^

PSN Showbiz

Camera ng Regal nasira sa shooting ng Mulawin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
I swear very entertaining ang indie film na Big Time starring Michael de Mesa, ang third best picture sa ginanap na Cinemalaya Film Festival kamakailan.

Kaya naman graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula. Actually, si Michael de Mesa and Jon Santos ang kilala ko sa cast ng pelikula, the rest kasi stage actors na familiar ang face pero hindi ko ma-recall ang name na walang dudang mas magagaling kesa sa mga movie and TV actors natin sa kasalukuyan.

Swabe ang pagkagawa at kakaiba ang story ng Big Time. Grabe rin ang humor, nakakatawa ang mga ilan nilang eksena na although mababaw, pero matatawa ka naman.

Drama na light action ang movie. Actually, natural ang mga atake nila sa drama dahil may kasamang humor.

Tungkol ito sa magkaibigang small raket ang alam - mang-holdap ng P500.00 o mangidnap ng aso. Hanggang makilala nila ang anak ng isang big time syndicate na nakipagsabwatan sa magkaibigan para makakuha ng pera sa ama niyang sindikato.

Kung tutuusin, mas magaganda pa ang mga kuwento ng mga indie film. Mga bago ang twist ng kuwento at fresh ang mga ideas.

Sa paglakas ng indie film sa bansa, hindi lang ito nakakatulong sa pagdugtong ng buhay ng movie industry, kundi naglalabasan din ang mga baguhang writers na hindi pa gasgas ang mga sinusulat na kuwento.

Bukod sa Big Time, andiyan ang Tuli, Ilusyon (na kasalukuyang palabas sa Metro Manila theaters), Sa Ilalim ng Cogon, Masahista, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Mga Pusang Gala at marami pang iba.

Dahil sa maliit na budget ng project, nagkakaroon ng chance ang mga writers, directors na may potential pero hindi nabibigyan ng break sa mainstream. Bilang na bilang lang kasi ngayon ang ginagawang pelikula, at sa bilang na ‘yun, mabibilang din ang mga may trabaho kaya lalong nawawalan ng chance ang mga beginner na may talento.

Sa Cinemalaya pala, P500,000 ang budget ng participating film. Pero sabi nga ni Mr. Clodualdo del Mundo, maraming hininging tulong sa mga kaibigan kasi nga sa kakapusan ng budget, ‘yung iba, favor na lang ang hinihingi nila.

Kung tutuusin, maganda ring pang-teleserye ang mga ideas ng mga bagong writers para naman maiba ang napapanood.
* * *
Mukhang may malaki talagang problema ang shooting ng Mulawin The Movie. Kelan lang ay nasira raw ang camera ng Regal sa shooting ng nasabing pelikula. Ayaw magkuwento ng detalye ng source na staff ng GMA, pero ang alam daw niya, nagalit si Mother Lily sa staff and crew ng Mulawin dahil mahal ang nasabing camera at iilan ang ganung camera sa bansa.

Dati ay ang Regal ang nagha-handle ng shooting ng pelikula pero nagkaroon ng issue kaya na-turn over sa GMA.
* * *
From My In Box

Hi Salve!! I read ur article last Tuesday and I couldn’t help but agree with u guys about the issue regarding Hero Angeles and his brother/manager. I have been a big fan of Hero ever since day 1 of SCQ that is why I’m so disappointed with what’s happening with his career right now (or the lack of it).

He should really think about getting a new manager (like Boy Abunda who’s been a mentor since SCQ days, etc) for his career’s sake! It’s so sad to see him out of the spotlight where he is supposed to be and have his talent wasted... I really hope Hero will consider the messages and advices of his fans and the people who are supporting him all throughout.

Thanks Salve and more power!! 
* * *
miguelcastro – [email protected]

ANG PAGDADALAGA

BIG TIME

BOY ABUNDA

CINEMA EVALUATION BOARD

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

FROM MY IN BOX

HERO ANGELES

HI SALVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with