Hahamunin ang galing ni Cherry Pie
November 18, 2005 | 12:00am
For the longest time, nakita natin si Cherry Pie Picache na gumaganap ng roles na marami sa ating artista ay hindi tatanggapin. Dahil kung di sila patatandain ay papapangitin naman.
"Okey lang sa akin dahil mga meaty roles naman ang ibinibigay sa akin. And Im able to work with good directors," anang aktres.
Sa MMFF entry ng Regal Films na Ako Legal Wife: Mano Po 4, siya si Patty ang Chinese-Visayan lover ng gumaganap na Tsinong si Jay Manalo na kasal kay Zsazsa Padilla, at lover din ng isa pang mistress niya na si Rufa Mae Quinto. Binigyan kulay nito ang kanyang pagganap sa pamamagitan ng pagkakaron ng Visayan accent sa kasiyahan ng direktor ng movie na si Joel Lamangan.
Para sa isa sa 15 Greatest Filipina Actresses of All Time ng Directors Guild, muling hahamunin ang galing niya sa pelikulang Kaleldo (Summer Nights), isang digital film na kung saan ay gaganap siya ng role ng isang tomboy pero kailangan niyang gawing tunay na lalaki ang kanyang character at di lamang isang tomboy. Knowing her, mamaniin lamang niya ang kanyang role sa pelikula na prodyus ng mga nasa likod ng Masahista.
Pormal nang binuksan ni QC Mayor Feliciano Sonny Belmonte ang Paskong Pasiklab, isang karnabal (amusement center) sa may UP na pinatatakbo ng Fun Fair Ventures, Inc. sa pamumuno ni Jasper Viloria.
Mayron ang Paskong Pasiklab ng 40 ibat ibang rides and attractions. Kasama na rito ang Wheel of Fortune, isang manghuhula festival na kung saan makakasama sina Madame X, ang nakapag-predict ng murder ni Nida Blanca, at ang downfall ni ERAP; Madame Rosa, isang pamosong manghuhula sa TV, Zhalir Jaila, Madame Celia, Brian Flores, Madame Claudette at marami pang iba.
Pinakamalaking atraksyon ng Paskong Pasiklab sa taong ito ay ang Grand Asian International Circus. Kararating lamang ng grupo mula sa kanilang mga palabas sa abroad. Nakapagtanghal na sila kasama ang kilalang Circque Mondiale.
Mayron ding atraksyon ang Paskong Pasiklab na wala ang ibang theme parks, tulad ng horseback riding, go kart racing at iba pang rides na mai-enjoy ng mga may edad nang tulad ko.
Bukod sa mga rides and attractions, may pakontes na gaganapin dito, ang Mr. & Ms. Pasiklab 2005, isang talent and personality contest na bukas para sa mga kabataang may edad 18-25 years old. Mayron ding Ms Gay Pasiklab 2005 para sa mga third sex. Malalaking premyo ang naghihintay para sa mga mananalo dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended