^

PSN Showbiz

‘Hindi dapat bigyan ng kulay ang pagtira ni Snooky sa apartment ko’

-
Pupunta ng Los Angeles, California, USA si Lloyd Samartino, para sa isang fund-raising concert sa December 2 and 10, 2005 ng mga kaibigang Pinoy nurses na naka-base roon, para sa mga nasalanta ng Hurricane Rita, Katrina at Wilma.

Nasa real estate business ngayon si Lloyd at posibleng asikasuhin din niya roon ang paghahanap ng properties na puwedeng i-renovate bago maibentang muli. May ilang properties sila ng mga kasosyo niya rito sa Pilipinas na puwede rin nilang i-offer sa mga gustong mag-invest na kababayan natin doon sa Amerika.

Lloyd plays father (Jean Garcia as the mother) to Richard Gutierrez sa pelikulang I Will Always Love You. Follow-up movie ito ng highly successful Let The Love Begin, nina Richard at Angel Locsin.

Sa isinadulang life story ni Katya Santos, gumanap ding ama ng sexy star si Lloyd kapareha naman si Jean Saburit bilang ina. Walang kaso kay Lloyd kung pawang father roles ang dumarating sa kanya. Naniniwala siyang there are no small roles, only small actors.

Niliwanag din ni Lloyd ang isang item na naisulat sa isang fan magazine tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng friendship nila ni Snooky Serna. Pagkatapos daw na lumabas ang balitang sa apartment/building niya sa Makati City lumipat si Cookie, nang maghiwalay sila ng asawang si Ricardo Cepeda.

"Hindi na yun dapat binigyan pa ng kulay because, lahat naman ng mga taong nakakakilala sa amin in and outside showbusiness, know that Snooky and I have long been friends, even Ricardo knows that. I’ve always been there if they need my help. We’ll definitely remain friends forever," lahad ni Lloyd. So there! — Ben Dela Cruz

ANGEL LOCSIN

BEN DELA CRUZ

HURRICANE RITA

I WILL ALWAYS LOVE YOU

JEAN GARCIA

JEAN SABURIT

KATYA SANTOS

LET THE LOVE BEGIN

LLOYD

LLOYD SAMARTINO

LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with