Bakbakan sa loob ng elevator!
November 19, 2005 | 12:00am
Kung iisipin natin kung gaano kasikip ang mga elevators natin, parang exciting yung gagawing bakbakan dito nina Ronnie Ricketts at Carlos Morales bilang highlight ng kanilang pelikulang Lagot Ka Sa Kuya Ko na balak nilang isali sa January 1 slot ng MMFF 05. Ang nakakalungkot lamang, nabalitaan nila na inopen na ng MMFF Committee sa lahat ng interesadong producer ang natitirang tatlo pang slot na magsisimulang ipalabas sa Bagong Taon.
Malaki pa sana ang pag-asa ng mga humahabol na producers, kasali na ang grupo ni Ronnie Ricketts dahil apat na lamang sana sila na pagpipilian para sa kukuning tatlong slots. Pero nalungkot sila nang mabalitaang tumanggap pa ng apat na pelikula ang komite kung kaya naging walo pa sila. At ang pinaka-grabeng balita sa kanila ay ang pag-o-open ng slots sa lahat ng interesadong producer.
Pero, tuloy ang buhay sa mga nasa likod ng Lagot Ka Sa Kuya Ko na pinagtutulungang iprodyus ng Rocketts Productions at J&B Productions. Positibo ang kanilang pananaw na maganda ang proyekto nila at malalaki din naman ang mga artista ng pelikula (Ronnie, Nadine Samonte, Angelica Jones, Carlos Morales, Mariz, Marita Zobel, Dinky Doo) at maganda ang istorya nila tungkol sa dalawang magkapatid na lumaki sa magkaibang mundo. Isang taxi driver at isang teenager na balikbayan.
Mukhang sinuswerte naman si Nadine Samonte, bukod sa siya ang lead actress sa Lagot Ka Sa Kuya Ko ay mayron pa siyang bagong TV show sa QYV Ch. 11 na mapapanood tuwing Martes, 8NG. Ito ang My Guardian Abby na kung saan ay papel ng isang pink angel ang gagampanan niya. Bago siya mag-graduate sa pagiging blue angel, kailangang may misyon pa siyang tuparin sa lupa. Tutulungan naman siya ng blue angel na si Pauleen Luna.
Maraming papuri ang naririnig sa mga kasamahan ni Nadine sa Lagot Ka dahilan sa kanyang professionalism. Wala raw itong kaarte-arte sa katawan at kung inaakala ng marami na magkakaron ng problema sa pagtatambal dito sa isang baguhang aktor sa nasabing pelikula (John Medina), nagkamali sila sapagkat agad nagkalapit ang dalawang bagets habang ginagawa ang movie.
E-mail: [email protected]
Malaki pa sana ang pag-asa ng mga humahabol na producers, kasali na ang grupo ni Ronnie Ricketts dahil apat na lamang sana sila na pagpipilian para sa kukuning tatlong slots. Pero nalungkot sila nang mabalitaang tumanggap pa ng apat na pelikula ang komite kung kaya naging walo pa sila. At ang pinaka-grabeng balita sa kanila ay ang pag-o-open ng slots sa lahat ng interesadong producer.
Pero, tuloy ang buhay sa mga nasa likod ng Lagot Ka Sa Kuya Ko na pinagtutulungang iprodyus ng Rocketts Productions at J&B Productions. Positibo ang kanilang pananaw na maganda ang proyekto nila at malalaki din naman ang mga artista ng pelikula (Ronnie, Nadine Samonte, Angelica Jones, Carlos Morales, Mariz, Marita Zobel, Dinky Doo) at maganda ang istorya nila tungkol sa dalawang magkapatid na lumaki sa magkaibang mundo. Isang taxi driver at isang teenager na balikbayan.
Maraming papuri ang naririnig sa mga kasamahan ni Nadine sa Lagot Ka dahilan sa kanyang professionalism. Wala raw itong kaarte-arte sa katawan at kung inaakala ng marami na magkakaron ng problema sa pagtatambal dito sa isang baguhang aktor sa nasabing pelikula (John Medina), nagkamali sila sapagkat agad nagkalapit ang dalawang bagets habang ginagawa ang movie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended