Movie loveteams
November 5, 2005 | 12:00am
Bibihira sa magka-loveteam ang nagkakatuluyan sa tunay na buhay. Magka-loveteam noon sina Nora Aunor at Tirso Cruz III pero sa ibang partner sila nag-end. Si Guy (Nora) kay Christopher de Leon at si Pip (Tirso) naman kay Lyn Ynchausti. Si Vilma Santos naman ay ka-loveteam noon ni Edgar Mortiz pero kay Edu Manzano nagpakasal si Vi at si Bobot (Edgar) naman ay napunta sa younger sister nina Charo at Malou Santos na si Millet. Maging si Maricel Soriano na ang ka-loveteam noon ay si William Martinez ay hindi rin nagkatuluyan. Si Maricel ay nagpakasal sa ex-husband ni Vilma Santos na si Edu Manzano at si Vi naman ay muling nag-asawa at nagpakasal kay Sen. Ralph Recto. Si William naman ay nagpakasal kay Yayo Aguila. Magka-loveteam din noon sina Susan Roces at Eddie Gutierrez sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Pero si Fernando Poe, Jr. ang napangasawa ni Swanie at kay Annabelle Rama naman nagpakasal si Eddie. Maging ang tambalan noon nina Nida Blanca at Nestor de Villa at sa ibang partner din nauwi ganoon din sina Gloria Romero at Luis Gonzales. Magka-loveteam din noon at magkasintahan sa tunay na buhay sina Snooky Serna at Albert Martinez. Pero si Snooky ay napunta kay Ricardo Cepeda at si Albert naman ay nagpakasal kay Liezl Sumilang. Hindi rin sina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta ang nagkatuluyan sa tunay na buhay. Si Harlene Bautista ang nakatuluyan ni Romnick habang ang San Francisco-based na si Norman Bustos naman ang napangasawa ni Sheryl. Hindi rin si Janno Gibbs ang nakatuluyan ni Manilyn Reynes kundi si Aljon Jimenez habang si Bing Loyzaga naman ang napangasawa ni Janno.
Ilan naman sa mga loveteams noon na nagkatuluyan sa tunay na buhay ay sina Pancho Magalona at Tita Duran, Amalia Fuentes at Romeo Vasquez, Perla Adea at Romy Mallari, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at iba pa.
May mga tambalan na tanggap ng publiko kahit wala silang relasyon sa tunay na buhay tulad noon nina Hero Angeles at Sandara Park na ang tunay na kasintahan ay si Joseph Bitangcol. Tanggap din ang tambalang Angel Locsin at Richard Gutierrez. Si Oyo Boy Sotto ang boyfriend ni Angel at ang commercial model na si Georgina Wilson naman ang kay Richard. Nariyan din sina Mike Tan at LJ Reyes at sina Ryza Cenon at CJ Muere. Malakas din ang tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual pero si Ryan Agoncillo ang nagpapatibok ng puso ngayon ni Juday at may balitang si Toni Gonzaga umano ang gustong pormahan ni Piolo. Nung unang pumatok ang tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, si Ciara Sotto ang kasintahan noon ni John Lloyd pero hiwalay na sila ngayon.
Dahil sa dalas ng pagsasama ng magkaka-loveteam sa trabaho, nagkaka-debelopan ang mga ito pero hindi ito guaranty na sila ang magkakatuluyan sa tunay na buhay at kung magkatuluyan man, kadalasan ay nauuwi sa hiwalayan.
Matagal-tagal ding panahong namayagpag sa ere ang Beauty School Plus ng beauty and salon czar na si Ricky Reyes sa RPN-9 at pagkaraan ng maraming taon, panahon na para matunghayan sa Gandang Ricky Reyes, na regular na mapapanood tuwing araw ng Linggo, 10-11NG umaga sa bagong bukas na QTV-11 na sister station ng GMA-7.
E-mail: [email protected]
Ilan naman sa mga loveteams noon na nagkatuluyan sa tunay na buhay ay sina Pancho Magalona at Tita Duran, Amalia Fuentes at Romeo Vasquez, Perla Adea at Romy Mallari, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at iba pa.
May mga tambalan na tanggap ng publiko kahit wala silang relasyon sa tunay na buhay tulad noon nina Hero Angeles at Sandara Park na ang tunay na kasintahan ay si Joseph Bitangcol. Tanggap din ang tambalang Angel Locsin at Richard Gutierrez. Si Oyo Boy Sotto ang boyfriend ni Angel at ang commercial model na si Georgina Wilson naman ang kay Richard. Nariyan din sina Mike Tan at LJ Reyes at sina Ryza Cenon at CJ Muere. Malakas din ang tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual pero si Ryan Agoncillo ang nagpapatibok ng puso ngayon ni Juday at may balitang si Toni Gonzaga umano ang gustong pormahan ni Piolo. Nung unang pumatok ang tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, si Ciara Sotto ang kasintahan noon ni John Lloyd pero hiwalay na sila ngayon.
Dahil sa dalas ng pagsasama ng magkaka-loveteam sa trabaho, nagkaka-debelopan ang mga ito pero hindi ito guaranty na sila ang magkakatuluyan sa tunay na buhay at kung magkatuluyan man, kadalasan ay nauuwi sa hiwalayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended