Kwento ng 2 waiter
October 28, 2005 | 12:00am
Ang laki na talaga ng ipinagbago ng panahon.
Nung Miyerkules, dalawang waiter ang naka-engkwentro ko sa dalawang magkaibang okasyon. On both ocassions, parehong na-turned off ako sa kanila.
Sa Champagne Room Salon ng Manila Hotel na kung saan ginanap ang isang presscon para kay Gary Lewis & The Playboys, yung waiter na assigned sa mesa namin ay hindi masyadong nailalagay sa tasa ang sopas kapag isinasalin niya, kaya marumi ang paligid ng aking tasa. Pati na rin ng katabi ko. Mayron ding tumatapong tubig sa mesa kapag sinasalinan niya ang aming baso. Walang kapinu-pino ang kanyang kilos. Di naman siya galit, (walang dahilan para siya magalit) pero talagang wala siyang finesse, hindi siya refined kumilos. Ewan ko lamang kung naisumbong siya ng kasamang Dindo Balares, entertainment editor ng Balita, sa kanyang head dahil ganito rin ang nangyari kay Dindo habang sinisilbihan siya ng nasabing waiter.
Pero, classic yung isang waiter ng Ratsky Morato na kung saan naman ginanap ang album launching ni Alynna. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin. I asked kung ano ang available, sabi niya lahat ang klase ng softdrinks, or iced tea. Since matagal na akong di umiinom ng softdrinks at ayaw ko naman ng iced tea dahil may asukal ito (diabetic ako), I opted for mineral water. Di raw pwede. Sabi ko, sabihin niya muna sa organizer, since mas mura ang bottled water sa softdrinks, siguradong papayag ito. Obviously pumayag, dahil nakatanggap ako ng pinaka-maliit na bote ng mineral water. Kaya lang warm. So, humingi ako sa kanya ng yelo. Di raw pwede dahil marumi ang yelo nila. Tiningnan ko siya ng mabuti bago ko sinabing "Basta bigyan mo ako ng yelo." Nabigyan naman ako ng glassful of ice. Ang punto ko, bakit arogante siya? Bat niya sasabihin na marumi ang yelo nila eh makakasama yun sa Ratsky? Dapat lang na pangaralan siya ni Randy (Santiago) o sinumang nagmemeari ng nasabing lugar. Dahil nakakasira siya sa image ng lugar.
Sumaya ang office namin sa Pilipino Star Ngayon, at lalo na ako, nang dalawin kami ng tatlong monthly champions ng programa ng ABS CBN na Little Big Star na napapanood tuwing Sabado, 5:30 NH hosted by Sarah Geronimo.
Magandang gimik ito para sa programa dahil naipo-promote ng mga kabataan ang programa at napapamahal pa sila sa mga manonood ng TV. Surprisingly, kilala sila ng mga officemates ko, love nila sila kaya panay ang kodakan. Lalo silang nasiyahan nang magbigay ang tatlo ng ilang awitin na ang ginawang mike ay isang plastic bottle ng mineral water.
Pinaka-kwela sa tatlo, ang monthly champion ng Little Division na si Makisig Morales. Wala siyang kahiya-hiya at napaka-ganda ng PR. Dulot siguro ng madalas na pagsali sa mga ganitong pakontes. Pareho namang magagaling kumanta ang nag-tie sa Big Divison na sina Rachel Ann Pegason at Sam Concepcion. Si Sam ay kamukha ng kapangalan niya sa Pinoy Big Brother, younger version, at si Rachel, ang laki-laki ng boses, parang hindi sa kanya.
The group was headed by Ms. Peachy Quioguio, isa sa mga namumuno ng PR ng ABS CBN.
Balik ang tangkilik ng tao sa mga banda. At nakatutuwang magaganda ang imahe ngayon ng banda, lalo na ang mga myembro na karamihan ay nagsisipag-aral sa mga kilalang kolehiyo at may mga sinasabi ang pamilya. Clean cut din ang mga itsura nila at mukhang di nagbibisyo na imahe naman ng mga banda nun.
Isa sa mga banda na talagang tinitilian ngayon ay ang Bamboo, binubuo nina Bamboo Mañalac, Nathan Azarcon, Ira Cruz at Vic Morales. Malaking tulong ang soloista ng grupo dahil nadadala niya ang kanyang mga kasamahan to greater heights.
Na-invade na rin ng Bamboo ang mundo ng advertising. Kinuha silang mga image model ng Pony Footwear, isang brand na kilala sa pagiging bold ng produkto at irreverent din tulad ng musika at ugali (?) ng Bamboo.
Sa kabila ng parang negatibong description ng grupo, lalong dumarami ang kanilang following, dahilan upang malampasan ng kanilang current single na "Hallelujah" ang pinaka-hit nila last year na "Noypi".
Mabilis ding sumikat ang Orange & Lemons, dahilan upang maglabas ang Universal Records ng repackaged edition ng kanilang album na "Strike Whilst The Iron Is Hot". Kasama dito ang sikat na theme song ng Pinoy Big Brother, ang "Pinoy Ako" at ang mga bagong cuts ng "Blue Moon", theme song ng pelikula ng Regal Films na may kapareho ring pamagat, "Abot Kamay", bagong komposisyon ng grupo para sa isang Sunsilk commercial, at ang bersyon nila ng "Heaven Knows" (The Angel Has Flown) at "Hanggang Kailan" (Umuwi Ka Na Baby). May music video ng dalawang awiting ito sa loob ng album.
