya lalo na pagdating sa special effects kung saan natutunan ang mga techniques sa iba’t ibang eksena.
BLIND ITEM: Burara Sa Katawan
Mukhang malinis sa katawan ang guwapong celebrity kaya crush ng bayan. Pero taliwas pala ito dahil burara ito sa tunay na buhay at natuklasang di mahilig magpalit ng underwear.

Habang tinitilian siya ng mga kabataan ay naitanong sa sarili ng aking source kung ano kaya ang magiging reaksyon nila sakaling malamang di laging nagpapalit ng briefs ang kanilang idolong celebrity, bago palitan ay kailangang maruming-marumi na ito. Ang sikat na celeb na ito ay ang sinasabing bagong crush ng bayan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BURARA SA KATAWAN

CELIA RODRIGUEZ

DARNA

ERIC QUIZON

HAZEL CABRERA

JOROSS

JOROSS GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with