Okey lang na magtinda ng tocino at tapa kay Camille
November 17, 2005 | 12:00am
Mayrong ipo-prodyus na musical comedy ang sexy star na si Camille Roxas sa ika-29 ng Nobyembre sa Metro Concert Bar sa ika-9NG.
Pinamagatang Bodies & Voices, siya ang magiging tampok na performer kasama sina Martha Daniels, Corinne Romero, Hervana Hernandez, Charise Gutierrez, Daisy Arellano, Prime Padilla, Mike Melendez, Klim Quan, Sebastianne, Junar Labrador at Ray-an Dulay. Ang mga nabanggit na pangalan ang magmomodelo ng mga sexy garments sa show. Comic relief and the music will be provided by Mystica, Metro Bars topnotch comedians at ang Jersie and Aryan Dancers. Sponsor ang Weighless Center ni Dr. Joel Mendez, PMS Whitening Herbal Soap at Edward dela Cuesta Photography Studio.
Pangatlong produksyon na ni Camille ang Bodies & Voices na isang taon nang hindi gumagawa ng pelikula dahilan sa kaabalahan niya sa kanyang negosyo at sa pagpo-prodyus ng mga ganitong uri ng palabas. Bukod dito, mayron din siyang livestock business sa Masbate at isang maliit na catering business.
Nagsimula siya sa isang baka lamang pero, ngayon ay dumami na ito. Dito nanggagaling ang mga itinitinda niyang tocino at tapa na ibinibenta niya ng wholesale. Marami na rin siyang mga lugar na pinagbabagsakan ng kanyang processed meat. "Okay lang kung sabihin nilang nagtitinda na lamang ako ng tapa at tocino, at least naman malinis na negosyo ito at nagagawa kong mamuhay ng maayos kasama ang dalawa kong anak," aniya sa isang interview.
Itinanggi niya ang isyu na mayron na siyang mall sa Masbate. "Mayron lamang akong kaibigan na tinulungan kong makapagpatayo ng mall, nag-iisa ito sa Masbate at mayron din naman akong maliit na share dito," pagmamalaki niya.
Sa livestock business niya nakuha ang ipinagpatayo niya ng kanyang mansyon sa commonwealth. "Kung saan-saan ako pumupunta para makipag-bid at isa rito ay sinwerte ako at kumita ako ng malaki," dagdag pa niya.
Inamin niyang hiwalay na siya sa Hapon na ama ng kanyang dalawang anak. Wala itong sustento sa kanyang mga anak kaya nagbabalak siyang idaan sa korte para makakuha siya ng financial support.
Mayron siyang current love, isang pulitiko pero hindi pa sila kasal.
Advice niya sa mga kapwa niyang bold stars: "Kung mayron pa kayong naitatabi gawan nyo ng paraan na mapalago pa ito. Huwag pairalin ang pride. Ako lumakas ang loob ko nang makipaghiwalay ako sa ama ng mga anak ko," sabi niya.
Para sa tiket sa Bodies & Voices, tumawag sa 4378630/3747505/4126514/0916-3712530.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended