Paiiyakin kayo ni Mader Ricky
November 10, 2005 | 12:00am
Nakakatatlong episode na si Mother Ricky Reyes ng kanyang programang Gandang Ricky Reyes na magsisimulang mapanood ngayong Linggo, Nob. 13, 10-11NU. Sina Pops Fernandez at Evangeline Pascual ang mga bisita niya. Sina Annabelle Rama naman at Lolit Solis sa Nob. 20 at sa ikatlong Linggo (Nob. 27) ay sina Kuya Germs, Choreographer/dancer, TV director Lito Calzado at ang mag-asawang Romy Mallari at Perla Adea.
Bagaman at ang layunin ng programa ay gamitin ang ganda ng mga babae bilang tool to promote women empowerment, hindi sinasadya ay naging madrama ang mga naging interview niya sa mga nabanggit na personalidad.
"Nagugulat na nga lang ako na mayron sa kanila na bigla na lamang umiiyak. Tulad ni Pops na talagang nag-iiyak. Makikita mo na namumugto talaga ang mga mata niya," ani Mother sa isang interview.
In his 13 yrs. on TV, halos nalibot na ni Mother Ricky ang lahat ng istasyon. Nagsimula siya sa Telearalan ng PTV 4, tapos nagpunta siya ng RPN 9 para sa Beauty School Plus hanggang sa IBC13 na kung saan ay naging Beauty Plus na lamang ito.
Sa kanyang bagong bahay, QTV 11, may mga bagong segments siya tulad ng "Life & Style" na kung saan ay magi-interview siya ng kanyang mga guests; "We Women Entrepreneur" tungkol sa livelihood projects; "Maders Mader" na kung saan ay bibigyan ng pagpapahalaga ang mga may edad nang kababaihan; Gandang Ricky Reyes, mga fashion and hairstyle at beauty tips ng mga kabataan at ang "Maders Heart," isang public service portion.
Maganda ang attitude na ipinakikita ni Bearwin Meily sa nalalapit na showing ng kanyang launching movie, ang Hari ng Sablay (Nob. 30). Inaamin niya na kinakabahan siya pero, mas nangingibabaw ang kumpyansa niya di lamang sa kanyang sarili kundi maging sa mga nakasama niya sa produksyon sa magandang proyekto nila.
"Walang gaanong kasabay na pelikula, bagong sweldo ang mga tao at natapat pa sa araw na walang pasok. O di ko ba matatawag na swerte yan? Dapat nga next year pa ito maipapalabas, pero dahilan sa may mga pelikula na umatras kung kaya nabigyan kami ng pagkakataon na makapasok," ani Bearwin na nagsabing ang pagiging bida niya sa Hari ng Sablay ay di hadlang para tumanggap siya ng mga minor o character roles. "Mahirap ang buhay ngayon. Basta maganda and project bat ako tatanggi? At saka payag pa rin akong mag-sidekick muli," dagdag pa niya.
Kapareha niya sa Hari ng Sablay si Rica Peralejo at kasama pa rin sina Tuesday Vargas, Nadine Samonte, JayR at marami pang iba, sa direksyon ni Mac Alejandre.
Masaya yung first episode ng EClub@ Studio 23 hosted by Kat Alano at Rafael Rosell. Pam-bagets talaga.
May ilang puna lang ako na agad kong ipinarating sa mga taga-production. Tulad ng pagpapahaba ng portion ng mga school dance showdown. Masyadong maikli ang segment na ito na di dapat dahil it will bring a lot of viewers.
Dapat ding mas mahahaba ang exposure ng dalawang host. Ganun din yung mga celebrity guests. Pwede sigurong bawasan yung mga dance numbers but make sure na yung mga featured dances ay talagang magaganda at magagaling ang mga dancers.
EClub@Studio 23 has a lot of promise and given time, magiging authority din ito sa mga bagay na pambagets, sayaw, kanta, fashion at marami pang iba.
Bagaman at ang layunin ng programa ay gamitin ang ganda ng mga babae bilang tool to promote women empowerment, hindi sinasadya ay naging madrama ang mga naging interview niya sa mga nabanggit na personalidad.
"Nagugulat na nga lang ako na mayron sa kanila na bigla na lamang umiiyak. Tulad ni Pops na talagang nag-iiyak. Makikita mo na namumugto talaga ang mga mata niya," ani Mother sa isang interview.
In his 13 yrs. on TV, halos nalibot na ni Mother Ricky ang lahat ng istasyon. Nagsimula siya sa Telearalan ng PTV 4, tapos nagpunta siya ng RPN 9 para sa Beauty School Plus hanggang sa IBC13 na kung saan ay naging Beauty Plus na lamang ito.
Sa kanyang bagong bahay, QTV 11, may mga bagong segments siya tulad ng "Life & Style" na kung saan ay magi-interview siya ng kanyang mga guests; "We Women Entrepreneur" tungkol sa livelihood projects; "Maders Mader" na kung saan ay bibigyan ng pagpapahalaga ang mga may edad nang kababaihan; Gandang Ricky Reyes, mga fashion and hairstyle at beauty tips ng mga kabataan at ang "Maders Heart," isang public service portion.
"Walang gaanong kasabay na pelikula, bagong sweldo ang mga tao at natapat pa sa araw na walang pasok. O di ko ba matatawag na swerte yan? Dapat nga next year pa ito maipapalabas, pero dahilan sa may mga pelikula na umatras kung kaya nabigyan kami ng pagkakataon na makapasok," ani Bearwin na nagsabing ang pagiging bida niya sa Hari ng Sablay ay di hadlang para tumanggap siya ng mga minor o character roles. "Mahirap ang buhay ngayon. Basta maganda and project bat ako tatanggi? At saka payag pa rin akong mag-sidekick muli," dagdag pa niya.
Kapareha niya sa Hari ng Sablay si Rica Peralejo at kasama pa rin sina Tuesday Vargas, Nadine Samonte, JayR at marami pang iba, sa direksyon ni Mac Alejandre.
May ilang puna lang ako na agad kong ipinarating sa mga taga-production. Tulad ng pagpapahaba ng portion ng mga school dance showdown. Masyadong maikli ang segment na ito na di dapat dahil it will bring a lot of viewers.
Dapat ding mas mahahaba ang exposure ng dalawang host. Ganun din yung mga celebrity guests. Pwede sigurong bawasan yung mga dance numbers but make sure na yung mga featured dances ay talagang magaganda at magagaling ang mga dancers.
EClub@Studio 23 has a lot of promise and given time, magiging authority din ito sa mga bagay na pambagets, sayaw, kanta, fashion at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended