^

PSN Showbiz

Chx, umaming may malaswang photos sa Internet

-
Inamin ng 4th evictee na si Chiqui "Chx" Alcala na siya ang nasa litratong may malaswang posisyon na kumalat sa internet pero hindi raw iyon kuha sa Pinoy Big Brother house.

Nakunan daw ang mga malalaswang litrato bago pa siya nag-join ng PBB at nagtataka siya kung paano lumabas ang mga ito dahil kuha raw ‘yun sa cellphone niya nung naging playful sila ng boyfriend niya at ito pa nga raw ang kumuha sa kanya, si Love Tahdani na karelasyon niya for 7 years.

"Naiwan ko po ‘yung cellphone ko sa taxi baka po doon nakuha.  Nagtataka lang ako kung bakit lumabas, e, naka-encrypt po ‘yun," matipid niyang sagot.

Deretsahan ding tinanong kung pervert siya at mabilis din niya kaming sinagot ng, "Hindi po."

Malaking epekto nga raw sa pamilya ni Chx ang mga litratong iyon dahil ‘yung lola niya ay hindi na makalabas ng bahay at nahiya naman siya sa magulang niya na naintindihan siya.

Nahiya rin daw si Chx sa mga nabanggit na litrato niya, pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na at ayaw naman niyang huminto ang ikot ng mundo niya dahil doon.

"Ngayong nasa labas na po ako ng bahay ni kuya, kailangan, harapin ko na po kung ano ang plano sa akin ng ABS-CBN at ayaw kong maging hadlang sa pangarap ko ang mga litratong ‘yun, ginawa ko, kaya paninindigan ko," paliwanag ni Chx.

Aminado naman ang dalagang taga-Bicol na naglayas sa magulang at pumunta ng Maynila na matagal na niyang pangarap ang maging artista. Pero hindi kaagad nangyari ang pangarap niya dahil nakilala niya ang ex-boyfriend niyang si Love na siyang tumulong at nag-alaga sa kanya.

"Siya po kasi ang taong umaruga sa akin, malaki ang nagawa niya sa buhay ko kaya tumagal kami, pero hindi po kami nag live-in dahil bawal sa kultura nila bilang isang Indian."

On and off ang relasyon nila dahil babaero si Love at makailang beses na raw niya itong pinatawad. Aminado si Chx na may love pa siya sa ex-boyfriend at kasalukuyan silang nag-uusap para ayusin ang anumang problema nila at sa katunayan ay suot uli niya ang wedding band na bigay sa kanya ni Love.

"Sabi po niya kasi, isuot ko, di isinuot ko," nangiting sagot ni Chx nung tanungin namin ang nabanggit na singsing.

Kung mahal pa niya ang ex-boyfriend niya, saan naka-puwesto sa puso niya ang iniwan niyang housemate na nagdurugo ang puso, si Sam Milby at matutupad pa kaya ang pangakong "I will wait for you outside"?

"Special po sa akin si Sam, pero siyempre, iba rin po ‘yung pinagsamahan namin ni Love. Opo, sabi ko, hihintayin ko siya, depende po sa takbo ng pangyayari kasi nga pinayuhan nina Say, Uma at Jenny si Sam na huwag akong seryosohin na baka nga hindi ako sincere sa sinabi ko, kasi baka nga raw magkabalikan kami ni Love o kaya magkita uli kami ni Rico (1st evictee), actually, tama po ‘yung ginawa nilang payo kay Sam," paliwanag uli ni Chx.

At dahil liberated si Chx at aminadong flirt siya ay tinanong namin kung nami-miss niya ang sex dahil two months siyang bakante sa Bahay ni Kuya?

"Opo," nakangiti niyang sagot.
* * *
Gusto naming linawin ang sinulat namin dito sa PSN (October 19) tungkol sa isyung ipinagtanggol ni Joey Marquez si Janice De Belen laban sa kaibigan nitong si John Estrada tungkol sa bahay nila sa Parañaque na nasa pangalan ni Janice.

Ang paliwanag ni Joey sa programang S-Files nung Linggo at sa ibang kasamahan sa panulat ay "Dinagdagan" namin ang aming sinulat, exaggerated daw dahil wala raw siyang sinabi na "Isip bata si John, wala siyang karapatang angkinin ang bahay na ‘yun dahil alam kong si Janice ang nagpatayo no’n at alam ko ‘yun dahil ako pa ang mayor no’n." Bukod dito ay nagsabi pa si Tsong na hahanapin daw nila ang nagsulat.

Bago niya kami hanapin ay hanapin muna niya ang taong nakarinig ng mga sinabi niya habang nanonood siya ng monitor sa loob ng studio na ini-interview ng The Buzz si John Estrada. 

Paano namin dinagdagan ang mga sinulat namin, e, wala naman kaming ideya kung ano ang tungkol sa bahay na nasa Parañaque? Ano bang malay namin na nung inayos pala ni Janice ang papeles sa nabanggit na bahay, e, si Joey ang kasalukuyang mayor? At bakit hindi binanggit ni Joey ang katagang sinabi niya na, "Sino ba ang nagtuturo ng sasabihin niya si John, kabaligtaran lahat ‘yun, isip bata pa rin," sa totoo lang, nakalimutan naming isulat ang katagang "Itong si John, hindi talaga nag-iisip ng sasabihin."

At para maging klaro nga ang lahat, tinanong din namin si Janice tungkol sa bahay at nabanggit nga niya na "Nabili ko ang bahay na ‘yun, hindi pa kami kasal. Nang matapos bayaran, kasal na kami."

Di ba’t nabanggit din ito ni Janice nung magsalita siya sa Sis last week? Ano ba ang dapat naming idagdag?

At heto ang katwiran ng mismong staff ng S-Files na nakarinig, "Lumusot na lang si Joey, kasi naipit siya, malay ba niya kasing lalabas sa dyaryo ang pinagsasabi niya. Maraming nakakakilala kay Joey na kapag may napapanood sa monitor ‘yan, panay ang comment." REGGEE BONOAN

BAHAY

CHX

DAHIL

JANICE

NAMIN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with