^

PSN Showbiz

Alex, manager ni Assunta

-
Ngayong hapon sa GMA 7, sa programang S-Files, magsasalita si Alessandra de Rossi tungkol sa pagiging manager niya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Assunta de Rossi na wala na sa ABS-CBN. Baka dahil manager siya ngayon ng kanyang nakakatandang kapatid, maungusan na siya sa kanyang career. Babalik ba ito sa GMA 7? Bakit daw nauso ang mga magkakapatid na artista na sila-sila ang nagma-manager ng isa’t isa? May gustong sabihin at ipaliwanag si Alex at sa S-Files niya ito gagawin na kung saan ay host siya with Jeremy Marquez sa isang segment, ang Helle’r.

Pagtutulungan siya ng mga main hosts ng show na sina Pia Guanio, Paolo Bediones, Richard Gomez and Joey Marquez. Bukod dito, umuusok si Alma Moreno tungkol sa mainit na pangyayari o yung issue ng airport to airport at si Rochelle Pangilinan naman sa bagong intriga sa kanya tungkol sa pagiging mermaid niya sa bagong twist ng fantaseryeng Darna.
* * *
Pagbati kay Dr. Gary S. Sy, ang pamosong manggagamot at ang GH3 medications. Siya ang Medical Director ng Life Extension Medical Center na matatagpuan sa The Garden Plaza Hotel Unit E, Gen. Luan, Paco St., Manila. Isa ring health columnist, radio broadcaster, book author tungkol sa kalusugan at nanalong broadcaster-host at ang kanyang programang Gabay Sa Kalusugan sa DZMM, sa nakaraang CMMA bilang Best Educational Health Program 2005.
* * *
Pasasalamat ng katotong Ross F. Celino ng Bolinao, Pangasinan at Quezon City at isang well respected entertainment columnist sa mga taong nakiramay sa kanila sa panahon ng pagdadalamhati sa pagyao ng kanyang anak na si Victor Celino kamakailan, isang layout artist ng isang sikat na movie magazine. – LGC

vuukle comment

ALMA MORENO

BEST EDUCATIONAL HEALTH PROGRAM

DR. GARY S

GABAY SA KALUSUGAN

GARDEN PLAZA HOTEL UNIT E

JEREMY MARQUEZ

LIFE EXTENSION MEDICAL CENTER

MEDICAL DIRECTOR

PACO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with