Myembro ng Orange & Lemons sina Clem Castro (electric guitar/vocals), Mcoy Fundales (acoustic guitar/vocals), Ace del Mundo (drums) at JM del Mundo (bass guitar). Napili ang grupo bilang Best New Artist sa NU 107s 2004 Rock Awards.
E-mail: veronica@philstar .net.ph
Nung Miyerkules, dalawang waiter ang naka-engkwentro ko sa dalawang magkaibang okasyon. On both ocassions, parehong na-turned off ako sa kanila.
Sa Champagne Room Salon ng Manila Hotel na kung saan ginanap ang isang presscon para kay Gary Lewis & The Playboys, yung waiter na assigned sa mesa namin ay hindi masyadong nailalagay sa tasa ang sopas kapag isinasalin niya, kaya marumi ang paligid ng aking tasa. Pati na rin ng katabi ko. Mayron ding tumatapong tubig sa mesa kapag sinasalinan niya ang aming baso. Walang kapinu-pino ang kanyang kilos. Di naman siya galit, (walang dahilan para siya magalit) pero talagang wala siyang finesse, hindi siya refined kumilos. Ewan ko lamang kung naisumbong siya ng kasamang Dindo Balares, entertainment editor ng Balita, sa kanyang head dahil ganito rin ang nangyari kay Dindo habang sinisilbihan siya ng nasabing waiter.
Pero, classic yung isang waiter ng Ratsky Morato na kung saan naman ginanap ang album launching ni Alynna. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin. I asked kung ano ang available, sabi niya lahat ang klase ng softdrinks, or iced tea. Since matagal na akong di umiinom ng softdrinks at ayaw ko naman ng iced tea dahil may asukal ito (diabetic ako), I opted for mineral water. Di raw pwede. Sabi ko, sabihin niya muna sa organizer, since mas mura ang bottled water sa softdrinks, siguradong papayag ito. Obviously pumayag, dahil nakatanggap ako ng pinaka-maliit na bote ng mineral water. Kaya lang warm. So, humingi ako sa kanya ng yelo. Di raw pwede dahil marumi ang yelo nila. Tiningnan ko siya ng mabuti bago ko sinabing "Basta bigyan mo ako ng yelo." Nabigyan naman ako ng glassful of ice. Ang punto ko, bakit arogante siya? Bat niya sasabihin na marumi ang yelo nila eh makakasama yun sa Ratsky? Dapat lang na pangaralan siya ni Randy (Santiago) o sinumang nagmemeari ng nasabing lugar. Dahil nakakasira siya sa image ng lugar.
Magandang gimik ito para sa programa dahil naipo-promote ng mga kabataan ang programa at napapamahal pa sila sa mga manonood ng TV. Surprisingly, kilala sila ng mga officemates ko, love nila sila kaya panay ang kodakan. Lalo silang nasiyahan nang magbigay ang tatlo ng ilang awitin na ang ginawang mike ay isang plastic bottle ng mineral water.
Pinaka-kwela sa tatlo, ang monthly champion ng Little Division na si Makisig Morales. Wala siyang kahiya-hiya at napaka-ganda ng PR. Dulot siguro ng madalas na pagsali sa mga ganitong pakontes. Pareho namang magagaling kumanta ang nag-tie sa Big Divison na sina Rachel Ann Pegason at Sam Concepcion. Si Sam ay kamukha ng kapangalan niya sa Pinoy Big Brother, younger version, at si Rachel, ang laki-laki ng boses, parang hindi sa kanya.
The group was headed by Ms. Peachy Quioguio, isa sa mga namumuno ng PR ng ABS CBN.
Isa sa mga banda na talagang tinitilian ngayon ay ang Bamboo, binubuo nina Bamboo Mañalac, Nathan Azarcon, Ira Cruz at Vic Morales. Malaking tulong ang soloista ng grupo dahil nadadala niya ang kanyang mga kasamahan to greater heights.
Na-invade na rin ng Bamboo ang mundo ng advertising. Kinuha silang mga image model ng Pony Footwear, isang brand na kilala sa pagiging bold ng produkto at irreverent din tulad ng musika at ugali (?) ng Bamboo.
Sa kabila ng parang negatibong description ng grupo, lalong dumarami ang kanilang following, dahilan upang malampasan ng kanilang current single na "Hallelujah" ang pinaka-hit nila last year na "Noypi".
Mabilis ding sumikat ang Orange & Lemons, dahilan upang maglabas ang Universal Records ng repackaged edition ng kanilang album na "Strike Whilst The Iron Is Hot". Kasama dito ang sikat na theme song ng Pinoy Big Brother, ang "Pinoy Ako" at ang mga bagong cuts ng "Blue Moon", theme song ng pelikula ng Regal Films na may kapareho ring pamagat, "Abot Kamay", bagong komposisyon ng grupo para sa isang Sunsilk commercial, at ang bersyon nila ng "Heaven Knows" (The Angel Has Flown) at "Hanggang Kailan" (Umuwi Ka Na Baby). May music video ng dalawang awiting ito sa loob ng album.
Myembro ng Orange & Lemons sina Clem Castro (electric guitar/vocals), Mcoy Fundales (acoustic guitar/vocals), Ace del Mundo (drums) at JM del Mundo (bass guitar). Napili ang grupo bilang Best New Artist sa NU 107s 2004 Rock Awards.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended