^

PSN Showbiz

The CompanY, may bagong myembro

-
Mukhang matatagalan pa ang paghihiwalay ng The CompanY, ang premyadong vocal group ng bansa, ito naman ay kung matutuloy ang paghihiwa-hiwalay nila na napabalita na nung una dahilan sa isa sa kanila ay mangingibang bansa na at ang isa pa ay nakatakdang mag-solo.

Mayro’n pang ipo-promote na album mula sa Viva Records ang grupo, ang "The CompanY–The Anthology", isang pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng grupo. Pupunta pa sila sa mga malls, Nob.12, The Podium, Nob. 19, SM Valenzuela, Nob. 20, SM Megamall at Nob. 26, SM Bicutan. Lahat ng palabas ay magsisimula sa 4NH matangi sa The Podium na magsisimula sa 8NG.

Makakasama ng The CompanY ang bago nilang myembro na si Jay Marquez na unang nakilala ng publiko nung nakaraan nilang konsyerto sa CCP kaugnay ng kanilang anibersaryo.
* * *
Di na mapipigilan pa ang pag-angat ng career ni Kitchie Nadal, tinataguriang Pop Rock Princess ng bansa.Tumanggap na siya ng Double Platinum Record Award para sa outstanding sales performance ng kanyang self-titled debut album sa ilalim ng 12 Stone Records at Warner Music Phils.

Dahil sa ganda ng kanyang album, nakatanggap ito ng walong nominasyon sa
Awit Awards. Pati ang talino ni Kitchie bilang songwriter at producer ay kinilala rin, nakatanggap siya ng pitong nominasyon.

Kabilang sa napanalunan niya ay ang
Best Performance By A Female Recording Artist, Best Ballad para sa kanta niyang "Wag Na Wag Mong Sasabihin", Best Live Performance by A Female and Most Promising Female Entertainer.

May lumabas na limited edition CD ng kanyang album na kasama ang kanyang latest single na "Pangarap Ko" at ang cover version niya ng "Pagsubok" na unang pinasikat ng
Orient Pearl.

Tinanggap din niya this year ang
MTV Chart Attack Award at Nickelodeon Pinoy Wannabe Kids Choice Award.
* * *
May grand celebration ang Club Mwah bilang pagdiriwang ng kanilang first anniversary. Iniimbita nila ang lahat nilang mga clients and "suki" na panoorin ang kanilang holiday presentation titled Bedazzled 3 simula sa Nob. 11.

Ang Club Mwah ay pinatatakbo ng partnership nina Pocholo Mallilin who takes care of the administrative side and Cris Nicolas na siyang artistic director and choreographer par excellence ng lugar.

Hindi lamang ang magandang lugar, ang magaling na choreography ng mga musical presentation ng Club Mwah ang dinadayo ng mga manonood kundi maging ang makukulay nitong costume, huwag nang sabihin pa ang magaling na performance ng mga Club Mwah talents na hindi na bagito sapagkat nakapag-perform na sila sa maraming sulok ng mundo.
* * *
Ngayon pa lamang ako makakapag-pasalamat sa Corporate PR ng ABS CBN (Maloli Espinosa, Leah Salterio at Peachy Quioguio) na nagdala sa ilang mga entertainment editors (kasama na ako) para sa isang overnight stay sa White Rock sa Subic, Zambales kamakailan lamang.

Dun pa kami dumayo para mapanood ng sabay-sabay yung eviction night ng Pinoy Big Brother. At totoo nga na marami ang nanonood ng programa dahil karamihan ng TV sets sa White Rock Hotel ay dun nakatuon. Pati yung dalawang girls na nagmamasahe sa amin ni Manay Ethel Ramos ay nanonood habang nagmamasahe.

Nabundat yata kami nina Dindo Balares, Ghie Trillana, Jo Cesar, Mario Hernando, Butch Roldan, sa kakakain at kakainom ng buko at mga juices. Buhay reyna at hari talaga kami. Sarap pala ng ganun. Muli, salamat kina Maloli, Leah at Peachy. Sa uulitin po.

A FEMALE

ANG CLUB MWAH

AWIT AWARDS

BEST LIVE PERFORMANCE

BEST PERFORMANCE BY A FEMALE RECORDING ARTIST

BUTCH ROLDAN

CHART ATTACK AWARD

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with