Binastos kami sa Dencios Grill!
November 9, 2005 | 12:00am
Finally ay na-meet ko na si Sam Milby sa dressing room ng The Buzz noong Sunday. Tama ang naging impression ko sa Fil-Am Pinoy Big Brother evicted housemate. Tahimik at shy si Sam. Pero very pleasant ito. Alam mong may effort siya na maka-relate sa mga kausap niya. Aminado si Sam na hirap siyang umintindi ng Tagalog. Kahit magsalita ay nahihirapan siya.
"But I am slowly learning the language," sabi nito.
Noong Sunday din nagkaroon ng kaguluhan sa studio ng The Buzz. Punum-puno ang Studio 4 ng ABS-CBN. Hindi magkamayaw ang tao sa pagkuha ng photo ni Sam.
"Ngayon lang nangyari ang ganito kagulo," sabi ni The Buzz executive producer. "Sikat talaga si Sam. Superstar ang treatment sa kanya ng tao."
Ngayong nakalabas na si Sam sa Big Brother house, tiyak na sunud-sunod ang mga projects niya. Ang alam ko, una siyang pipirma sa Star Records. Yes, isa talagang dream ni Sam ay ang maging isang singer. In fact, yung song na ginawa niya habang nasa Big Brother house at siyang iri-release na ng Star Records.
Hindi ko pa kumpirmado pero balitang magiging videojock din siya ng MYX (ang music cable channel ng ABS-CBN). At papayag ba naman ang Star Cinema na hindi ito gumawa ng pelikula sa kanila?
Sa nakita kong mainit na pagtanggap ng publiko kay Sam, ABS-CBN now has a new superstar. Si Billett Sanggalang ang in-assign ng ABS-CBN na handler ni Sam. While he is being co-managed by ABS-CBN and Eric Raymundo.
Nag-react ang isang malapit kay Bea Alonzo sa isyu na boyfriend na nito si Mico Palanca. Kahit si Bea raw ay hindi rin nagustuhan ang nasulat.
"Believe me, its not true," sabi ng isang malapit kay Bea. "Hindi namin alam kung saan nanggaling ang balita. Dahil sa totoo lang, hindi naman nagkikita sina Bea at Mico. In fact, after nong promo ng Dreamboy, hindi na sila nagkita. Kaya imbento ang balitang yon."
Kahit si Bea daw ay nagulat sa isyu. Nag-react na rin ang mga fans ni Bea.
"Paano mangyayari yon, e walang time mag-entertain ng suitors si Bea? Kaya malabo ang balitang yon," sabi ng kausap ko.
Baka naman gusto lang pag-usapan ni Mico kaya nagpapapansin ito?
Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako muling pupunta sa Dencios Grill (katabi ng Gerrys Grill near ABS-CBN). Ito ay dahil sa hindi magandang experience ko at mga kasama ko nang minsang magpunta kami.
Kasama ang mga kaibigang sina Jojo Saguin (TV director), Joel Siervo (executive producer) at Chiqui Lacsama (segment director) ay nagkayayaan kami sa Dencios. A little past 12 midnight, sinabihan kami na last call na raw (both sa food at drinks). So um-order kami ng kaya naming i-consume. Hindi pa man dumarating ang mga in-order naming food at drinks, dumating na ang bill namin.
Hindi tama na ibigay ang bill kung hindi ito hinihingi. Ang katuwiran ng server (at instruction daw ng kanilang supervisor), nag-last call na raw kasi.
So kahit nainsulto, binayaran namin ang bill. Nang humingi kami ng yelo para sa iniinom namin, we were told na wala na raw yelo. Tama ba naman yon? Paano mo iininumin yon? The height ng kabuwisitan na yon.
Hindi pa man kami nakakaalis ng venue, nagkalat na ang mga nagwawalis at naglilinis ng floor. Sana ay kami na ang huling grupo na mababastos ng staff crew ng Dencios Grill.
Tapos magrireklamo sila na wala silang customer? Ayusin nila ang serbisyo nila, noh! Sa Gerrys Grill na lang kami. Mura na, hindi ka pa mababastos.
"But I am slowly learning the language," sabi nito.
Noong Sunday din nagkaroon ng kaguluhan sa studio ng The Buzz. Punum-puno ang Studio 4 ng ABS-CBN. Hindi magkamayaw ang tao sa pagkuha ng photo ni Sam.
"Ngayon lang nangyari ang ganito kagulo," sabi ni The Buzz executive producer. "Sikat talaga si Sam. Superstar ang treatment sa kanya ng tao."
Ngayong nakalabas na si Sam sa Big Brother house, tiyak na sunud-sunod ang mga projects niya. Ang alam ko, una siyang pipirma sa Star Records. Yes, isa talagang dream ni Sam ay ang maging isang singer. In fact, yung song na ginawa niya habang nasa Big Brother house at siyang iri-release na ng Star Records.
Hindi ko pa kumpirmado pero balitang magiging videojock din siya ng MYX (ang music cable channel ng ABS-CBN). At papayag ba naman ang Star Cinema na hindi ito gumawa ng pelikula sa kanila?
Sa nakita kong mainit na pagtanggap ng publiko kay Sam, ABS-CBN now has a new superstar. Si Billett Sanggalang ang in-assign ng ABS-CBN na handler ni Sam. While he is being co-managed by ABS-CBN and Eric Raymundo.
"Believe me, its not true," sabi ng isang malapit kay Bea. "Hindi namin alam kung saan nanggaling ang balita. Dahil sa totoo lang, hindi naman nagkikita sina Bea at Mico. In fact, after nong promo ng Dreamboy, hindi na sila nagkita. Kaya imbento ang balitang yon."
Kahit si Bea daw ay nagulat sa isyu. Nag-react na rin ang mga fans ni Bea.
"Paano mangyayari yon, e walang time mag-entertain ng suitors si Bea? Kaya malabo ang balitang yon," sabi ng kausap ko.
Baka naman gusto lang pag-usapan ni Mico kaya nagpapapansin ito?
Kasama ang mga kaibigang sina Jojo Saguin (TV director), Joel Siervo (executive producer) at Chiqui Lacsama (segment director) ay nagkayayaan kami sa Dencios. A little past 12 midnight, sinabihan kami na last call na raw (both sa food at drinks). So um-order kami ng kaya naming i-consume. Hindi pa man dumarating ang mga in-order naming food at drinks, dumating na ang bill namin.
Hindi tama na ibigay ang bill kung hindi ito hinihingi. Ang katuwiran ng server (at instruction daw ng kanilang supervisor), nag-last call na raw kasi.
So kahit nainsulto, binayaran namin ang bill. Nang humingi kami ng yelo para sa iniinom namin, we were told na wala na raw yelo. Tama ba naman yon? Paano mo iininumin yon? The height ng kabuwisitan na yon.
Hindi pa man kami nakakaalis ng venue, nagkalat na ang mga nagwawalis at naglilinis ng floor. Sana ay kami na ang huling grupo na mababastos ng staff crew ng Dencios Grill.
Tapos magrireklamo sila na wala silang customer? Ayusin nila ang serbisyo nila, noh! Sa Gerrys Grill na lang kami. Mura na, hindi ka pa mababastos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended