Mark, never dumalo sa mga ispesyal na okasyon ni Jennylyn!
October 30, 2005 | 12:00am
Nakakwentuhan ko si Jennylyn Mercado at inamin nito na isang buwan na silang walang komunikasyon ni Mark Herras after ng break nila. Kapag nagkikita ang dalawa sa SOP tuwing Linggo ay hindi siya binabati o binibeso-beso man lang ng aktor.
"May posibilidad bang magkabalikan kayo ni Mark?" tanong namin kay Jennylyn.
"Tita, natauhan na po ako at ayaw ko nang makipagbalikan sa kanya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon at gusto kong mag-concentrate sa aking career. Kahit naman Pasko o Bagong Taon ay never ko siyang nakasama dahil hindi man lang siya dumadalaw sa aming bahay sa mga importanteng pagdiriwang. Kapag may special occasion ay pinipilit niyang mag-away kami para hindi siya makadalo sa aming pagdiriwang. Ngayon ko na-realize na hindi niya ako talaga mahal," sey ng aktres.
Sinabi pa rin nito na hindi na siya umiiyak ngayon at naka-recover na dahil may mga kaibigan siyang nakakasama sa mga gimikan gaya nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
Isa sa mga programang mapapanood sa QTV ay ang Womens Desk hosted by Rhea Santos. Napapanahon ang programa dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng proteksyon ang mga bata at mga kababaihan lalo na ang mga abused women at children.
Natuwa kaming mga miyembro ng Soroptimist International Philippines dahil mabibigyan na ng katuparan na matulungan ang mga sexually abused at battered women sa pamamagitan ng programa kung saan kailangang makipag-coordinate sa Womens Desk na nakatalaga sa ibat ibang lugar para humingi ng tulong sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso.
Very timely din ang programa dahil malaking problema ngayon sa ating lipunan kung paano masusugpo ang pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan.
Kaya itinalaga ang October bilang buwan ng domestic violence.
Napakinggan namin ang kahusayan sa pagtugtog ng Black Pearl Band na binubuo ng anim na miyembro kung saan lima ang babae at lalaki naman ang drummer.
May ilang nagtatanong kung bakit hindi sila napagkikita sa bansa. Tumugtog pala sila sa ilang bansa sa Asya sa loob ng tatlong taon.
Nakita ang kanilang potensyal sa pagkanta kaya nabuo ang album na naglalaman ng anim na Original Filipino Music (OPM) kung saan ang carrier single ay "Palapit Sa Iyo".
Si Lucena Ilagan ang nagprodyus ng album, president ng Y & L Global Manpower. Kinatawan sila ng Achievers Events Management. Pwedeng tawagan si Lulu Carpio sa telepono # 8841326 at 8430592 para sa karagdagang detalye sakaling may interesadong kunin ang serbisyo ng banda.
Napasyal sa taping ng isang TV show ang isang reporter para interbyuhin ang isang sikat na aktres. Nadatnan niya itong kumakain at sinabihan ito ng EP na iinterbyuhin matapos siyang kumain.
Pero umalis na agad ito at nagtungo sa isang tabi kung saan kunway nagbabasa ng script. Iniwasan niya nga ang reporter na iginagalang din sa showbiz at nang matapos magbasa ng script ay lumalayo ito sa reporter hanggang tinawag na para magresume ng taping.
Masama ang loob ng lady reporter na dumayo pa roon sa taping para lang mainterbyu ang sikat na aktres.
"May posibilidad bang magkabalikan kayo ni Mark?" tanong namin kay Jennylyn.
"Tita, natauhan na po ako at ayaw ko nang makipagbalikan sa kanya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon at gusto kong mag-concentrate sa aking career. Kahit naman Pasko o Bagong Taon ay never ko siyang nakasama dahil hindi man lang siya dumadalaw sa aming bahay sa mga importanteng pagdiriwang. Kapag may special occasion ay pinipilit niyang mag-away kami para hindi siya makadalo sa aming pagdiriwang. Ngayon ko na-realize na hindi niya ako talaga mahal," sey ng aktres.
Sinabi pa rin nito na hindi na siya umiiyak ngayon at naka-recover na dahil may mga kaibigan siyang nakakasama sa mga gimikan gaya nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
Natuwa kaming mga miyembro ng Soroptimist International Philippines dahil mabibigyan na ng katuparan na matulungan ang mga sexually abused at battered women sa pamamagitan ng programa kung saan kailangang makipag-coordinate sa Womens Desk na nakatalaga sa ibat ibang lugar para humingi ng tulong sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso.
Very timely din ang programa dahil malaking problema ngayon sa ating lipunan kung paano masusugpo ang pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan.
Kaya itinalaga ang October bilang buwan ng domestic violence.
May ilang nagtatanong kung bakit hindi sila napagkikita sa bansa. Tumugtog pala sila sa ilang bansa sa Asya sa loob ng tatlong taon.
Nakita ang kanilang potensyal sa pagkanta kaya nabuo ang album na naglalaman ng anim na Original Filipino Music (OPM) kung saan ang carrier single ay "Palapit Sa Iyo".
Si Lucena Ilagan ang nagprodyus ng album, president ng Y & L Global Manpower. Kinatawan sila ng Achievers Events Management. Pwedeng tawagan si Lulu Carpio sa telepono # 8841326 at 8430592 para sa karagdagang detalye sakaling may interesadong kunin ang serbisyo ng banda.
Pero umalis na agad ito at nagtungo sa isang tabi kung saan kunway nagbabasa ng script. Iniwasan niya nga ang reporter na iginagalang din sa showbiz at nang matapos magbasa ng script ay lumalayo ito sa reporter hanggang tinawag na para magresume ng taping.
Masama ang loob ng lady reporter na dumayo pa roon sa taping para lang mainterbyu ang sikat na aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended