Koreanovela theme song diva
November 12, 2005 | 12:00am
Si Faith Cuneta ang itinuturing na Koreanovela theme song diva dahil siya ang paboritong kunin para kumanta ng theme song ng mga sikat na Koreanovela na ipinapalabas sa GMA-7. Siya ang umawit ng theme song ng Endless Love 1 na pinamagatang "Ikaw" ganoon din sa part 2 ng Endless Love na "Di Ko Na Kaya" at part 3 ng Endless Love na "Suko Na Ang Puso Ko" na pawang adaptation ng mga Korean theme songs. Pang-apat na theme song ang "Asam" para sa Love Letters at original composition naman ang "Pag-ibig Koy Pansinin" na siyang ginamit na theme song ng "Stairway to Heaven". Itoy sariling komposisyon ni Elmer Blancaflor. Palabas ngayon ang pinakabagong Koreanovela na Jewel in the Palace at si Faith din ang naatasang kantahin ang local theme song nito, ang "Pangarap na Bituin" na komposisyon ni Willy Cruz at unang inawit at pinasikat ni Sharon Cuneta. First cousin ni Sharon and yumaong dad ni Faith na si Alvin Cuneta.
Carmela Cuneta sa tunay na buhay, nagtapos si Faith ng Business Administration major in Computer Application sa College of St. Benilde sa La Salle-Taft. Ang kanyang manager na si Jacob Fernandez ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name na Faith. Pagkaran ng isang buwan, October 18, 2004, ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng XAX Music Entertainment, Inc. ay ni-launched at magmula noon ay sunud-sunod na ang magagandang opportunities na dumarating kay Faith. Naisakatuparan naman ang kauna-unahang major solo concert ni Faith, ang One : The World Tour kung saan niya nakasama ang isa pang talent ni Jacob na si Juaquin.
Si Faith ay produkto rin ng Metropop Star Search at isa rin siyang stage actress ng Trumpets.
Nung Huwebes (Nov. 10) ng tanghali ay ni-launched ang pangalawang album ni Faith na pinamagatang "Pangarap" sa ilalim ng Galaxy Records na ginanap sa World Music Room Family KTV sa Promenade sa Greenhills.
Masiglang ibinalita sa amin ng masipag na mayor ng Pagsanjan, Laguna na si Mayor E. R. Ejercito (Jeorge Estregan) na ginawaran ng parangal ang Pagsanjan Public Market ng Consumer Welfare Champion Award 2005 bilang Best Public Market in the Philippines na iginawad ng Dept. of Trade and Industry na ginanap sa SM Megatrade Hall nung nakaraang Oktubre 12. Tinanggap ni Mayor Ejercito ang parangal mula sa DTI Secretary na si Sec. Peter Favila kasama sina DTI Director Vic Dimagiba, Avesco President Jimmy Tang at Chairman Meneleo Carlos, Jr. ng Philippine Product Safety and Quality Foundation, Inc. Ang nasabing parangal ay isa lamang sa napakaraming parangal na tinanggap na ni Mayor Ejercito para sa kanyang bayan ng Pagsanjan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Matapos man ang termino ni Mayor Ejercito, hinding-hindi makakalimutan ng kanyang mga kababayan ang mga naiambag nito sa kanilang lugar.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Mayor Ejercito ay nagtapos ng Advertising, Marketing & Visual Communication sa University of the Philippine kung saan din siya kumuha ng Local Administration and Community Development.
Sina Moon Geunyoung ng popular Koreanovelang Endless Love at Kim Raewoon ng Attic Cat ang mga pangunahing bituin ng No. 1 Korean romantic-comedy movie na My Little Bride na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ng Metro Manila simula ngayong November 23.
Sina Kim Rae-won at Moon Geun-young ay dalawa sa pinakamaiinit na young actors sa Korea mapa-pelikula man o telebisyon.
Napamahal ang Filipino audience kay Kim sa kanyang hit GMA TV series na Attic Cat habang si Moon naman ay hindi malilimutan sa kanyang blockbuster thriller na A Tale of Two Sisters at sa sinubaybayang teleseryeng Endless Love - Autum in my Heart.
Ang My Little Bride ay record-breaking nang itoy ipalabas sa Korea nung nakaraang taon.
E-mail: [email protected]
Carmela Cuneta sa tunay na buhay, nagtapos si Faith ng Business Administration major in Computer Application sa College of St. Benilde sa La Salle-Taft. Ang kanyang manager na si Jacob Fernandez ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name na Faith. Pagkaran ng isang buwan, October 18, 2004, ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng XAX Music Entertainment, Inc. ay ni-launched at magmula noon ay sunud-sunod na ang magagandang opportunities na dumarating kay Faith. Naisakatuparan naman ang kauna-unahang major solo concert ni Faith, ang One : The World Tour kung saan niya nakasama ang isa pang talent ni Jacob na si Juaquin.
Si Faith ay produkto rin ng Metropop Star Search at isa rin siyang stage actress ng Trumpets.
Nung Huwebes (Nov. 10) ng tanghali ay ni-launched ang pangalawang album ni Faith na pinamagatang "Pangarap" sa ilalim ng Galaxy Records na ginanap sa World Music Room Family KTV sa Promenade sa Greenhills.
Matapos man ang termino ni Mayor Ejercito, hinding-hindi makakalimutan ng kanyang mga kababayan ang mga naiambag nito sa kanilang lugar.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Mayor Ejercito ay nagtapos ng Advertising, Marketing & Visual Communication sa University of the Philippine kung saan din siya kumuha ng Local Administration and Community Development.
Sina Kim Rae-won at Moon Geun-young ay dalawa sa pinakamaiinit na young actors sa Korea mapa-pelikula man o telebisyon.
Napamahal ang Filipino audience kay Kim sa kanyang hit GMA TV series na Attic Cat habang si Moon naman ay hindi malilimutan sa kanyang blockbuster thriller na A Tale of Two Sisters at sa sinubaybayang teleseryeng Endless Love - Autum in my Heart.
Ang My Little Bride ay record-breaking nang itoy ipalabas sa Korea nung nakaraang taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended