^

PSN Showbiz

‘Wag sanang maapektuhan ang career nina Mark at Jennylyn’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Hindi pa rin matapos ang galit-bating drama nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Hiling ko lang sa kanilang pagkakagalit ay hindi maapektuhan ang kanilang career.
* * *
Simula na ngayong buwan ng November ang QTV o Channel 11.

Sisimulan sa istasyong ito ang mga programang para sa kababaihan. Marami na ang mga nakapilang palabas.

Magbubukas ang Channel 11 ng mas maraming oportunidad sa mga baguhan at beterano ng artista natin na wala ngayong trabaho dahil sa matumal na takbo ng ating industriya.

Ang hangarin ng QTV ay magkaroon ng palabas na may magagandang values at mai-enjoy ng bawat manonood partikular na ng kababaihan.
* * *
Napanood n’yo ba nung Sabado sa Master Showman.. Walang Tulugan ang one on one interview namin ni Sharon Cuneta?

Salamat kay Shawie dahil ginawan talaga nila ng paraan na dumaan sa show sa kabila ng hectic na schedule niya. Hindi na nga niya nagawang kumanta.

Nabanggit ni Shawie sa interview na lalabas na naman siya ng bansa upang mag-show sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Mapipigilan ba natin ang kasipagan ni Sharon. Kilala naman natin si Shawie kapag umandar ang adrenalin niya, tuluy-tuloy na. Sa taong 2006, marami rin siyang nakatakdang gawin kasama na ang pagbabalik niya sa TV.

Pinoproblema na lang ni Shawie ang kanyang timbang. Hindi raw kasi niya napigilan ang hilig niyang kumain bagama’t nagsa-South Beach Diet naman siya.
* * *
Congrats kay Vina Morales sa katatapos niyang concerts. Nagulat ang mga audience sa pinakitang showmanship ni Vina.

Tuwang-tuwa ang mga nanood ng kanyang show dahil sulit ang kanilang bayad.
* * *
Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa isyu sa pagitan nina Rudy Fernandez at Robby Tarroza.

Sa totoo lang, mahirap sagutin ang tanong na iyan. Una, parehong galing sa That’s Entertainment sina Robby at Joed Serrano. Kaibigan at kasama na nating matagal na si Rudy bilang dating president ng KAPPT.

Wala akong pinapanigan sa kanilang tatlo. Ang sa akin lang ay kailangan nilang sila mismo ang magharap at mag-usap sa tamang lugar at tamang oras.

Magpaliwanagan silang mabuti. Makinig sa bawat ipapaliwanag ng isa’t isa. Kailangan nilang magkita sa gitna. At kung talagang may pagkakamali ang isa sa kanila, aba’y dapat lamang na sila magkasundo para sa ikatatahimik ng lahat.

CENTER

JENNYLYN MERCADO

JOED SERRANO

MARAMI

MARK HERRAS

MASTER SHOWMAN

ROBBY TARROZA

SHAWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with