Say, susunod na matsu-tsugi?
November 22, 2005 | 12:00am
Naguguluhan ang Mommy Beth Jones ni Angelica Jones dahil sa sunud-sunod na negative write-ups na naman ang naglalabasan tungkol sa kanilang mag-ina, bagay na matagal na niyang inayos noon pa.
Ayon mismo sa taong malapit sa mag-ina, "Nagtataka si mommy, bakit ibinabalik pa raw yung mga lumang isyu? Matagal na raw nakabaon sa ilalim ng lupa, pilit na hinuhukay uli."
Pagod na raw si Mommy Beth sa kae-explain kung ano ang totoo sa mga negative write-up dahil tila hindi naman daw siya pinakikinggan dahil sinusulat pa rin daw kung ano ang gustong isulat.
At tila nagbunga naman ang pananahimik ni Mrs. Jones dahil kinuha sila ni Angelica sa isang tv commercial ng detergent soap.
Nagulat nga raw si Mommy Beth sa alok dahil malayo sa isipan niya na pati siya ay ka-join ng anak sa isang commercial.
"Siguro, na-challenge yung may-ari ng sabon sa mga nababasa niyang negatibo sa mag-ina, hayun, kinuha silang endorser at tapos nang magpirmahan ng kontrata, iso-shoot na lang one of these days," dagdag kuwento pa sa amin.
So, masasabi bang nakatulong ang mga negatibong nasusulat sa mag-ina ngayon dahil may tvc na sila? Ano kayang masasabi ng detractors ng mag-inang Jones?
Nagulat kami sa kwento mismo ng staff ng DZMM radio na nairita sila kay Iya Villania nung tawagan nila ito sa bahay para kunan ng pahayag dahil na-recover na ang na-carnap nitong kotse.
Ayon sa kuwento sa amin, "Pinatawagan sa amin si Iya para magbigay ng comment kasi nga nakita na yung sasakyan niya, e, sabi ng katulong, natutulog daw at sandali lang.
"So, naghintay kami, tapos ayaw yatang magising kaya hindi na lang pinilit. Ang nakakainis, nakarating sa amin na bakit daw siya kinukulit, e, natutulog siya. E, hindi naman kami ang nag-insist na gisingin siya, pinaghintay kami."
At nalaman daw nila na kaya buwisit si Iya ay dahil mas pabor palang hindi na lang nakita ang Nissan Patrol niya dahil mas gusto na niya ng bagong unit na sagot pala ng car insurance niya.
At hindi lang pala taga-DZMM ang nakatikim ng pambabastos ni Iya, maging ang PNP-Traffic Management Group headed by Chief Supt. Augusto Angcanan, "She was so rude and arrogant. I was in uniform, nandon din ang ibang opisyal na naka-uniform din, para niya kaming sinampal dahil padabog niyang binuksan at isinara ang pinto ng sasakyan niya."
Nagsalita pa raw si Iya ng, "I am not happy with this personally and I think there is more behind these things."
Bukas ang pahinang ito para kay Iya o sa kampo niya.
Nakatanggap kami ng text messages na ang next daw na mae-evict sa Sabado sa Pinoy Big Brother ay si Say, at next week ay si Nene, then Jason. Bale ang maglalaban daw ay sina Uma at Cass para sa P5 million prize. REGGEE BONOAN
Ayon mismo sa taong malapit sa mag-ina, "Nagtataka si mommy, bakit ibinabalik pa raw yung mga lumang isyu? Matagal na raw nakabaon sa ilalim ng lupa, pilit na hinuhukay uli."
Pagod na raw si Mommy Beth sa kae-explain kung ano ang totoo sa mga negative write-up dahil tila hindi naman daw siya pinakikinggan dahil sinusulat pa rin daw kung ano ang gustong isulat.
At tila nagbunga naman ang pananahimik ni Mrs. Jones dahil kinuha sila ni Angelica sa isang tv commercial ng detergent soap.
Nagulat nga raw si Mommy Beth sa alok dahil malayo sa isipan niya na pati siya ay ka-join ng anak sa isang commercial.
"Siguro, na-challenge yung may-ari ng sabon sa mga nababasa niyang negatibo sa mag-ina, hayun, kinuha silang endorser at tapos nang magpirmahan ng kontrata, iso-shoot na lang one of these days," dagdag kuwento pa sa amin.
So, masasabi bang nakatulong ang mga negatibong nasusulat sa mag-ina ngayon dahil may tvc na sila? Ano kayang masasabi ng detractors ng mag-inang Jones?
Ayon sa kuwento sa amin, "Pinatawagan sa amin si Iya para magbigay ng comment kasi nga nakita na yung sasakyan niya, e, sabi ng katulong, natutulog daw at sandali lang.
"So, naghintay kami, tapos ayaw yatang magising kaya hindi na lang pinilit. Ang nakakainis, nakarating sa amin na bakit daw siya kinukulit, e, natutulog siya. E, hindi naman kami ang nag-insist na gisingin siya, pinaghintay kami."
At nalaman daw nila na kaya buwisit si Iya ay dahil mas pabor palang hindi na lang nakita ang Nissan Patrol niya dahil mas gusto na niya ng bagong unit na sagot pala ng car insurance niya.
At hindi lang pala taga-DZMM ang nakatikim ng pambabastos ni Iya, maging ang PNP-Traffic Management Group headed by Chief Supt. Augusto Angcanan, "She was so rude and arrogant. I was in uniform, nandon din ang ibang opisyal na naka-uniform din, para niya kaming sinampal dahil padabog niyang binuksan at isinara ang pinto ng sasakyan niya."
Nagsalita pa raw si Iya ng, "I am not happy with this personally and I think there is more behind these things."
Bukas ang pahinang ito para kay Iya o sa kampo niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended