^

PSN Showbiz

Boy 2, pangarap maging direktor

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Ikaw na ang maging apo ni Mang Dolphy, tulad ni Boy 2, kung hindi ba naman nananalaytay talaga sa kanya ang talino at dugo ng isang tunay na Quizon, ang kahusayan sa pag-arte at hilig sa musika.

Pero ang pagiging isang Quizon din ang naging isang dahilan ni Boy 2 para iwanan niya ang ABS-CBN, para hanapin ang sarili niyang identity.

"Siyempre I’m proud of being a Quizon, pero ang feeling ko kasi noon, nandoon lang ako sa Dos dahil sa lolo ko. Pero walang naniniwala sa effort ko at sa mga ideas ko. So kinailangan kong lumayo at hanapin ang sarili ko," paliwanag ni Boy 2 na nagsimulang mapanood sa Ang TV at Home Along Da Riles.

Sa proseso ng kanyang struggle, natuto siyang magpakumbaba dahil sa nagsimula siya sa wala at hindi siya lumapit sa koneksyon ng kanyang lolo.

At nang minsan naghahanap ang Globe ng isang talent na kulot ang buhok, ayaw na sanang tumuloy ni Boy 2 sa audition. Bukod kasi sa three hundred pa ang nakapila ay marumi na ang t-shirt niya, dahil sa pagpapalit nito ng gulong ng kanyang sasakyan dahil na-flat.

"Dungis-dungis ko nga nun, pero sa awa ng Diyos nakapasa naman," balik tanaw nito.

Mas lalo siyang naging maingat nang maging endorser siya ng Globe. Umiiwas na siya sa gulo. At concentrated siya ngayon sa kanyang trabaho.

"Pinaninindigan ko ang lahat ng responsibilidad ko kahit sobrang dami pa ‘yan. Pagbubutihan ko pang lalo," paliwanag ni Boy 2.

Ngayon bukod sa regular siyang napapanood sa GMA-7 sa Bubble Gang, kinilala pa ang kanyang talino sa musika kung saan binigyan siya ng sariling album ng GMA Records na pinamagatang "Boy 2 Biyaheng Reggae" na naglalaman ng tunog reggae.

"Bata pa kasi ako mahilig na akong makinig ng mga out of this world na music. Yung mga reggae na kanta, memorized ko lahat iyon. Ang sarap ng pakiramdam. Feeling mo nasa beach ka. Lahat pwedeng maki-jamming. Basta feeling good lang," paliwanag nito.

Pangarap din ni Boy 2 na maging direktor balang araw. Balak nga niyang mag-aral ng directing sa Australia sa susunod na taon na ikinatutuwa siyempre ng lolo Dolphy niya.

"Excited nga siya (Dolphy) nang mapakinggan yung album ko. At kapag tumatayo ka sa sarili mong paa, the more na proud siya sa iyo," masayang sabi ni Boy 2.

Ang "Boy 2 Biyaheng Reggae" ay naglalaman ng mga tulad ng "Ragarabo," "Para Sa ‘Yo," "White Sand Beach," "Bulong ng Damdamin," "Evolve It," "All That We Have," "Let It From Within," "Straight No Chaser," "Biyaheng Reggae," at "Celebrate Your Life."

ALL THAT WE HAVE

BIYAHENG REGGAE

BOY

BUBBLE GANG

CELEBRATE YOUR LIFE

DOLPHY

EVOLVE IT

QUIZON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with