^

PSN Showbiz

Isa pang Gutierrez ang papasok ng showbiz!

ABOUT SHOWBIZ - ABOUT SHOWBIZ Ni Nits Mirallez -
Hindi sana magalit sa amin ang fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras pero, mas maganda kung break sila’t pareho silang tahimik. Aminin din nilang, may peace of mind sila habang on leave sa kanilang galit-bating relasyon.

Ang maganda pa, nakakagimik silang hindi nagpapaalam sa isa’t isa at hindi nagwo-worry kung sinu-sino ang kasama. Nakakaiwas din sila sa selosang walang katuturan.

Gaya na lamang noong nakaraang Wednesday, October 19, nakita si Jennylyn kasama si Yasmien Kurdi na nag-time out sa hectic nilang schedule. Nagpunta ang dalawa sa Mugen Bar sa Metrowalk, Pasig City. Enjoy ang dalawa’t nakipag-jamming pa kay Nyoy Volante na may gig that night.
* * *
Sa November 7 pa ang story conference ng Etheria (prequel ng Encantadia) pero, nakakabalita na kami ng ilang bubuo sa bagong cast. Ilan sa makakasama ng apat na Sanggre na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon sina Alessandra de Rossi, Pauleen Luna, Aiza Marquez, Dennis Trillo at Nadine Samonte.

Sinukatan na ng costume sina Dennis at Nadine na gaganap sa role ng young Raquim at Ynang Reyna o Mine’a respectively, roles na ginampanan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Book 1 ng tele-fantasy.

Naka-schedule na silang mag-taping sa Nov. 15 pero, si Dennis, ayaw pang mag-comment. Puro "Sana matuloy," ang sagot nito nang makausap namin sa taping ng Darna. Nalaman naming kaya ganoon ang reaction nito’y dahil balitang extended na naman up to December 2 ang Darna. Magkaka-problema nga naman siya sa taping.

Incidentally, kapag nakita namin si Nadine, hihingin namin ang comment nito na may Encantadiks (followers ng teleserye) na hindi pabor sa kanya to play Ynang Reyna’s role. Wala raw siyang royal bearing para bumagay sa papel na ginampanan ni Dawn. Titingnan namin kung ano ang isasagot niya sa comment na ito.
* * *
Tumutok kami sa S.O.P. Gigsters last Sunday and true enough, wala sina Raymond Gutierrez, Nicole Anderson, Katarina Perez at JC de Vera. Pero, sabi ni Annabelle Rama na guest sa The Buzz, si Raymond lang ang kanyang pinul-out. kaya lang, si Ehra Madrigal lang ang napanood namin at absent ang iba niyang talents.

Walang sinabi si Annabelle sa gulo niya with GMA-7 dahil ‘yun daw ang pangako niya kay Atty. Anette Gozon-Abrogar. Saka, may meeting sila this Tuesday para pag-usapan ang conflict na hopefully, agad matapos. Pinapangako siya ni Kris Aquino na after her meeting ay mag-guest uli siya sa The Buzz.

In-announce rin na magiging talent ng ABS-CBN si Ritchie Paul, ang youngest sa Gutierrez brod pero, binawi rin at pag-uusapan pa raw.
* * *
Ipapa-presscon ng Viva Artists Agency sina Carlo Aquino at Desiree del Valle bilang pagwi-welcome sa kanila sa Viva Entertainment family. Malalaman natin kung ano ang mga plano sa kanila ni Mr. Vic del Rosario at mga anak na sina Veronique at Vincent del Rosario.

vuukle comment

AIZA MARQUEZ

ANETTE GOZON-ABROGAR

ANNABELLE RAMA

CARLO AQUINO

DARNA

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

DIANA ZUBIRI

YNANG REYNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with