Angelica, nagbabantay sa taping ni Carlo sa QTV!
November 24, 2005 | 12:00am
Sobrang higpit daw ngayon ang screening ng Starstruck 3 ayon sa isang manager na may alagang nakapasok sa top 16 at this coming Friday na ia-announce ang Final 14.
Dagdag pa na mas mahigpit daw ngayon ang screening committee kumpara sa nakaraang Starstruck 1 and 2 dahil lahat daw ng kilos ng candidates ay binabantayan.
"Minsan pinababayaan silang maglakad-lakad sa Gazebo para maobserbahan kung may dating sila sa ibang tao, okey naman daw yung iba, may mga nagsabing konting ayos at bihis ay mukha nang artista talaga," kuwento sa amin.
This Sunday, November 27 na raw ang umpisa ng SS3.
Gusto naming talakan ang manager ng isang young actor na nakikiusap daw ngayon sa ilang executive ng kilalang network na kung puwede ay i-partner na ang kanyang alaga sa isang youngster na kasalukuyang may ka-loveteam at paborito pa ng mga bossing.
Pinalabas dati ng kampo ng young actor na ang nabanggit na youngster daw ang nakikiusap at humiling na kung puwede ay i-partner siya sa young actor, bagay na pinabulaanan ng youngster dahil katwiran niya ay malaki ang agwat ng edad sa kanya ng young actor.
At finally, may nakita nang babagay na ka-loveteam si youngster at sa totoo lang, sila ang may pinakamaraming supporters na dumadalaw sa set ng programa nila every week at halos lahat ng programang nilalabasan ng dalawa ay pumapalo sa ratings.
Hindi na kasi matunog ang loveteam ng young actor sa isang youngster na hindi gaanong sikat kaya siguro naisip ng manager niyang ihanap siya ng bagong ka-loveteam para muling bumango ang pangalan ng young actor.
Karakter talaga si Mother Lily Monteverde dahil hindi niya namamalayang nakakasakit siya ng kalooban ng tao kapag may gusto siyang sabihin.
Sa presscon ng isang pelikula niya ay buong ningning daw niyang in-announce na sobrang thankful siya sa ABS-CBN sa suportang ibinibigay sa kanya everytime na may movie siyang ipalalabas at ang hahaba pa ng exposure.
Naloka tuloy ang dalawang TV reporter ng GMA 7 na nasa likod lang niya habang nagbibida siya tungkol sa Dos. At hindi na marahil napigilan ng taga-GMA 7 ang sarili ay nagdayalog daw ng "Naku, Mother, ha, grabe rin ang suporta sa yo ng GMA," at saka lang daw naalalang banggitin ni Mother Lily ang Siete at sabay yakap sa tv reporter ng Siete.
At saka raw humalakhak ng malakas si Mother dahil sa blooper niya at siya pa raw nagsabi sa reporters na nakarinig ng, "O, hayan, may isusulat na naman kayo tungkol sa akin."
Nagkabalikan na ba uli sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban?
Kaya namin naitanong ito ay dahil nagbabad daw si Angelica sa taping ng sitcom na Ganda Ng Lola Mo na ipinalabas sa QTV last Monday kung saan guest ang ex-boyfriend niya.
Nagulat nga raw ang mga staff dahil naroon si Angelica ka-join pa si Melissa Ricks at tsika-tsika lang kapag hindi kinukunan si Carlos.
Kaaliw lang dahil tambayan pala ng mga taga-Dos ang QTV? At hindi na rin kami magtataka kung isang araw ay nasa nabanggit na istasyon na ang iba pang talents ng Star Magic na hindi nila mabigyan ng shows. REGGEE BONOAN
Dagdag pa na mas mahigpit daw ngayon ang screening committee kumpara sa nakaraang Starstruck 1 and 2 dahil lahat daw ng kilos ng candidates ay binabantayan.
"Minsan pinababayaan silang maglakad-lakad sa Gazebo para maobserbahan kung may dating sila sa ibang tao, okey naman daw yung iba, may mga nagsabing konting ayos at bihis ay mukha nang artista talaga," kuwento sa amin.
This Sunday, November 27 na raw ang umpisa ng SS3.
Pinalabas dati ng kampo ng young actor na ang nabanggit na youngster daw ang nakikiusap at humiling na kung puwede ay i-partner siya sa young actor, bagay na pinabulaanan ng youngster dahil katwiran niya ay malaki ang agwat ng edad sa kanya ng young actor.
At finally, may nakita nang babagay na ka-loveteam si youngster at sa totoo lang, sila ang may pinakamaraming supporters na dumadalaw sa set ng programa nila every week at halos lahat ng programang nilalabasan ng dalawa ay pumapalo sa ratings.
Hindi na kasi matunog ang loveteam ng young actor sa isang youngster na hindi gaanong sikat kaya siguro naisip ng manager niyang ihanap siya ng bagong ka-loveteam para muling bumango ang pangalan ng young actor.
Sa presscon ng isang pelikula niya ay buong ningning daw niyang in-announce na sobrang thankful siya sa ABS-CBN sa suportang ibinibigay sa kanya everytime na may movie siyang ipalalabas at ang hahaba pa ng exposure.
Naloka tuloy ang dalawang TV reporter ng GMA 7 na nasa likod lang niya habang nagbibida siya tungkol sa Dos. At hindi na marahil napigilan ng taga-GMA 7 ang sarili ay nagdayalog daw ng "Naku, Mother, ha, grabe rin ang suporta sa yo ng GMA," at saka lang daw naalalang banggitin ni Mother Lily ang Siete at sabay yakap sa tv reporter ng Siete.
At saka raw humalakhak ng malakas si Mother dahil sa blooper niya at siya pa raw nagsabi sa reporters na nakarinig ng, "O, hayan, may isusulat na naman kayo tungkol sa akin."
Kaya namin naitanong ito ay dahil nagbabad daw si Angelica sa taping ng sitcom na Ganda Ng Lola Mo na ipinalabas sa QTV last Monday kung saan guest ang ex-boyfriend niya.
Nagulat nga raw ang mga staff dahil naroon si Angelica ka-join pa si Melissa Ricks at tsika-tsika lang kapag hindi kinukunan si Carlos.
Kaaliw lang dahil tambayan pala ng mga taga-Dos ang QTV? At hindi na rin kami magtataka kung isang araw ay nasa nabanggit na istasyon na ang iba pang talents ng Star Magic na hindi nila mabigyan ng shows. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am