Bakit nagkahiwalay sina Nyoy at Mannos?
October 25, 2005 | 12:00am
Kung mula sa umpisa ng singing career ni Regine Velasquez ay ang tatay niyang si Mang Jerry ang lagi nitong kasama, ganun din ang kaso ni Richard Reynoso, na si Daddy Bing Reynoso naman ang chaperon nito.
Marami ang nagtaka na kung bakit parang bulang naglaho si Richard sa kabila nang marami naman siyang hit na kanta.
Nawalan ng gana si Richard na kumanta mula nang mamatay ang kanyang ama dahil sa cancer of the lungs nung taong 1995. Kinailangan niyang talikuran ang kanyang singing career dahil the more na hinahanap at nami-miss niya ang daddy niya sa kanyang mga lakaran at shows.
At naging therapy niya ang pagtatrabaho sa ibat ibang kompanya dahil tapos naman siya ng marketing management sa PCU.
Sa isang banda, nandun pa rin yung lungkot niya dahil sa tuwing natatanggap ni Richard ang sweldo niya ay naiiyak siya at sinasabi sa sarili na "Isang kanta ko lang ito."
"Pero natuto akong maging humble at pahalagahan ang pera. Bukod sa nakuha ko yung atmosphere na gusto ko. Kasi doon sa work field ko, hindi ako star. Nagkaroon ako ng freedom na gawin yung gusto ko," kuwento ni Richard.
Tatlong taon saka lamang naka-recover si Richard at nakapag-asawa siya ng isang flight stewardess. Ngayon ay 5 yrs old na ang kanilang anak na babae. Pagkatapos ay binalikan din niya ang kanyang first love na singing, pero madalas ay sa ibat ibang bansa na siyang nagpi-perform.
At sa mga nagtatanong kung bakit ngayon lang niya naisipang magkaroon ng concert?
"Kasi dati nandoon yung maraming takot at insecurities ko. Pero ngayon I have nothing to lose. Ngayon gusto ko lang makasama at magpasalamat sa mga malalapit kong kaibigan at fans na nandyan pa rin after all these years," paliwanag ni Richard.
Ang Richard Reynoso, One Special Night ay gagawin sa Oct. 29, sa Music Museum.
Ano kaya ang nangyari kina Nyoy Volante at Mannos? May bago na kasi itong banda na sunod sa pangalan ni Nyoy. Binubuo raw ito ng mga bagong grupo. Sayang naman yung Mannos kung pinakawalan niya kasi magagaling din silang musicians.
May show si Nyoy sa Biyernes (Oct. 28) Nyoy Volante Rocks Bagaberde (Roxas, Blvd.) Kasama ni Nyoy sina Kitchie Nadal, Barbie Almabis at ang Les Belles Filipinas.
Isa si Erik Santos sa mga singer na kapag kumanta, hindi ka lang mapapalingon, kundi madadama mo rin yung kanta niya.
"Iba kasi yung kumakanta ka na galing sa puso. At the same time, gusto ko rin matatak sa isip ng tao," sabi ni Erik.
First time sumulat ng kanta ni Erik na kasama sa kanyang album na "Erik Santos...Loving You Now", na pinamagatang "Kung Maalala Mo".
"Wala lang for a change. Saka sinubukan ko lang na sana magustuhan din nila."
Ang iba pang kanta sa album ay "Loving You," "Ill Never Leave You," "Goodbye Is Not Forever," "Doors".
Bago matapos ang taon, may free concert si Erik bilang pasasalamat niya sa kanyang mga fans. Itoy gagawin sa Marikina River Bank sa Dec 4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended