Aiai, di apektado ni Pokwang!
November 9, 2005 | 12:00am
Ayaw patulan ni Aiai delas Alas ang isyung naungusan na siya ng bagong komedyanang si Pokwang sa ABS-CBN dahil kaliwat kanan ang shows nito, samantalang siya ay dalawa lang at sabit pa siya sa isa.
"Okey lang yun, mabait at magaling naman si Pokwang, panahon niya ngayon.
"Hindi ako affected kasi naranasan ko rin naman dati yung nararanasan niya ngayon, masasabi ko lang, pagdating ng araw, mararanasan din niya yung pakonti nang pakonti na lang ang shows niya.
"Di ba ako noon, halos laman ako ng telebisyon, tapos bigla akong nawala for three months, tapos ngayon, tuwing Sabado na lang ako napapanood," magandang paliwanag ni Ms. A.
Niliwanag din niya na hindi sila magka-away ni Pokwang at mabait naman daw sa kanya ang baguhang komedyana kaya wala rin daw siyang masamang tinapay dito at "I wish her all the best," sambit ni Aiai.
Ayaw patulan ni Joy Cancio ang isyung lumalaki na ang ulo ng mga alaga niyang Sex Bomb dancers dahil may mga sarili na raw itong TV shows tulad ng top rater na Daisy Siete.
May mga reklamo raw kasi ang ibang staff ng programa na pinagge-guest-an ng Sex Bomb na pasaway sila at nali-late pa sa itinakdang call time.
Paliwanag ni Ms. Joy ay matagal ng isyu iyon sa mga singers at dancers niya, paulit-ulit na lang at hindi naman totoo.
"Maniniwala lang ako kung may pruweba silang na-late nga ang mga alaga ko o kung ano ang inarte nilang ginawa, kasi ako, pinagsasabihan ko sila parati at sumusunod naman nila. Hindi ko sila pagtatakpan kung may mali sila, pero kung sadyang ginagawan lang ng isyu, e, mali naman po yun," malumanay na paliwanag sa amin ng manager ng SexBomb.
At dahil top rater ang Daisy Siete ay nakaisip uli ng magandang concept si Joy na ipapamalas ng Sex Bomb dancers ang kaalaman naman nila sa ibat ibang latest dance craze ngayon na sasabayan pa ng pagbibigay ng mga bagong technique ng tamang exercises na bagay sa mga babaeng conscious sa kanilang katawan at sa mahihilig ding sumayaw.
Matagal na itong nabanggit sa amin ni Joy na sa GMA 7 ipalalabas, pero nung launching ng QualiTV ay sa Channel 11 pala ito na may titulong Lets Get Aww, na co-prod ng QualiTV at ng Focus Entertainment na pag-aari mismo ng manager ng Sex Bomb. REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended