^

PSN Showbiz

K Brosas, inagawan ng eksena ng anak!

-
Agaw eksena ang walong taong gulang na anak ni K Brosas na si Krystal Kyla Brosas nung gabi ng concert niya sa Music Museum dahil may spot number ang bagets sa awiting "My Heart Will Go On".

Tinawag kasi ni K ang anak sa stage para pormal na ipakilala at para sabihing ‘nag-iisa’ niya itong kakampi sa buhay.

Akala ng lahat ay first stanza lang ng theme song ng Titanic ang kakantahin ng bagets o kaya’y magdu-duet na sila ng ina, pero sinolo ni Krystal ang kanta at take note, bumirit pa sa huli. Kitang-kita namang very proud si K sa nag-iisang anak, ‘yun nga lang, iisa rin ang tanong ng mga nanood, sino nga ba ang kamukha ng anak mo, K bakit hindi nakuha ang mestiza looks mo?

Samantala, napuno naman ni K ang Music Museum at masasabing halos kakilala niyang lahat ang nanood at maski na friends niya ang mga ito, mega pay sila lalo na si Gladys Guevarra, production staff ng mga programang kasama siya at iba pa. Curious lang kami kung nagbayad din si Faith Cuneta na nasa isang sulok.

As a whole, okey naman ang performance ni K at ramdam namin ang kanyang nerbyos, na idinadaan na lang niya sa spiels. 
* * *
Bukas, Lunes ang dapat na press interview ni Franzen Fajardo, ang 7th evictee ng Pinoy Big Brother kaso hindi pa puwedeng humarap sa media ang numero unong pasaway sa Bahay ni Kuya dahil kinakailangan muna siyang ipa-check up sa psychiatrist para malaman kung may malalim na iniisip ngayon ang best friend ni Jason dahil sa sunud-sunod nitong violations at naninirya pa.

Kakaiba raw kasi ang ikinikilos at sinasabi nitong mga huling araw ni Franzen sa PBB na ayon mismo sa obserbasyon ng executive ng Dos ay hindi na normal kaya marahil tuluyan na siyang patalsikin ni Big Brother sa kanyang bahay.

Opinyon ng isa sa executive ng ABS-CBN, "I have a feeling na masyado siyang nakampante kasi nga, ilang beses na siyang na-nominate dahil sa mga palpak niya, and yet siya pa rin ang may pinakamataas na boto para ma-save siya, siguro inisip niya, maski na anong gawin niya, he will be saved, e, heto na, dumating na ang oras niya."

 Aminado rin kaming si Franzen ang gusto naming manalo dahil siya ang may matinding pangangailangan kumpara sa ibang housemates pero sa ipinakikita niyang ugali na napapanood gabi-gabi sa PBB house, ay "Hindi na siya nakakatuwa, bastos na siya," ito mismo ang comment ng viewers kay Franzen.
* * *
Napanood na namin ang Korean movie na My Little Bride na pinagbibidahan nina Kim Rae Won also known as Kevin ng Koreanovela sa GMA 7 na Attic Cat at Moon Keun Young ng Endless Love/Autumn In My Heart sa original DVD na ipinadala sa amin ng isang kaibigan mula sa Korea.

At naniwala kaming original copy ito at hindi pirated dahil nakalagay pa sa screen ng "For screening purposes only and not for sale" at may mga telephone numbers pang nakasulat at higit sa lahat, wala siyang subtitle.

Anyway, sa November 23 pa ito ipalalabas at pumupusta kami na magki-click ito sa moviegoers at kikita pa, kesehodang makakasabay niya ang The Exorcism.

Hindi na bago sa amin ang acting ni Kim Rae Won as Kevin ng Attic Cat dahil sadya palang ganun siya, mapagbiro, mapang-asar at minsan seryoso. Ang nakakagulat ay guwapo pala siya at mahusay magdala ng damit kumpara sa Attic Cat.

At hindi siya nagpahuli kay Dao Ming Su na kinabaliwan sa buong Pilipinas nung panahon ng Meteor Garden, pati boses, magkahawig din. - Reggee Bonoan

ATTIC CAT

AUTUMN IN MY HEART

BIG BROTHER

DAHIL

FRANZEN

KIM RAE WON

MUSIC MUSEUM

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with