^

PSN Showbiz

Nakakatawang Mano Po 4

- Veronica R. Samio -
Kung akala n’yo ay huling kabanata na ng Mano Po ang episode na pinangunahan nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Jay Manalo dahil ito ang sinabi ni Mother Lily nang kinukuha niya ang serbisyo ng Mayor ng Lipa at Star For All Seasons, hindi pala at nagbago siya ng isip. May ika-apat na episode ang Mano Po na dinidirek din ni Joel Lamangan. Ito ang Ako Legal Wife, isang comedy kumpara sa tatlong nauna na pawang mga drama lahat.

Pinangungunahan nina Zsazsa Padilla, Cherry Pie Picache at Rufa Mae Quinto ang pelikula ng tungkol sa tatlong babae na pawang nagsasabing asawa sila ng mayamang Tsinong si Elton Chong (Jay Manalo).

Maligayang namumuhay ang mag-asawang Chona Chong (Zsazsa) at Elton kasama ang kanilang tatlong anak (John Prats, Julianne Lee at Ella Guevara) nang marinig ni Chona na may affair ito sa isang brainy Visayan Chinese na si Patty (Cherry Pie). May isa silang anak (JC de Vera). Binalak niyang komprontahin si Patty pero, bago niya ito nagawa ay nadiskubre niya na may isa pang mistress (Rufa Mae) si Elton.

Magulo? Parang, pero, ang sigurado nakatutuwa ito lalo na nang magladlad na ng saya ang anak na lalaki ni Chona kay Elton na si Hamilton ( John). Sa takot ni Chona na ang gawing heredero ng Tsinoy ay ang anak nitong lalaki kay Patty na si Nixon (JC), minabuti ni Chona na gawing lalaki ang anak. Pina-date niya ito sa seksing si Trixia (Bianca King).

Sino sa talo ang legal na asawa ni Elton? Ito kaya ang piliin at samahan niya sa huli?
* * *
Nanalong Religious Album of the Year sa katatapos na Catholic Mass Media Awards ang "The Joys of Healing" ng Star Recording Inc. na pinrodyus ni Armi Araojo na isang cancer survivor. Tampok ang mga boses ng maraming Backroom artists at nagtataglay ng mga dasal at words of wisdom mula kay Rio Diaz-Cojuangco.

Laman ng album ang "The Joys of Healing" at "Walang Kasingsaya" ng the Company, "What Will I Do My Lord" ni Erik Santos, "My God and Me" ni Ima Castro, "Only God" ni Kim Flores, "The Best Day of My LIfe" ni Andrei Castillo, "Hope" ni Gretchen Barretto, "Most of All" ni Aiai delas Alas, "I Said A Prayer For You" ni Ayen Munji-Laurel, "Thank You For The Good Life" ni Calvin Millado, "All My Love" ni Boy Abunda at "Similar Journey" ni Raymond Bagatsing.
* * *
E-mail: [email protected]

AKO LEGAL WIFE

ALL MY LOVE

ANDREI CASTILLO

ARMI ARAOJO

CHONA

ELTON

JAY MANALO

JOYS OF HEALING

MANO PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with