EVAT maraming tinatamaan
November 12, 2005 | 12:00am
Hindi namin inaasahang kikita nang malaki ang Metro Manila Film Festival. Dalawang dahilan kung bakit, una sa pagpasok ng Disyembre at tiyak na damang-dama na ng mga tao ang epekto ng EVAT. Mas marami ang hindi lamang magtitipid kung di talagang kapos na ang kinikita.
Kahit na nga sinasabi nina Ric Camaligan ng SM Cinemas na makikiusap sila sa BIR na huwag munang sampahan ng EVAT ang mga sinehan, hindi naman niya maikakailang tataas ang kanilang singil dahil tumaas na rin ang singil ng Meralco sa kanila dahil sa EVAT.
Ang isa pa ngang dahilan ay ang hindi mapigil na film piracy sa ating bansa.
May umuugong pang hindi magagandang balita, na hindi gaya nang dati na ang lahat ng sinehan ay ibibigay sa mga pelikulang kasali sa festival, ngayon may mga sinehan daw na maaring maglabas ng iba, para mabigay ng proteksyon naman nila ang kanilang interests, lalo na ngat kung ang natatapat sa kanila ay mga pelikulang hindi naman kumikita.
Sa nagiging takbo ng mga indikasyon ngayon, lalo na nga kung ang pagbabatayan ay iyong naging resulta noong natapos na Cine Manila, na kung saan ang lahat ng mga pelikulang Pilipino ay nag-flop kahit na nga singkuwenta pesos na lang ang admission prices noon, aba eh masama nga ang prospects niyan.
Ang usapan nga, kung ganyan na naman ang mangyayari sa festival na ito, magkaroon pa kaya ng MMFF sa susunod na taon?
Nakakalungkot iyan para sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Hindi kami naniniwala na dapat matapos na lamang ang usapan tungkol sa babaing nagsabing naanakan siya ng yumaong aktor na si Miko Sotto sa kanyang pag-amin sa kanyang ginawang kabulastugan at pag-amin na gimik nga lang iyon. Hindi rin iyon dapat na matapos sa isang public apology lamang.
Hindi lang ang babaing iyon ang may kasalanan kung di ganoon ang TV show na naglabas ng hindi kumpirmadong istoryang iyon. Hindi lamang nangangahulugan na naloko pati sila, kungdi dahil sa kanilang kapabayaan sa pagbibigay ng kumpirmasyon sa mga istoryang kanilang inilalabas, naloko ang publiko at nasalaula ang magandang alaala ng isang yumao na.
Naniniwala kami na ang mga taong nasangkot sa istoryang iyan ay may pananagutang moral sa publiko at sa pamilya ni Miko Sotto.
Naniniwala kaming ang mga bagay na iyan ay hindi dapat palampasin nang ganoon na lamang. Wala bang magagawa ang program standards committee ng KBP at ang NTC sa mga ganyang bagay?
Madalas daw na bukambibig ng isang gay matinee idol ngayon ang pangalan ng isa pang baguhang male star na commerical model din. Mukhang ang model-actor naman ang siyang target ngayon ng bading na matinee idol.
Minsan daw dumalaw pa ang bading na matinee idol sa pictorial para sa isang magazine ng actor-model, kasi natunugan niyang sexy ang pictorial na iyon.
Kahit na nga sinasabi nina Ric Camaligan ng SM Cinemas na makikiusap sila sa BIR na huwag munang sampahan ng EVAT ang mga sinehan, hindi naman niya maikakailang tataas ang kanilang singil dahil tumaas na rin ang singil ng Meralco sa kanila dahil sa EVAT.
Ang isa pa ngang dahilan ay ang hindi mapigil na film piracy sa ating bansa.
May umuugong pang hindi magagandang balita, na hindi gaya nang dati na ang lahat ng sinehan ay ibibigay sa mga pelikulang kasali sa festival, ngayon may mga sinehan daw na maaring maglabas ng iba, para mabigay ng proteksyon naman nila ang kanilang interests, lalo na ngat kung ang natatapat sa kanila ay mga pelikulang hindi naman kumikita.
Sa nagiging takbo ng mga indikasyon ngayon, lalo na nga kung ang pagbabatayan ay iyong naging resulta noong natapos na Cine Manila, na kung saan ang lahat ng mga pelikulang Pilipino ay nag-flop kahit na nga singkuwenta pesos na lang ang admission prices noon, aba eh masama nga ang prospects niyan.
Ang usapan nga, kung ganyan na naman ang mangyayari sa festival na ito, magkaroon pa kaya ng MMFF sa susunod na taon?
Nakakalungkot iyan para sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Hindi lang ang babaing iyon ang may kasalanan kung di ganoon ang TV show na naglabas ng hindi kumpirmadong istoryang iyon. Hindi lamang nangangahulugan na naloko pati sila, kungdi dahil sa kanilang kapabayaan sa pagbibigay ng kumpirmasyon sa mga istoryang kanilang inilalabas, naloko ang publiko at nasalaula ang magandang alaala ng isang yumao na.
Naniniwala kami na ang mga taong nasangkot sa istoryang iyan ay may pananagutang moral sa publiko at sa pamilya ni Miko Sotto.
Naniniwala kaming ang mga bagay na iyan ay hindi dapat palampasin nang ganoon na lamang. Wala bang magagawa ang program standards committee ng KBP at ang NTC sa mga ganyang bagay?
Minsan daw dumalaw pa ang bading na matinee idol sa pictorial para sa isang magazine ng actor-model, kasi natunugan niyang sexy ang pictorial na iyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended