Manager pa rin ni Hero ang no. 1 na problema niya
November 8, 2005 | 12:00am
Sampung libong piso pataas ang hinihinging talent fee raw ng tumatayong manager ni Hero Angeles na si Henry Angeles sa GMA tv guestings nito kapag live episode, pero kung taping na ay beinte mil pataas at kinakagat naman daw ito ng ibang programa dahil naawa raw sila sa bagets na ngayon lang daw uli nagkakaroon ng hanapbuhay sa telebisyon matapos siyang i-release ng ABS-CBN Star Magic.
At dahil nag-demand daw ng mataas na tf ang kuya Henry ni Hero sa isang staff ng programa kayat napilitan daw na palitan siya sa line-up.
"Marami kasing requests na i-guest si Hero sa show namin, kasi knows naman ng lahat na nanggaling siya sa Dos, so isinama namin siya sa line-up, nung pinatawagan ko na siya sa talent coordinator ko, nairita ako kasi bukod sa mataas yung tf niya, ang dami pa raw tanong nung Henry, may mga demands pa, kasi busy daw si Hero, may pasok, e, hindi ko yata keri ang mga ganung drama.
"Marami na akong nai-guest na malalaking artista at hindi naman kami nahirapang makipag-usap sa managers nila, ayoko sanang maniwala sa mga naririnig ko at nababasa ko, e, na-experience ko na, totoo palang mahirap ka-deal yung kuya ni Hero. Sayang naman yung bata, nasisira ang career dahil sa kuya niya. Hindi ba ito naiisip ni Hero na maraming opportunities ang nawawala sa kanya dahil sa kuya niya? Imagine, pati pala si Tito Alfie Lorenzo, galit na sa kanya?" paliwanag sa amin ng TV executive.
Samantala, gaano katotoo na may ilang managers ng mga sikat na youngstars ang kumakausap sa mga executives ng mga programa ng GMA 7 na kapag ni-regular daw ng management si Hero ay hindi raw nila papayagan ang kanilang mga talent na maka-trabaho ang young actor? Ayaw naman naming isiping insecure ang mga nabanggit na talent managers kay Hero dahil bakit may ganun silang thinking?
Anyway, maganda ang itinalang ratings ni Hero sa Sis nung mag-guest siya sa live episode last Wednesday, 14.4% samantalang ang Home Boy ay 9.8% lang.
Kinagat ng viewers ang concept na Hero siya ng mga "Bayaning Aso" dahil siya ang nag-award sa mga ito. REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended