Sharon, pag-asa ng industriya
October 29, 2005 | 12:00am
Mapapansin mo ngayon ang pagsisikap ng megastar na si Sharon Cuneta na mai-promote ang kanyang album. Kapansin-pansin din na bigla siyang naging-visible lalo na sa mga tv commercials. Marami ang nagsasabing ito na ang simula ng muli niyang pagiging aktibo sa showbusiness. Marami ang nag-alala na baka nga tuluyan na niyang iwan ang showbiz dahil sa dalawa niyang maliliit pang anak.
Ilang taon din natigil si Sharon, simula noong bago pa siya manganak. Kahit naman noong nagti-TV siya sa totoo lang ay parang kulang din dahil ang hinahanap ng mga tao sa kanya ay yong makitang nagpe-perform, hindi iyong nakikipagkwentuhan lamang. Pero iyong show nga niya ay isa sa mga tinipid ng network kaya ginawang talk show sa halip na isang musical show na kagaya nung dati.
Tapos sa halip na gumawa ng pelikula ay nag-produce na lang siya, na hindi rin naman gaanong maganda ang resulta dahil kahit na sabihin mo pang siya ang producer noon eh hindi naman siya nakita sa pelikula, kaya wala ring batak yon.
Palagay namin dapat si Sharon mismo ang gumawa ng pelikula, at siguro dahil nasasabik na ang mga tao sa kanya, magiging malaking hit yon, basta tama ang handling. Nakakalungkot mang isipin, hindi naman kasi lahat ng kumpanya kayang ihandle ang isang Sharon Cuneta movie, at napatunayan na yan dahil hindi talaga kami makapaniwala na ang pelikula ng mega star ay dapat na matalo sa box office. Mali lang ang handling kaya nangyari yon.
Anyway, ok na rin naman na aktibo ulit ngayon si Sharon. Siguro nga yan ang isa pang pag-asa ng pelikulang Pilipino. Baka si Sharon ang makagawa ng isang pelikulang magbabalik ng tiwala ng mga fans sa ating mga pelikula. Kailangan natin ang malilinis na pelikula na kagaya ng ginagawa ni Sharon nun, hindi iyang mga digital movies na puro sex ang tema.
Naging judge pa si Kuya Germs, at talagang todo ang kanyang suporta doon sa ginawang contest noong Amazing Philippine Beauties. Ito yong sinasabing pinakamalaking beauty contest ng mga bakla sa Pilipinas.
Simple lang naman ang dahilan ni Kuya Germs. Una, nakakatulong iyon para mailabas ang talents ng mga bakla. Ikalawa, dahil naman sa kanilang show ay nagkakaroon ng trabaho ang napakaraming mga bakla, bukod pa nga roon sa production crew ng kanilang palabas. Aba eh mahigit na dalawandaang tao nga naman ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa show na iyon, at nailalagay pa sa ayos ang dati ay halos nagigiba nang Film Center of the Philippines.
Ilang taon din natigil si Sharon, simula noong bago pa siya manganak. Kahit naman noong nagti-TV siya sa totoo lang ay parang kulang din dahil ang hinahanap ng mga tao sa kanya ay yong makitang nagpe-perform, hindi iyong nakikipagkwentuhan lamang. Pero iyong show nga niya ay isa sa mga tinipid ng network kaya ginawang talk show sa halip na isang musical show na kagaya nung dati.
Tapos sa halip na gumawa ng pelikula ay nag-produce na lang siya, na hindi rin naman gaanong maganda ang resulta dahil kahit na sabihin mo pang siya ang producer noon eh hindi naman siya nakita sa pelikula, kaya wala ring batak yon.
Palagay namin dapat si Sharon mismo ang gumawa ng pelikula, at siguro dahil nasasabik na ang mga tao sa kanya, magiging malaking hit yon, basta tama ang handling. Nakakalungkot mang isipin, hindi naman kasi lahat ng kumpanya kayang ihandle ang isang Sharon Cuneta movie, at napatunayan na yan dahil hindi talaga kami makapaniwala na ang pelikula ng mega star ay dapat na matalo sa box office. Mali lang ang handling kaya nangyari yon.
Anyway, ok na rin naman na aktibo ulit ngayon si Sharon. Siguro nga yan ang isa pang pag-asa ng pelikulang Pilipino. Baka si Sharon ang makagawa ng isang pelikulang magbabalik ng tiwala ng mga fans sa ating mga pelikula. Kailangan natin ang malilinis na pelikula na kagaya ng ginagawa ni Sharon nun, hindi iyang mga digital movies na puro sex ang tema.
Simple lang naman ang dahilan ni Kuya Germs. Una, nakakatulong iyon para mailabas ang talents ng mga bakla. Ikalawa, dahil naman sa kanilang show ay nagkakaroon ng trabaho ang napakaraming mga bakla, bukod pa nga roon sa production crew ng kanilang palabas. Aba eh mahigit na dalawandaang tao nga naman ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa show na iyon, at nailalagay pa sa ayos ang dati ay halos nagigiba nang Film Center of the Philippines.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended