^

PSN Showbiz

Carlos Morales, seryoso kay Ms. Earth!

ABOUT SHOWBIZ - ABOUT SHOWBIZ Ni Nits Mirallez -
Desisyon pala ni Jackie Forster na makipaghiwalay sa ama ng ipinagbubuntis nang mahalatang hindi nito ikinatuwa ang kanyang pagbubuntis. Sa tulong ng mga kaibigan, kakayanin ng actress na isilang at palakihin ang anak ng walang ama.

Bukod sa mga kaibigan, walang nakakakilala sa ex-boyfriend ni Jackie at hindi na siya makikilala dahil hiwalay na nga sila. Mabuti na lang at nakita pa namin ang ex-love ni Jackie sa Gateway Mall sa Araneta Center.

Tiyak kaming ‘yung kasama that afternoon ni Jackie ang ama ng isisilang niyang anak dahil sweet sila at laging magka-holding hands. Guwaping, skin head at moreno ang guy na sabi sa amin, younger than Jackie.
* * *
"Maganda siya," patungkol ni Alfred Vargas kay Isabel Oli na kapareha niya sa Like Mother, Like Daughters episode ng Season 9 ng Love to Love. First time niyang makatrabaho ang actress and he’s looking forward working with her dahil masarap daw itong katrabaho.

Loveless si Isabel at three months nang walang girlfriend si Alfred. Ayaw namin silang pangunahan pero, they will make a lovely pair kung sila’y magkaka-debelopan. Hindi naghahanap ng bagong gf si Alfred pero, kapag pagod siya sa trabaho, doon niya naiisip na masarap ang may kayakap at kakuwentuhan.

Nabanggit din pala ni Alfred na next year, he’ll get a place of his own. He’s 24 years old at time na raw na mamuhay siya ng solo. Apartment at hindi condo unit o townhouse ang rerentahan ng actor dahil gusto niya’y may lupa.

Can afford si Alfred dahil kasama pa rin siya sa Etheria. Gagampanan niya ang role ni Avaro, ama ni Aquil, ang role na ginampanan niya sa Encantadia. Right choice naman daw si BJ "Tolits" Forbes to portray the young Aquil.
* * *
Ayaw maniwala ng ilang press people sa sinabi ni Carlos Morales sa presscon ng Lagot Ka Sa Kuya Ko na serious siya sa two-week old girlfriend niyang si Alexandra Braun Waldeck, Miss Venezuela sa 2005 Miss Earth na kanya ring napanalunan.

Ganoon din daw ang sinabi ni Carlos sa girlfriend na nagtatrabaho sa ABS-CBN. Na mahal na mahal niya ito’t siya na ang girl for him. In fact, bago inaming in-love siya kay Miss Earth, nagdi-date pa raw sila ng ex-gf na taga-Dos.

Nanibago nga kami kay Carlos dahil sa age niya (he’s 29 years old) at sa laki at ma-muscle na katawan, nagba-blush at kinikilig sa pagkukuwento sa kanyang lovelife. Ipinapanood din sa amin ang video nila ni Miss Earth na nasa kanyang mobile phone. Dahil sa gf, nag-aaral siya ng Spanish at bibisitahin niya ito sa Venezuela.

Kung mabibigyan ng visa, aalis sa December 30 si Carlos para sa birthday niya sa January 5, 2006, kasama niya ito.
* * *
Sa November 28 na magsisimula ang StarStruck 3 at makikilala na ang Top 20 sa maraming nag-audition. Sa kanila pipili ng Final 14 na maglalaban hanggang sa matapos ang reality-based artista search.

May primer na ipapalabas sa November 27, bago ang regular airing kinabukasan. Dito yata ipapaalam ang mga pagbabago sa contest. Gaya ng, taped episode ito at 20 minutes lang ito from Monday to Saturday at one hour naman every Sunday na siyang live episode at elimination night.

Nagbigay na ng clues ang Final 4 ng StarStruck 2 sa mga pumasok sa Top 20. May kapatid daw ang sikat na singer at kung sinu-sino pa. Ang alam lang namin ay ‘yung anak ng comedian at si Don-B Manalo, anak ni Jose Manalo ng Eat Bulaga ang bagets. Nakita na namin ito at guwapo nga.

Magaling kumanta’t sumayaw, may talent sa acting at may X factor ang hinahanap ngayon ng GMA-7. Bukod sa mapipiling two Ultimate Survivors, pipili rin sila ng Sole Survivor na mananalo ng additional cash prize.

Bukas na raw, Nov. 23 ang presscon/launching ng SS3. Titingnan namin kung sino ang agad tatatak sa aming paningin at isipan sa mga bagets.

vuukle comment

ALEXANDRA BRAUN WALDECK

ALFRED VARGAS

AQUIL

ARANETA CENTER

AYAW

BUKOD

MISS EARTH

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with