Zsazsa, magkakaroon ng show sa QTV
November 14, 2005 | 12:00am
Hindi pa nakakarating kay Ms. Zsazsa Padilla ang plano ng QTV 11 na pagsamahin sila ng kanyang anak na si Karylle sa iisang show kaya naman nung naikwento ito sa kanya ay natuwa siya dahil matagal na raw niyang gustong maka-trabaho ang anak.
"As long as hindi siya pareho ng ASAP, that would be fine, coz I love to work with my daughter," sambit ng isa sa bida ng Ako, Legal Wife.
Nalaman kasi ng mga taga-GMA 7 na matagal nang walang kontrata ang Divine Diva sa ABS-CBN at nanghihinayang ang Siete rito. Nalaman din namin mismo kay Zsazsa na wala rin siyang kontrata sa ASAP 05 kayat anytime na gusto niyang rumaket sa ibang bansa ay pupwede.
"ASAP naman is very kind to me, very supportive sila, kaya naman pag libre ako, sumisipot ako sa show, kaya ayokong tumanggap ng ibang shows na pareho ng concept ng ASAP," dagdag pa.
Samantala, ayon sa research ay na-airport to-airport na rin daw ang singer sa Japan dahil kagagawan din daw nina Joed Serrano dahil nakagalit daw ni Joed ang isa sa staff ng Artist House na siyang talent management ni Zsazsa.
"Hindi ako na A to A, although theres been a problem before between Joed and one of the staff of Sandra Chavez (may-ari ng Artist House), hindi ko kasi alam yun, nagkataon na ako yung may show sa Japan, pero hindi ako na-hold ng immigration.
"That was very long time ago pa when I was still with Artist House, hindi na ngayon. In fairness to Joed, wala naman kaming naging problema," kaswal niyang pahayag. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended