2x broken hearted si Faith
November 13, 2005 | 12:00am
Lahat ng mga dumalo sa album launch ng "Pangarap" ni Faith Cuneta sa World Music Family KTV sa Greenhills Promenade ay impressed sa husay kumanta ng premiere telenovela songstress.
Kalalabas lang ng Galaxy Records ng "Pangarap" album, kung saan kasama ang "Pangarap Na Bituin", na theme song ngayon ng popular na Koreanovela ang Jewel In The Palace.
Sabi nga ng mga writers sa okasyon, dapat na tawagin ng Telenovela Diva si Faith. Una kasing nakilala si Faith sa kanyang kantang "Pag-ibig Koy Pansinin" na theme song naman ng isa pang Koreanovela, ang Stairways To Heaven.
Kapag binansagan ng press ng isang titulo nagiging palaging tawag na ito sa isang singer. May K naman kasing tawagin diva si Faith dahil mahusay siyang kumanta at maganda talaga ang kanyang singing voice.
Bago pala sumikat si Faith, pitong taon na siyang kumakanta sa mga music lounge ng mga five star hotels at sa iba pang watering holes around Metro Manila. Kaya naman hasang-hasa na siya sa pag-awit at kahanga-hanga ang control niya sa kanyang boses kapag kumakanta. Kahit na mataas na mataas na ang parteng kinakanta niya, never na maririnig si Faith na sumigaw o tumili, para lang maabot ang mga nota.
Naging stage actress din siya sa mga musicals ng Trumpets. Mahusay din siyang umarte bukod sa talento sa pagkanta.
Katatapos lang ng successful concert series ni Faith (with Juaquin) sa Music Museum. Ang pinaghahandaan niya ay ang road show sa West Coast, U.S.A., early next year. Malamang na February sila matuloy sa Tate, na kalamigan pa naman.
Nakapagtanghal na si Faith sa ibat ibang bansa tulad ng Hongkong, Singapore, Japan at sa U.S.A.
Isang very religious person si Jacob kayat Faith ang napili niyang pangalan na bumagay naman at nag-click agad sa ating music scene.
Naitanong kay Faith kung bakit lubhang madamdamin kung siya ay mag-perform. Sabi niya hinuhugot niya ang mga emosyon sa kanyang mga karanasan sa buhay.
"Na-broken hearted na rin ako," pag-amin ni Faith. "Dalawang beses na nga."
Papayag kaya siyang lumahok sa mga international song competition bilang kinatawan ng Pilipinas?
"Ang pagsali sa mga contest, dati ko nang ginawa," pahayag ni Faith. "Naging champion na ako for several weeks sa Tanghalan ng Kampeon at nanalo na rin ako sa ibat ibang singing contests."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended