^

PSN Showbiz

Sino kina Mayor JV at Duncan Ramos ng South Border ang gusto ni Rufa Mae?

RATED A - Aster Amoyo -
Ngayong tuluyan nang lumabo ang relasyon nina Rufa Mae Quinto at Rudy Hatfield, dagsa ang manliligaw ng sexy star. Nariyan ang mayor ng San Juan na si Mayor JV Ejercito at ang lead vocalist ng South Border na si Duncan Ramos.    

Ayaw ni Rufa Mae mag-expect masyado kay Mayor JV dahil matagal na umano silang magkaibigan gayundin kay Duncan although sinabi nito na hindi mahalaga sa kanya kahit may anak na ito sa ibang babae. 
* * *
Masakit sa comedy king na si Dolphy na mawalan ng isang mahal sa buhay pero buong tatag niyang tinanggap ang kaloob ng Diyos.  Forty-nine years old lamang ang kanyang anak na si Freddie Quizon nang ito’y bawian ng buhay nung Biyernes (Nov. 18).   

Si Freddie ang pinakamatangkad (6’2") sa mga anak ni Dolphy at nag-artista rin ito noon.  Nadulas umano ito sa banyo at tatlong araw sumuka ng dugo bago binawian ng buhay.       

Dapat sana’y tatanggap ng award si Dolphy nung gabi ng Biyernes sa Direk Awards mula sa Directors Guild na ginanap sa Irwin Lee Theater ng Ateneo de Manila.  Hindi na nasipot ng comedy king ang nasabing gabi ng parangal dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang nasabing parangal ay tinanggap para sa kanya ng kanyang kumareng si Susan Roces.   

Mula sa amin dito sa PSN, ang aming taos pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Freddie Quizon.
* * *
Si Kyla ay nagmula sa isang pamilya ng mga mang-aawit.  Ang parents niya ay parehong singers, ganoon din ang kanyang tatlong kapatid pero siya lamang umano ang nag-focus sa larangan ng pag-awit. Maliit na bata pa lamang si Kyla ay mahilig na talaga siyang kumanta at mahilig umano siyang mang-agaw ng mikropono.   

Although singing talaga ang passion ni Kyla, ipinangako niya sa kanyang mga magulang na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral.  Nagtapos siya ng Masscom sa Philippine Christian College pero on the side ay isinisingit na rin niya ang pagkanta. Napasama rin siya noon sa Heat of the Night Band  na tumutugtog sa Inter-Continental Hotel sa Makati City.  Nagtanghal din sila sa loob ng dalawang buwan sa Brunei at pagkatapos nito ay nag-solo si Kyla.  Regular siyang umawit sa Philippine Plaza at Hyatt Hotel.   

Ang kanyang stint sa band at pagiging solo performer ay nakatulong nang husto na mahasa ang kanyang singing talent kaya nang kontratahin siya ng OctoArts-EMI Music ay preparado na siya na harapin ang mas malaking hamon ng pagkanta sa pamamagitan ng recording. Apat na albums na ang nagawa ni Kyla sa EMI Music at ang mga ito ay ang "Way To Your Heart," "I Will Be There," "Kyla" at ang "Not Your Ordinary Girl" na siya ring naging titulo ng kanyang kauna-unahang major solo concert sa Araneta Coliseum noong isang taon. 

Sa buwan naman ng Pebrero sa susunod na taon ay nakatakdang ilabas ang kanyang panglimang album, isang patunay na isa sa mga best sellers ang mga albums ni Kyla sa EMI Music.

Pagkaraan ng mahigit tatlong taon ay kumalas na rin si Kyla sa kanyang dating manager na si Maristel Fernandez at siya’y nasa pangangalaga na ngayon ng Backroom, Inc. ni Boy Abunda.       

Nakaka-relate si Kyla sa mga batang contestants sa hino-host dahil pinagdaanan din niya ito noong siya’y 10 gulang pa lamang.  Ang Pop Star Kids ay napapanood tuwing Linggo ng alas-7 ng gabi sa QTV-11. Si Danny Tan ang tumatayong musical director at audition master ng programa habang ang mga judges naman ay binubuo nina Cacai Velasquez-Mitra, Nyoy Volante at Nanette Inventor.   

Samantala, hindi ikinakaila ni Kyla na siya’y in love ngayon sa cager na si Rich Alvarez ng Alaska Team.  Sa edad na 24, ngayon lang nakaranas si Kyla na magka-boyfriend, ilang buwan na rin silang mag-on.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALASKA TEAM

ARANETA COLISEUM

DOLPHY

FREDDIE QUIZON

KANYANG

KYLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with