^

PSN Showbiz

Noli Me Tangere, ginawang musical

- Veronica R. Samio -
Pagkatapos niyang mag-concert ng sunud-sunod para kay Kuya Germs na itinuturing niyang pangalawang ama, isang musical naman ang sinasabakan ni Jon Joven na hindi nalalayo sa mga musical na ginawa niya ng maraming taon sa Germany na ang pinaka-highlight ay ang pagganap ng lead role ng the Engineer sa Miss Saigon.

Isang maipagkakapuring tenor si Jon Joven na nagsimula ng kanyang career bilang myembro (Thursday edition) ng That’s Entertainment. Isang sorpresa sa kanyang mga kasamahan sa That’s... ang pagkakapasok niya sa musical stage. Hindi sukat akalain ng lahat na magiging isa siyang mahusay na singer, isa sa maituturing na pinaka-mahusay sa kanyang henerasyon ngayon.

Ginagampanan niya ang role ni Crisostomo Ibarra sa musical nina Ryan Cayabyab at Bienvenido Lumbera, ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Mapapanood ito sa Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater) sa Nobyembre 11, 12, 18, 19, Disyembre 2 at 3, 8NG at Nob. 12, 13, 19, 20, Disyembre 3 at 4, 3NH.

Makakasama ni Jon Joven sa nasabing palabas sina Arnold Reyes, Angela Bayani, Lena McKenzie, Princess Virtudazo at marami pang iba. Direksyon ni Paul Morales, musical direction ni Jed Belsamo, choreography ni Bunny Brendia.

Maaaring tumawag sa Tanghalang Pilipino 8323661/8321125 loc. 1620/1621/ 0920 9535419 at Ticketworld 8919999.
* * *
Gusto nilang sumikat tulad ng iniidolo nilang Streetboys. Obviously, matutupad nila ito sapagkat nakakaisang taon pa lamang sila pero, in demand na sila sa maraming palabas ng dalawang networks, ang ABS CBN at GMA bagaman at regular sila sa ASAP Fanatics at Homeboy.

Sila ang D’Freemales, inilunsad nung Oktubre 17, 2004 at mayro’ng 13 myembro. Nasa pangangalaga sila ni Josh Valdez, myembro ng grupong Big Men, isa pa ring popular na dance group. Si Josh din ang choreographer ng grupo.

Isa pa ring nag-aalaga sa grupo ay ang hair and make-up icon na si Bambbi Fuentes, ang D’ Freemales din ang mga image models ng salon ni Bambbi.

Ang D’Freemales ay binubuo nina Ronnie Peralta (5’7"), John Rickson Duhig (5’9"), Ronald Remogat (5’9"), Randy Tayco (5’8"), Ramir Novela (5’7"), Carlo Sagun (5’7"), Brix Gamboa (5’9"), Jayson Busa (5’9"), Allan Imbat (5’7"), Robby Escano (5’9"), Jojo Perez (5’8"), Teejay Bundalian (5’10") at Harry Bernal (5’9).
* * *
Nagsisimula nang gumawa ng pangalan ang bandang The Members, ng Dyna Music, dahilan sa mabilis na pagsikat ng kanilang self-titled debut album na ang carrier single na "Eddie" ay mabilis marinig sa mga FM stations.

Ang grupo ay binubuo nina Rey Nunez (vocals/rhythm guitar/keyboards), Voltaire Gumban (drums), Jan-Michael Gonzales (acoustic/electric/bass guitar) at Rod Mijares (lead guitar).

Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Huwag Na Lang", "I Know I Know", "Hey Listen", "Hindi Ito Love Song", "Mukha Mo", "Ikaw Lang", "Ngingiti Lamang" at marami pang iba.

ALLAN IMBAT

ANG D

ANGELA BAYANI

ARNOLD REYES

BAMBBI FUENTES

BIENVENIDO LUMBERA

BIG MEN

FREEMALES

JON JOVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with