Angelica, nagpatanggal ng nunal!
November 6, 2005 | 12:00am
Malinis na malinis na ang mukha ni Angelica Jones ayon kay Mommy Beth dahil tinanggal na ang tatlong nunal nito sa mukha. Naniniwala pala ang aktres sa kasabihan na kapag may nunal sa tuluan ng luha ay magiging sawimpalad sa pag-ibig o kung may asawa naman ay madaling mababalo. Pati ang dalawang katabing nunal ay pinaalis na rin niya kay Dra. Vicki Belo.
Natutuwa ang aktres dahil ang Chowtime Na ay mataas na ang rating at katunayan ay may papremyo na silang Sarao jeepney this January sa kagandahang loob ni William Lim.
Tumawag sa amin ang manager ni Mahal na si Ramon Yuson para ipaliwanag ang kanyang side sa naglalabasang intriga laban sa kanya.
"Tita, mali po yung paratang nila na noong maimbitahan si Mahal sa kapistahan sa Nueva Ecija sa paanyaya ni Cristy Fermin ay tatlong libo lang daw ang ibinigay ko sa kanya. May pinirmahan si Mahal na natanggap niya yong 7,000 mula sa kabuuang halagang 10,000 at 3,000 naman ang nakuha kong komisyon (30%). Kahit sa mga shows sa Japan nitong bandang huli ay dumidiretso na sila kay Joed. Pagpupunta ng Japan ay kasama ni Mahal ang amang si Romy Tesorero nang walang paalam sa akin. May existing contract kami hanggang 2007," anang Ramon.
Ipinaliwanag pa rin nito na noong una ay naaawa siya kay Mahal kaya hindi itinuloy ang demanda laban sa kanila dahil may pinagsamahan naman sila.
"Tuwing tumatawag ako sa bahay nila ay laging nakasigaw ang tatay nito at sasabihan ako ng "Anong problema mo?" Kahit si Mahal nakabulyaw din at sasabihing "Ayaw makipag-usap sa iyo ng tatay ko." Kaya naaawa na rin ako sa aking sarili at pakiramdam ko ay wala silang respeto. Kaya idedemanda ko na sila. May tatlong taping ako para kay Mahal at ibang shows pero tinatanggihan ni Mahal," sey pa nito.
Balik-hosting ang magandang si Champagne Morales. Co-host siya ni Manny Pacquiao sa Sports Idol sa Channel 13. Ang initial telecast nito ay sa Nobyembre11, 6-7PM.
Excited na ito dahil makakasama niya ang iniidolo ng masa at paborito rin niyang si Manny.
"Hes a gentleman, matulungin siya, malambing at very funny kaya lagi kaming masaya sa set. Kapag pinagkakaguluhan siya sa mga iskwelahan ay sinasabi niyang ako ang talagang pinagkakaguluhan ng mga estudyante kaya nakakataba ng puso, di ba?" aniya.
Sa kasalukuyan ay writer siya at account manager ng People Asia Magazine kung saan nag-o-organize din ito ng mga events, at sumusulat pa ng scripts.
Abala ito ngayon sa teatro at may stageplay na Ibong Adarna bilang magical bird at bilang si Princesa Maria kasama si Sherwin Ordoñez.
Ibang klase pala kung magalit ang isang sexy actress, nagmumura ito. Minsan ay magkasama sila ng kanyang boyfriend sa isang pamosong beach at habang naglalakad ay nagtatalo sila. Ayaw magpatalo ng sexy actress at panay malalaswang salita at mura ang pinakakawalan nito. Hindi man lang nahiya habang pinagtitinginan sila ng mga taong nakaupo sa tabi ng beach.
Controversial ang sexy actress dahil napapaaway ito sa mga kasamahan sa grupo.
Natutuwa ang aktres dahil ang Chowtime Na ay mataas na ang rating at katunayan ay may papremyo na silang Sarao jeepney this January sa kagandahang loob ni William Lim.
"Tita, mali po yung paratang nila na noong maimbitahan si Mahal sa kapistahan sa Nueva Ecija sa paanyaya ni Cristy Fermin ay tatlong libo lang daw ang ibinigay ko sa kanya. May pinirmahan si Mahal na natanggap niya yong 7,000 mula sa kabuuang halagang 10,000 at 3,000 naman ang nakuha kong komisyon (30%). Kahit sa mga shows sa Japan nitong bandang huli ay dumidiretso na sila kay Joed. Pagpupunta ng Japan ay kasama ni Mahal ang amang si Romy Tesorero nang walang paalam sa akin. May existing contract kami hanggang 2007," anang Ramon.
Ipinaliwanag pa rin nito na noong una ay naaawa siya kay Mahal kaya hindi itinuloy ang demanda laban sa kanila dahil may pinagsamahan naman sila.
"Tuwing tumatawag ako sa bahay nila ay laging nakasigaw ang tatay nito at sasabihan ako ng "Anong problema mo?" Kahit si Mahal nakabulyaw din at sasabihing "Ayaw makipag-usap sa iyo ng tatay ko." Kaya naaawa na rin ako sa aking sarili at pakiramdam ko ay wala silang respeto. Kaya idedemanda ko na sila. May tatlong taping ako para kay Mahal at ibang shows pero tinatanggihan ni Mahal," sey pa nito.
Excited na ito dahil makakasama niya ang iniidolo ng masa at paborito rin niyang si Manny.
"Hes a gentleman, matulungin siya, malambing at very funny kaya lagi kaming masaya sa set. Kapag pinagkakaguluhan siya sa mga iskwelahan ay sinasabi niyang ako ang talagang pinagkakaguluhan ng mga estudyante kaya nakakataba ng puso, di ba?" aniya.
Sa kasalukuyan ay writer siya at account manager ng People Asia Magazine kung saan nag-o-organize din ito ng mga events, at sumusulat pa ng scripts.
Abala ito ngayon sa teatro at may stageplay na Ibong Adarna bilang magical bird at bilang si Princesa Maria kasama si Sherwin Ordoñez.
Controversial ang sexy actress dahil napapaaway ito sa mga kasamahan sa grupo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended