Viva films, ipalalabas sa SEA!
November 24, 2005 | 12:00am
Nakipag-partner ang Viva Entertainment Inc. sa pamumuno ni Vic del Rosario sa World Media Entertainment (WME) na kinakatawan ni Khoo Shao Tze, CEO ng nasabing kumpanya para sa pagpapalabas ng mahigit sa 250 pelikula ng Viva sa South East Asia, most notably sa Indonesia, Malaysia at Brunei. Ipalalabas ito sa pamamagitan ng Astro Cable.
"Panahon na para maging global ang Pinoy at ipakita sa ibang bansa ang kakayahan ng mga Pinoy entertainer," ani Boss Vic.
Magkakaron din ng co-prod sa pagitan ng Viva at MWE. Una na ang serye sa TV na pinamagatang Marooned na ididirek ni Jon Red at tatampukan nina Jen Rosendahl at Jaycee Parker kasama ang mga top Indonesian actors na sina Parto, Kiwil, Muhammad Gary Iskak at Kumarasaon Chinnadurai.
Susunod na rito ang mga concert productions. Kasama rito ang massive push para sa promo ng mga Pinoy artist sa SEA region. Bilib si G. Khoo sa talino ng mga Pinoy. Katunayan, hindi niya itinatanggi ang malabis na paghanga niya kay Regine Velasquez na balak niyang imbitahang pumunta sa kanyang bansa sa susunod na taon.
At para sa impormasyon ng lahat, binata po ang MWE exec.
"The band to watch out for" ang tawag ng marami sa 6 Cyclemind na binubuo nina Ney (vocals), Rye (vocals & rhythm guitar), Bobby (bass), Tutti (drums) at Chuck (lead guitar). Lima sila, ikaanim ang kanilang manager.
Maswerte ang 6 Cyclemind dahil mayron agad silang album na ginawa sa Sony BMG Music Entertainment at pinamagatang "Permission to Shine" at may carrier single na "Biglaan". Dito rin galing ang iba nilang hits na "Paba", "Nalilito" at "Sige".
May 2nd album na sila, ang "Panorama" na ang unang single mula rito na "Sandalan" ay most requested pa rin sa radyo. Dahilan sa mabilis nilang pagsikat, hindi kataka-taka na ma-nomina sila sa Awit, MTV Pilipinas, SOP Music Awards at NU Rock Awards.
"Panahon na para maging global ang Pinoy at ipakita sa ibang bansa ang kakayahan ng mga Pinoy entertainer," ani Boss Vic.
Magkakaron din ng co-prod sa pagitan ng Viva at MWE. Una na ang serye sa TV na pinamagatang Marooned na ididirek ni Jon Red at tatampukan nina Jen Rosendahl at Jaycee Parker kasama ang mga top Indonesian actors na sina Parto, Kiwil, Muhammad Gary Iskak at Kumarasaon Chinnadurai.
Susunod na rito ang mga concert productions. Kasama rito ang massive push para sa promo ng mga Pinoy artist sa SEA region. Bilib si G. Khoo sa talino ng mga Pinoy. Katunayan, hindi niya itinatanggi ang malabis na paghanga niya kay Regine Velasquez na balak niyang imbitahang pumunta sa kanyang bansa sa susunod na taon.
At para sa impormasyon ng lahat, binata po ang MWE exec.
Maswerte ang 6 Cyclemind dahil mayron agad silang album na ginawa sa Sony BMG Music Entertainment at pinamagatang "Permission to Shine" at may carrier single na "Biglaan". Dito rin galing ang iba nilang hits na "Paba", "Nalilito" at "Sige".
May 2nd album na sila, ang "Panorama" na ang unang single mula rito na "Sandalan" ay most requested pa rin sa radyo. Dahilan sa mabilis nilang pagsikat, hindi kataka-taka na ma-nomina sila sa Awit, MTV Pilipinas, SOP Music Awards at NU Rock Awards.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended