Ituro mo at iluluto nina Lola Taba at Lolo Pato
November 25, 2005 | 12:00am
Sure ako na lahat ng mahilig kumain ng masarap at yung mga nagsisimba sa Baclaran ay nakatikim na ng luto nina Lola Taba (Milagros Zamora Cailles) at Lolo Pato (Narciso Cailles) sa Seaside Seafood Restaurant na matatagpuan sa Roxas Boulevard. Dito, magturo ka lamang ng gusto mong pagkaing dagat at lulutuin nila ito para sa inyo. Ang ganitong pamamaraan ng paghahain ng pagkain ay patok di lamang sa mga Pilipino kundi maging sa mga dayuhan.
Wala na sina Lola Taba at Lolo Pato pero ang tradisyong sinimulan nila ay ipinagpapatuloy ng ikatlong henerasyon ng kanilang mga apo na sina Nerissa Bong Sedano at Pol Cailles sa kanilang bagong establisimyento, ang Seaside Seafood Market na matatagpuan sa Diosdado Macapagal Ave., sa pagitan ng Edsa at Buendia Ave. sa Pasay City.
Ang Seaside Seafood Market ay nakatayo sa isang 15,000 sq. meter sa reclaimed area na kung saan ay matatagpuan ang 12 paluto restaurant, (Aling Tonyas, Igmaan, Julies Ihaw Ihaw, Trinity, Lola Inas, G-Squared, Robbies, Kainan sa Balanghay, Josefinas), anim na bar and restaurant, 6 na kiosk ng bibingkahan, manukan, pizzahan at dimsum, lechonan, hotdogan at lahat ng klase ng balls. Pinili nilang bigyan ng franchise yung mga may 30 taong karanasan sa pagre-restaurant. Mayron din ditong tianggehan (500 stalls), spa at beauty salon, isang leasing corp. At gabi-gabi ay magkakaron ng acoustic entertainment. Nagtayo ng limang stage para lang dito.
Nagkaron ito ng soft opening nung Nobyembre 15 pero sa Disyembre 5, isang mabituin, makulay at masayang grand opening ang masasaksihan.
Sinabi ni Kyla, host ng Pop Star Kids, Linggo, 7NG, QTV 11, hindi naman siya nag-champion agad nung sumasali-sali pa siya sa mga amateur singing contests. Nagsimula siyang sumali sa contest at age 8,10-11 at mga 12 na siya nang manalo siya sa Tanghalan ng Kampeon. Seven weeks siyang champion. Lalo pa siyang nahasa sa pagkanta dahil nakasama siya sa isang banda (Heat of the Night) na nakapag-abroad. Kumanta rin siya ng solo sa mga five star hotel tulad ng Hyatt at Philippine Plaza.
Bagaman at naka-3rd prize lamang siya nang sumali siya sa Metropop nung 1997, 2nd si Faith Cuneta at champion si Jonard Yonson, nakatulong ito ng malaki para sa kanyang self-confidence.
Ngayon sumusulat na rin siya ng kanta. May dalawa siyang compositions na kasama sa kanyang gagawing fifth album.
Wala na sina Lola Taba at Lolo Pato pero ang tradisyong sinimulan nila ay ipinagpapatuloy ng ikatlong henerasyon ng kanilang mga apo na sina Nerissa Bong Sedano at Pol Cailles sa kanilang bagong establisimyento, ang Seaside Seafood Market na matatagpuan sa Diosdado Macapagal Ave., sa pagitan ng Edsa at Buendia Ave. sa Pasay City.
Ang Seaside Seafood Market ay nakatayo sa isang 15,000 sq. meter sa reclaimed area na kung saan ay matatagpuan ang 12 paluto restaurant, (Aling Tonyas, Igmaan, Julies Ihaw Ihaw, Trinity, Lola Inas, G-Squared, Robbies, Kainan sa Balanghay, Josefinas), anim na bar and restaurant, 6 na kiosk ng bibingkahan, manukan, pizzahan at dimsum, lechonan, hotdogan at lahat ng klase ng balls. Pinili nilang bigyan ng franchise yung mga may 30 taong karanasan sa pagre-restaurant. Mayron din ditong tianggehan (500 stalls), spa at beauty salon, isang leasing corp. At gabi-gabi ay magkakaron ng acoustic entertainment. Nagtayo ng limang stage para lang dito.
Nagkaron ito ng soft opening nung Nobyembre 15 pero sa Disyembre 5, isang mabituin, makulay at masayang grand opening ang masasaksihan.
Bagaman at naka-3rd prize lamang siya nang sumali siya sa Metropop nung 1997, 2nd si Faith Cuneta at champion si Jonard Yonson, nakatulong ito ng malaki para sa kanyang self-confidence.
Ngayon sumusulat na rin siya ng kanta. May dalawa siyang compositions na kasama sa kanyang gagawing fifth album.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended