^

PSN Showbiz

Hero, ila-loveteam kay Jennylyn!

-
Maayos at maganda ang premiere night ng pelikulang Ispiritista, Itay May Moomoo mula sa Regal Entertainment at APT Entertainment na dinaluhan namin last Saturday night dahil pinasaya ni Vic Sotto ang mahigit isang daang mga batang ulila na taga-Hospicio de San Jose na tuwang-tuwa dahil nakita ng personal ang idolo nilang sina Vic at BJ "Tolits" Forbes.

In fairness, maganda ang pelikula, hindi ito ‘yung typical Vic Sotto movie na pilit pinatatawa ang manonood at yung mga paulit-ulit niyang jokes na napanood na nung kasagsagan pa ng Tito, Vic and Joey movies.

Agree kami kay bossing Vic dahil totoo yung sinabi niyang revelation ang acting ni BJ, malinaw at maganda ang pagkaka-deliver nito ng dialogues, hindi rin pilit ang acting niya, pakiramdam nga namin ay hindi na niya inaarte, natural na yata iyon ni BJ.

Hindi na namin pupurihin pa ang ibang kasama sa pelikula dahil talagang mahuhusay sila maliban kay Cindy Kurleto na maayos naman ang acting at malakas ang dating sa screen, kaso halatang-halata na tabingi pala ang mukha niya.

Full support ang buong Eat Bulaga family sa premiere night mula sa top executive na si Mr. Antonio P. Tuviera with his family, Ms. Malou Choa-Fagar (hindi yata kasama ang pamilya) Joey De Leon with his wife Aileen, wife ni Francis Magalona na si Pia Arroyo kasama ang mga tsikiting, Ruby Rodriguez with daughter, Danica Sotto (asan si Oyo Boy?), Ciara Sotto at marami pang iba.
* * *
Hindi itinatago ni Jennylyn Mercado na flattered siya kay Hero Angeles sa pag-amin ng binatang "crush" siya nito at open din ang ex-girlfriend ni Mark Herras sa ideyang i-loveteam siya kay Hero sa upcoming projects ng GMA 7.

At ang nakakalokang pahayag ni Jennylyn kay Hero, "At least may utak siya at nag-aaral, di tulad ng iba dyan," na kung ia-analisa ay si Mark ang pinatutungkulan niya.

Puwedeng sabihing abot hanggang langit na ang galit ni Jennylyn sa ka-loveteam dahil nakapagsalita na siya ng hindi maganda na dati-rati’y pawang puri at pagtatanggol ang ginagawa niya kay Mark noon kapag nasisita namin siya sa pagtitiis niya.

Sa mga hindi nakakaalam, matagal na panahong pinagtatakpan ni Jennylyn si Mark, at marahil nagsawa na talaga si Jennylyn kaya this time, inopen na niyang lahat ang sama ng loob niya sa ex-boyfriend.

Going back to Hero, maraming fans ang nagsabing susuportahan nila si Jennylyn if ever na siya na ang ipa-partner sa kanilang idolo.

Nakatitiyak kami oras na sina Hero at Jennylyn na ang magka-loveteam, malalagpasan nito ang itinalang record ng Jennylyn & Mark movies.
* * *
May winner na raw sa Pinoy Big Brother dahil "niluto" na raw ito ng mga bossing ng ABS-CBN?

Ito ang kumakalat ngayon sa text messaging na ang matitirang dalawang housemate sa PBB house ay sina Uma at Cass na parehong paborito raw ng producer at director ng programa.

Nabanggit pa na kunwa’y nano-nominate si Cass para mapalayas sa Bahay ni Kuya, pero parati namang naililigtas, remember, nakaka-dalawang nominations na siya?

Naalala tuloy namin ang naikuwento sa amin ng taga-Dos na hindi namin pinansin na nung unang ma-nominate si Cass ay heto ang dialogue sa amin, "Imposibleng tanggalin nila si Cass, siya lang ang nagpapasaya sa grupo, siya pa ang tumatayong nanay dahil siya ang pinaka-masipag sa lahat, siya rin ang nakitaang nag-aalala sa kapwa housemates kapag maysakit, gusto si Cass ng Dos."
* * *
Kuwentong Pinoy Big Brother pa rin na sinadya raw ni Chiqui "Chx" Alcala na mapalayas na siya sa Bahay ni Kuya dahil sabik na sabik na raw siyang makita ang mga kaibigan at ang mahal sa buhay.

Sinadya raw ni Chx ang ginawang paghuhubad at pagsa-sariling sikap sa harap ng kamera ng PBB para tuluyan na raw magalit sa kanya si Big Brother.

"Alam naman ni Chx na may mga kamera sa loob ng bahay, kaya kung hindi niya sinadyang magpakuha, di sana nagtakip siya ng kumot (tulad ng ginagawa nila Jason at Franzen), e, hindi, talagang ipinakita pa niya at parang tinutukso pa niya si Big Brother," ito ang opinion ng mismong taga-ABS-CBN. – REGGEE BONOAN

BIG BROTHER

CHX

DAHIL

JENNYLYN

NIYA

PINOY BIG BROTHER

SIYA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with