^

PSN Showbiz

Pangarap maging doktor

RATED A - Aster Amoyo -
Labing-tatlong taon na ring namamayagpag sa telebisyon ang beauty czar at pilantropong si Mother Ricky Reyes sa pamamagitan ng kanyang sariling TV program na may kinalaman sa larangan ng pagpapaganda at kabuhayan. Nag-ikot na rin siya sa iba’t ibang TV networks na kanyang sinimulan bilang segment host ng Tele... ni Cecille Garucho ng Channel 4 na kanyang sinimulan nung 1982. Mula sa pagiging segment host ay solong programa ang sumunod, ang Beauty School sa IBC-13 hanggang sa ito’y malipat sa RPN-9 at ginawang Beauty School Plus. 

Simula kahapon (Linggo), lumipat na sa bagong tahanan si Mother Ricky sa isang mas pinagandang beauty program na pinamagatang Gandang Ricky Reyes, titulong akmang-akma sa beauty expert-host na regular nang napapanood sa QTV-11 sa ganap na ika-sampu hanggang alas-onse ng umaga. Ang nasabing programa ay isang lifestyle show na may halong entertainment, impormasyon, inspirasyon at edukasyon.   

Sa pilot episode kahapon ay naging ispesyal na panauhin ang concert queen na si Pops Fernandez at dating beauty queen-turned actress na si Evangeline Pascual.  Sina Annabelle Rama at Lolit Solis naman ang mapapanood sa darating na linggo (Nov. 20) habang sina Kuya Germs (German Moreno), Lito Calzado at ang mag-asawang Perla Adea at Romy Mallari naman sa ikatlong linggo (Nov. 27).   
* * *
Sina Melanie Marquez at Vince Enero ang mga ispesyal na panauhin bukas ng gabi sa top-rating sitcom ng GMA na Bahay Mo Ba ‘To na pinangungunahan nina Tessie Tomas, Ronaldo Valdez, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Francine Prieto, Pekto, Sherilyn Reyes at iba pa mula sa direksyon ni Al Quinn.
* * *
Pangarap ng ina ni Direk Mac Alejandre, isang biologist na maging isang ganap na doktor ang kanyang anak.  Bilang simula, nag-aral si Direk Mac ng Bachelor of Science in Industrial Pharmacy sa University of the Philippines pero sa halip na maipagpatuloy nito sa medicine ang kanyang kurso ay sa ibang field siya napadpad. "Tatlong buwan akong hindi kinausap ng nanay ko," natatawang kuwento ni Direk Mac.

Nagsimulang magtrabaho si Direk Mac bilang assistant director ng yumaong si Ishmael Bernal na sinundan nina Chito Roño, Mel Chionglo, Gil Portes, Joey Javier Reyes at Willy Milan. Taong 1994 nang ipagkatiwala sa kanya ng Viva Films bilang director ang pelikulang Campus Girls na una niyang directorial job hanggang sa ito’y maging sunud-sunod na.

Taong 2005, ang pelikulang dinirek ni Direk Mac, ang Let The Love Begin ng GMA Films ang kauna-unahang box office hit movie ng taon.  Siya rin ang kinuhang director ng reunion movie nina Richard at Angel, ang Say That You Love Me na hindi naipapalabas at pangatlong movie niya sa taong ito ang launching movie ng komedyanteng si Bearwin Meily, ang Hari ng Sablay.  Siya rin ang nag-direct ng youth-oriented TV program sa GMA na Click na tumagal sa ere sa loob ng apat na taon at kalahati, ganoon din ang Bestfrends at Joyride.

Ngayong isa nang establisadong TV and movie director si Direk Mac ay proud na sa kanya ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang ina.
* * *
[email protected]

AL QUINN

BACHELOR OF SCIENCE

BAHAY MO BA

BEARWIN MEILY

BEAUTY SCHOOL

BEAUTY SCHOOL PLUS

CAMPUS GIRLS

DIREK MAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with