Angel, mabait sa pamilya
October 26, 2005 | 12:00am
Nakakwentuhan ko ang ama ni Angel Locsin at sinabi nito na bata pa ang kanyang anak ay hilig na nitong mag-artista.
"Five years old lang ito nang sumali sa Little Miss Barangay sa aming lugar sa Baesa. Bukod sa maganda ay talagang bibo. Marunong din siyang kumanta kaya kinagigiliwan sa aming lugar.
"Nang lumaki ito at maging artista ay never siyang kinakitaan ng malaking pagbabago. Sikat na ito nang minsang dumalaw sa aming lugar dahil nami-miss na siya ng mga taga-roon, nakasakay ito sa kanyang van pero bumaba at pinaalis na ang sasakyan para makapiling lang ang mga dating kaibigan at mga kapitbahay," sabi ni Daddy Angel.
Idinagdag pa rin nito na likas na sa ugali ng anak ang pagiging maalalahanin kung saan lagi itong may sorpresa sa pamilya. Nang minsan dumalaw ito sa bahay ng kanyang daddy ay nakitang luma na ang kanilang burner kaya nang sumunod na linggo ay binili siya ng gas range. Nang sumunod na linggo naman ay may nag-deliver sa kanila ng bagong washing machine.
Nang magdaos ng kanyang 13th birthday ang kapatid na lalaki na si Angelo ay binigyan niya ito ng surprise birthday party na dinaluhan ng mga kaiskwela nito at mga kamag-anak kaya halos maluha ang binatilyo. Kahit busy sa mga showbiz commitment ay laging may time dumalaw sa kanyang pamilya ang magandang aktres.
May bagong pelikula ngayon si Juan Rodrigo titled Mga Batang Kalye under Rosas Productions na pag-aari ni Mrs. Rosario Suntay. Kasama nito sina Melissa Mendez at Camille Prats.
Ayon sa magaling na aktor at singer ay natutuwa siya dahil may ilang bagong independent na prodyuser na mahal pa rin ang movie industry dahil naengganyo para magprodyus ng pelikula gaya ni Mrs. Suntay.
"Maganda ang istorya nito na nagpapakita sa kahalagahan ng pagiging matatag at buong pamilya."
Bihira ang nakakaalam na hindi lang mahusay na dramatic actor si JR kundi magaling ding singer na naiimbitahan sa abroad para kumanta sa Filipino community. Tumutulong ito sa promosyon ng "Destiny" album ni Marri Nallos kung saan may dueto sila ng original na "Crystal Voice of Asia".
Nasa-second week na ang Wallace & Gromit na hango sa premyadong serye ng clay-animated short films nina Wallace & Gromit na nagsimula sa England hanggang sumikat sa buong mundo.
Ang Wallacce & Gromit (The Curse of the Were-Rabbit) ay isang all-new comedy adventure tungkol sa imbentor at ang mga alaga niyang aso.
Sa direksyon nina Nick Park at Steve Box, ang Wallace & Gromit ay tinatampukan ng mga boses nina Peter Sallis, Ralph Fiennes, Helena Bonham Carter at Peter Kay. Itoy release sa Pinas ng United International Picture sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Ayon sa isang source, isang maliit na bag lang ang dala ng sikat na female TV host kapag siyay naglalakbay sa ibang bansa. Ang dahilan puro underwear lang daw ang dala nito dahil doon siya namimili ng damit na isusuot.
Very lovable ang sikat na TV host kung saan halos lahat ng show ng isang malaking network ay kasama ito.
"Five years old lang ito nang sumali sa Little Miss Barangay sa aming lugar sa Baesa. Bukod sa maganda ay talagang bibo. Marunong din siyang kumanta kaya kinagigiliwan sa aming lugar.
"Nang lumaki ito at maging artista ay never siyang kinakitaan ng malaking pagbabago. Sikat na ito nang minsang dumalaw sa aming lugar dahil nami-miss na siya ng mga taga-roon, nakasakay ito sa kanyang van pero bumaba at pinaalis na ang sasakyan para makapiling lang ang mga dating kaibigan at mga kapitbahay," sabi ni Daddy Angel.
Idinagdag pa rin nito na likas na sa ugali ng anak ang pagiging maalalahanin kung saan lagi itong may sorpresa sa pamilya. Nang minsan dumalaw ito sa bahay ng kanyang daddy ay nakitang luma na ang kanilang burner kaya nang sumunod na linggo ay binili siya ng gas range. Nang sumunod na linggo naman ay may nag-deliver sa kanila ng bagong washing machine.
Nang magdaos ng kanyang 13th birthday ang kapatid na lalaki na si Angelo ay binigyan niya ito ng surprise birthday party na dinaluhan ng mga kaiskwela nito at mga kamag-anak kaya halos maluha ang binatilyo. Kahit busy sa mga showbiz commitment ay laging may time dumalaw sa kanyang pamilya ang magandang aktres.
Ayon sa magaling na aktor at singer ay natutuwa siya dahil may ilang bagong independent na prodyuser na mahal pa rin ang movie industry dahil naengganyo para magprodyus ng pelikula gaya ni Mrs. Suntay.
"Maganda ang istorya nito na nagpapakita sa kahalagahan ng pagiging matatag at buong pamilya."
Bihira ang nakakaalam na hindi lang mahusay na dramatic actor si JR kundi magaling ding singer na naiimbitahan sa abroad para kumanta sa Filipino community. Tumutulong ito sa promosyon ng "Destiny" album ni Marri Nallos kung saan may dueto sila ng original na "Crystal Voice of Asia".
Ang Wallacce & Gromit (The Curse of the Were-Rabbit) ay isang all-new comedy adventure tungkol sa imbentor at ang mga alaga niyang aso.
Sa direksyon nina Nick Park at Steve Box, ang Wallace & Gromit ay tinatampukan ng mga boses nina Peter Sallis, Ralph Fiennes, Helena Bonham Carter at Peter Kay. Itoy release sa Pinas ng United International Picture sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Very lovable ang sikat na TV host kung saan halos lahat ng show ng isang malaking network ay kasama ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended