^

PSN Showbiz

Maraming bawal kay Manny

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Marami palang bawal sa pagkain kay Manny Pacquiao na ngayon ay isa na ring TV host via Manny Pacquiao Sports Idol na malapit nang mapanood sa Channel 13.

Hindi siya pwedeng kumain ng baboy dahil nagpapahina pala ito ng kanyang resistensya. Maaari siyang kumain ng isda, gulay o manok. Kahit latagan ito ng litson ay ni hindi niya ginagalaw kahit isang piraso ng malutong na balat.

Bawal din dito ang malamig na tubig dahil nagpapahina naman ng resistensiya sa tiyan. Kaya lagi itong may baong mineral water.

Kaya sa isang araw ay pwede itong magbawas ng timbang (10 lbs.) dahil sa dami ng mga activities na ginagawa gaya ng pagsasanay sa boxing, gymnastics, jogging sa umaga at marami pang iba.

Ano ang pangarap nito para sa dalawang anak na lalaki? Gusto ba niyang maging boksingero rin ang mga ito gaya niya?

"Kung talagang gusto nila ay pababayaan ko sila. Pero pagtatapusin ko muna sila ng pag-aaral. Pero kung ako ang masusunod, ayaw ko silang maging boksingero," aniya.

Victor, Nagtapos Ng College


Personal choice ni Direk Carlo Caparas si Victor Neri para maging kaaway ni Jericho Rosales sa Panday. Nagagalingan kasi siya pagdating sa pagiging kontrabida nito.

Sa kabilang banda, sinabi ni Victor na malaking karangalan na mapasama siya sa Panday. Matagal-tagal na ring di siya gumagawa ng maaksyong fantaserye. May kaalaman din ito sa martial arts.

Tapos na pala ng Liberal Arts (History) ang aktor sa University of the Pacific. Naniniwala siyang hindi stable ang pag-aartista.
25th Anniversary Ni Sto. Niño Sa Maragondon
Naging makabuluhan ang aming araw noong Linggo dahil naanyayahan kami ng aming kaibigang si Azucena Somoza para sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng kanyang alagang milagrosong si Sto. Niño o Nonoy na tawag ng mga tagaroon sa Maragondon, Cavite. Si Zeny ang tagapag-alaga ng imahen na ngayon ay malaki na. Dinarayo ito ng mga tao dahil napagagaling ang mga sakit nila. Katunayan, ang mga damit na suot ni Sto. Niño ay regalo ng mga mayayamang napagaling nito.

Kahit pagkahaba-haba ng prusisyon ay hindi kami napagod at naging magaan pa nga ang aming pakiramdam.

Nasaksihan namin ang ilang milagro ng Sto. Niño noong minsang idating ito sa aming bahay ilang taon nang nakalilipas para manggamot si Zeny at mga kasamahan. Sa maniwala kayo o hindi ay kakaibang bango ang naamoy ng lahat sa buong kabahayan namin gayung puro dahlia ang nakatanim sa aming hardin noon.

May ilan namang deboto nito na kaagad nawawala ang sakit ng ulo, tiyan o pagkahilo kapag pinahiran ng langis ng niyog na ginagawa nina Zeny.

May kapilya si Sto. Niño sa Maragondon na dinarayo ng mga tao.
‘Wallace & Gromit’
Ang naging number one movie sa Amerika sa weekend debut nito ay kasalukuyang umaakit din ng mga manonood sa Metro Manila dahil sa kakaibang adventure comedy nito na hango sa serye ng short films na pinagbidahan ng imbentor na si Wallace at alaga niyang aso na si Gromit.

Pinamagatang Wallace & Gromit (The Curse of the Were-Rabbit), ito ang pinakahihintay na first full-length feature ng napakasikat na tambalang nagmula sa England at unti-unting nakilala sa buong mundo sa loob ng 16 na taon.

Release sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Blind Item: Kailangang Mapansin Ang Suot Na Sapatos
Hindi kuntento ang sikat na aktres kapag hindi muna papansinin ang suot niyang sapatos lalo na kung bago itong bili.

Minsan ay kausap siya nang kausap sa isang kaibigan pero hindi napapansin ang suot niyang sapatos. Kaya gumawa ito nang paraan para mapansin ang sapatos niya sa pamamagitan ng madalas na pagyuko at pagtingin sa kanyang sapatos.

Hanggang mapansin ito ng kausap.

"Ay salamat, napansin din ang sapatos ko," sabi ng actress-TV host.

ANNIVERSARY NI STO

AZUCENA SOMOZA

GROMIT

KAYA

STO

WALLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with